"Mama! Kumusta po kayo? Papa! Hello po. Pasensya na kung ngayon lang po ako nakadalaw, medyo busy lang po sa school at sa trabaho. Konting tiis na lang po at malapit na po akong matapos ng koliheyo."Kausap ko sa puntod ng mga magulang ko. "Mama...papa… matutuwa po kayo kung sino ang kasama ko, si Cloud po.Sana hindi niyo pa po siya nakakalimutan ma. Boyfriend niya po ako at ngayon asawa ko na po siya. Sana hindi po kayo galit na nauna pa ang anak at pakasal namin kaysa pagtatapos ko po ng pag-aaral, sorry ma.. sorry talaga po," hinawakan ako sa bewang ni Cloud para bigyan ako ng suporta bago ako hinalikan sa noo. "Hello po nanay at tatay, tulad po ng pinangako ko sa inyo na babalik ako dito na kasama ko na po ang anak niyo. Kompleto na po ulit ako nanay at tatay, nandito na ang babae na

