Chapter 2

1151 Words
#2: Hiya Buong araw akong nananahimik sa kwarto sa mga sumunod na araw, di narin ako masyadong sumasabay sa barkada. Napapaisip tuloy ako, namiss bago ng mga bacteriang iyon? Naglalakad lakad na ako sa may hallway patungong Student's Council Office para sa mga papeles na pinapagawa sa akin. Bahagya akong nagulat nang makita si Aina na naroon! Anong ginagawa niya dito? "Ginagawa mo dito?" tanong ko. Blank Space and peg ng ate mo! Wala man siyang ka react-react! "Hello? Kumakausap ba ako ng hangin?" irap ko. Hindi parin siya nagsalita, grabe kailan kaya ako masasanay sa babaeng to! "Aina! Anong ginagawa mo dito?" ulit ko. "Nakaupo." nangunot ang noo ko sa sinagot niya, malamang! Nakaupo siya ngayon! Susmiyo naman. "Ano ba? Sasagot ka ng maayos o hindi?" "Sumagot nako, at maayos yon." Hinilot ko ang sintido ko, susko bat may kaibigan akong ganito! Umupo ako sa mesa ko at tinignan ang mga papel na naroon. Puro approvals lang para sa Intrams at kung ano-ano pang mga booths. Isa-isa kong chineck ang mga iyon at nang may biglang naalala! "Close pala kayo ng kuya ni Rain?" tanong ko at bahagyang sumulyap sakaniya. Lumingon siya sa akin at nag taas ng kilay, "Tsismosa." Napaawang ang labi ko, "Raina Maia!" Ngumisi lang siya at agad umalis sa SCO, anong problema non? Baka may past sila ng kuya ni Rain? Hmm, I smell something fishy. Agad kong tinapos ang mga gagawin nang magkaroon ako hn gana para mang-asar, wala na akong pake kung asarin nila ako sa kalampahan ko noong welcome party kina Rain. "Hi jowa ng kuya ni Rain!" Malaki ang ngisi ko ng bumaling sa akin si Aina na nakataas ang kilay, napatingin ang lahat sa akin ng nagtatakha. Naubo si Rain na nasa tabi ni Aina saka uminom ng tubig. "Huh? Sinong jowa ng kuya ni Rain?" tanong ni Joy. "Gaga! Absent ka kase kaya wala kang alam."irap ko sakaniya. "Hoy bacteria, alam kong gwapo yung kuya ni Rain. Pero may jowa siya sa ating magkakaibigan?" tanong ni Tel-tel, ngumisi ulit ako saka proud na tumango! "Sino?" si Avi. Taas noo akong lumapit at tinapik ang balikat ni Aina, salubong ang kilay nyang lumingon sa akin. "Musta buhay ng may jowa?" tanong ko. Umiling na lamang si Rain at nagpatuloy sa kaniyang binabasa, at ang tatlo naman ay naguguluhang pinagmamasdan kami. "Si Aina ang jowa ng kuya mo, Rain?" -Tel Nagkibit balikat si Rain sakaniya ng di nililingon, "Bakit di mo na sabihin, Aina? Tutal nandito naman tayong lahat?" hamon ko. She shifted her seat saka matamang tinitigan ako, "Bakit hindi mo sabihin ang dahilan kung bakit ka nanginig sa harapan ni Renz?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya! Bahagya akong nagpanic dahil hindi ko alam ang sasabihin. "W-Well, nagulat lang ako no! Tsaka wala naman talaga akong kasalanan don! Na mental block lang ako kaya...nagpanic ako." halos pabulong nalang ang mga huling salita. Aina just rolled her eyes bago tumingin ulit sa binabasa, natahimik ang aming lamesa. "Rain! Raina!" sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang kuya ni Rain iyon! Anong ginagawa niya dito? "Kuya." nakangiting salubong sakaniya ni Rain. He just smiled at us saka binalingan ang kapatid. "Dito daw ako mag college." ngisi niya. "Huh? Eh last year mo nalang ah?" "Yep! Kaya nga sabay tayong ga-graduate. Tsaka mag college ka nalang sa DHVTUS, para malapit sa atin." Nag-usap pa sila habang patuloy ang sulyap ng kuya ni Rain kay Raina. Nako! Iba ang nararamdaman ko, look at you girl ang ganda ganda mo! "Siya yung kuya ni Rain?" tanong ni Joy. Tumango ako at sumulyap ulit sakanila. "Ah! Kuya nakalimutan ko nga pala, nakita mo naman siguro sila sa party mo diba? They are my friends. Eto si Joy, Cristhel, Avi, at Sean, syempre kilala mona si Raina." tawa ni Rain. "And bacterias, this is my Kuya Renz." Buong oras namin ay nakikipagkwentuhan ang lahat kay Renz habang ako ay nakikinig lang sakanila. Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko habang mabilis na tumatakbo, "Pres! May nag aaway po sa may Grade 10! Nagsusuntukan po!" aniya habang hinihingal. "Tawagin mo ang mga Sargeant! Avi, let's go!" Nagtungo kami sa building ng Grade 10 at naroon ang mga nagkukumpulang mga estudyante, "Paaran! Nandiyan na si Pres!" sigaw ni Avi. "Andrew! Justine!" sigaw ko. Natahimik ang buong paligid kasabay ng pag-awat ng mga sargeant sa mga nagsusuntukan. "Sa guidance!" utos ko. Matinding pag gu-guide ng mga sargeant sa mga nagsusuntukan dahil sa ayaw pa paawat ng mga ito. "All students, back to your respective rooms!" Ilang saglit lang ay nalinis na ang buong paligid. I smiled a bit nang maalala ang matunding respeto at takot ng mga estudyante sa akin dito sa Paralaya. I remember the students who got punished. Pinaglinis ko sila ng buong campus magdamag hanggat may nakikita pa akong kalat, at kung hindi niya ako susundin ay suspended siya ng isang buong buwan. Ang iba ay pinagkuskos ko ng mga pader, pinatayo ko sa gitna ng open field sa mainit na arawan, o di kaya'y pinaluhod sa asin. But those students are rebelled. Pero kahit papaano ay may pakialam naman sila sa kanilang pag aaral. After the scene, hindi na muli kami nagkitang magkakaibigan dahil narin sa kaniya-kaniyang klase at ako'y nanatili sa SCO. Wala yatang araw na hindi ako pagod dahil sa mga trabaho dito. Napabangon ako mula sa pagkakayuko sa mesa ko nang maalala ang mga pinapagawa ng Principal sa akin! Tumayo ako at nagpunta sa cabinet na may nakasulat na From Principal at binuklat iyon. Naroon ang mga sandamakmak na folders na ire-review ko para sa mga activites at announcements. Intramurals. Naroon ang mga paligsahan, program at iba pang gagawin sa araw na itinakda. I immediately ran sa may gymnasium at pinindot ang bell, disturbing all the classes. "All the Junior and Senior Students kindly and peacefully proceed to the gymnasium." Erwhin fixed the sounds and the microphone at unti-unting napuno ng mga estudyante ang lugar. "I'm sorry for this sudden announcement, this is all about the coming intramurals here in our school..." Binasa kopa ang mga nakasulat sa folder na ibinigay ni Sir, ilang oras din ang announcements na iyon dahil sa mga di pagkakaunawaan. After that, ay lunch break na. I'm very hungry dahil narin sa hindi ako nakakain kaning break time ng umaga kaya nagpasya na akong lumabas para dumiretso sa canteen. "Hi, Miss President." nagulat ako nang nasa labas si Renz! "B-B-Bakit ka nandito?" "Wala lang, lunch time na kase and you know di ko alam kung saan ko hahagilapin sina Rain. And I heard that you'te the President sa buong high school? Wow." namamangha niyang sinabi. Bahagya akong tumungo dahil sa hiya! Kung hindinlang siya kuya ni Rain ay baka sinapak kona siya sa pambonoa niya! "D-Dito, sundan mo nalang ako." I almost whispered before walking towards the canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD