"Nanay Berta!" kumaway si nanay Berta sa amin ni Cloud. Ganoon din ang ginawa namin. Nasa airport kami para salubungin siya sa araw ngayon. "Rey! Ay ang batang ito talaga. Namiss kitang bata ka? Ang ganda-ganda mo lalo ah," papuri ni nanay Berta sa akin. "Salamat po nanay, kayo rin po ang gandang-ganda niyo po," balik na papuri ko sa kanya. "Sus! Baka binobola mo lang ako niyan ha!" "Hala hindi po, sobrang ganda niyo po kaya lalo na sa picture niyo noong dalaga ka pa kaya at ganun din po ngayon. Baka nakalimutan niyo na na pinakita niyo ang picture mo noong dalaga ka pa at nagkaasawa kaya tama nga ako na maganda po kayo!" "Na hala, huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan basta ang mahalaga na maganda tayong dalawa," saad ni nanay Berta ay tinawanan na lang namin. Kahit marami n

