Chapter 1

1067 Words
#1: Party Lutang ako sa kinabukasan, hindi yata ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip. Malapit na ang Intrams pero wala parin akong plano? "Smash Sean! Sige pa!" ngawit na ang kamay kong kanina pa tini-train ni Coach Richard, gusto niya kasi mas lalo kaming lumakas at bumilis ni Aina na ka double ko. Teka, nasan na yung bruhang iyon? "Coach si Aina?" tanong ko. Nagkamot ito ng batok saka nahihiyang ngumiti, "Nagpaalam kasi na may lakad sila ni Rain kaya...pinayagan ko." aniya. Nagpaalam? Lakad? Ni Rain? Putsya! Para akong trinaydor ng mga ingratang iyon! Bakit hindi nila kami sinama, aber?! "Coach, uwi na ako." Paalam ko. Naguguluhan itong tumingin sa akin, "Pano tong laro?" "Maglaro ka mag-isa mo." sabi ko. Nag para ako ng tricycle at agad na nagpadala sa bahay nina Aina, ingrata hindi man nagpapaalam kung saan ang lakad ha! "Aina!" tawag ko sa labas ng bahay nila, nakita kong lumabas si Tita Tess habang nagpupunas ng kamay. "Oh Sean, ikaw pala. Bakit?" "Tita si Aina po?" tanong ko. "May pupuntahan daw silang importante kasama si Rain." So ibig sabihin ay incomplete ang paalam ni Aina sa mama niya? Bwisit naman oh! Nagtipa ako ng mensahe sa group chat, Ako: Alam niyo ba saan nagpunta ang mga imbyernang Aina at Rain ns iyan? Wala ni isang nag seen sakanila kaya lalo akong nainis. Ako: Mga punyeta magsisagot kayo! Avi: Backread, mamsh. Nag back read nga ako sa group chat namin at nakitang nagpaalam nga si Rain doon! Rain: Out with Aina today, u guys want to go? Punta kaming SM, susunduin ang kuya ko. Lahat sila ay tumanggi kay Rain dahil busy daw sila ngayong weekend! How come na hindi ako nagbasa kanina sa gc? Argh! "Mga animal." I whispered habang naliligo. Bored na bored nako dito sa bahay, si Keto ay kung hindi nag ce-cellphone ay natutulog, ganon din si Shane. Si bunso naman ay nagre-review kaya sumusobra na sa talino! Kinuha ko ang phone ko at nag-edit nalang ng mga pictures doon. Sa sobrang inip, mas gugustuhin ko nalang tumambay sa cr, kainis. "Nasan na ba yung rubics cube kase?" "Aba'y malay ko sayo, sis! Burara kase masyado." "Tinatanong kita ng maayos!" "Sinasagot din kita ng maayos, fyi!" Panay ang pagiging aso't pusa ng mga ito, pare-pareho na nga lang kaming babae di pa magkasundo ang binabae at babae. I spend my remaining tims watching netflix, o di kaya'y matulog, mag share ng mga memes sa f*******:. Ugh! My life is so boring. Agad akong napaseen sa gc nang magchat si Rain, it was a photo of them together with a man...kuya nya na siguro. Rain: G kayo guys? Welcome party para kay kuya. 7pm Napa isip tuloy ako, naman ako. Uuwi si Mama dito ng mga alas singko, papayagan naman siguro ako. Avi: G Tel: Ay bet bakla! May boys? Ako: Ge. Pupunta si Joy? Avi: Pagbabawalan ng jowa yan! I throw my phone sa may gilid bago maghanap ng isusuot mamaya. Just a maong pants and tshirt nalang. "Hi!" bati ni Rain ng makita kami. Lumabas mula sa bahay nila si Aina na as usual, poker face. "Miss Poker, smile naman jan!" I teaser. She glared at me bago bumaling sa barkada. "Si Joy?" tanong ni Rain. Nagkibit balikat ang lahat kaya napabuntong hininga nalang siya. Pumasok kami sa loob at grineet si Tita, naghanda pala sila para sa amin bilang welcome party para sa kuya niya. Meron ding iilang nandito pero wala akong kilala. "Sino sila?" asked Avi. Sabay-sabay kaming napatingin sa may pool side ng bahay, maraming naroon at nagsu-swimming. Maingay din dahil sa music na pinapatugtog. "Ah! Mga kaibigan ni Kuya." sagot ni Rain habang naglalapag ng mga pagkain. Aina cleared her throat, sabay ngisi. "Maraming lalake don, pili nalang kayo." Nagningning ang mga mata ni Tel-tel sa narinig, hinila niya si Avi papuntang pool side para bumati sa mga ibang bisita. Ang kakapal ng mukha. "Ai, Sean. Akyat muna ako sa taas, may kukunin lang." si Rain. Aina and I just nodded our head, tahimik lang na kumakain si Aina habang ako at di mapakali sa inuupuan. "Na, kanina kapa dito?" tanong ko. "Yeah." Ano ba yan! Nakakaboring naman dito, tumayo ako para sana sundan sina Avi at Tel-tel when I bumped into someone! Nabasag ang hinahawakan niyang mga pinggan! Oh gosh. "Crap!" he cursed. Naestatwa ako sa kinaroroonan ko dahil sa biglaang mental outbreak, hindi maka function ang utak ko ng maayos! "Renz? Anyare?" si Tita yon! Nag panic ako at tinulungan siya na iligpit ang mga basag basag na plato! Hindi ko inalintana ang mga sugat sa daliri dahil sa mga basag na parte nito. "Stop. You're bleeding." puna niya nguni't hindi ko pinansin. Nakakahiya kina Tita, at sa ibang mga bisita! Napatingin ako sakaniya ng hawakan niya ang palapulsuhan ko, he looked very pissed at me. "Stop it, ako nang bahala dito. Raina." tawag kay Aina. Huh? Close sila? Lumapit sakin si Aina at dahan-dahang inalalayan palayo sa mga nabasag pinggan. "Rain, pahinging medicine kit." Never in my life happened like that! Tipong dapat siya ang sisisihin ko dahil di niya ako nakitang naglalakad! O di kaya nama'y di tumitingin sa dinadaanan! Ngayon lang ako nagpanic ng ganito at hindi alam ang gagawin. "Feel better?" asked Aina matapos akong pinainom ng tubig. May mga band aids na din ang mga daliri ko, at ngayon ko lang naramdaman ang mga hapdi. "Sayang, baka hindi na matuloy ang after party nina Kuya. But it's okay, buti nalang ayos ka lang Sean." si Rain. "Bacteria ka talaga, Sean! Ano? Gusto mong makipag reunion sa mga bacteria na nasa mga pinagkainan ng mga bisita?" pinandilatan ko ng mata si Tel-Tel sa bunganga niya. Tong baboy na to! Umuwi na rin ako pagkatapos, humingi ako ng pasensya sa mga magulang ni Rain. That was a big commotion, Sean! Piniling ko ang ulo ko habang inaalala ang nangyari kanina. What an embarassing moment Sean! At sa harap pa ng mismong kuya ni Rain? Ano nalang sasabihin niya? Na lampa ang kaibigan ng kapatid niya? Fyi, Mr. Kuya ni Rain. I am Anne Marie Sean Silvestre, the prettiest President of Paralaya High School. Baka lang naman hindi niya ako nakikilala, I shouln't act like this. Be confident, I am who really am. That party was a mess, a biggest mess for me right now. Hoping for better scene tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD