Umiling lang si Drix sa mga hirit ni Yoona
"Ikaw kung ayaw mong pumayag sa mga kondisyon ko pwede ka namang umatras at maghahanap na lang ako nang iba."
Saad nito atsaka akmang kukunin ang kontrata na nasa mga kamay ni yoona na agad naman niyang inilayo sa mamang masungit.
"Hep hep hindi ko naman sinabi ah na hindi ako pumapayag. Sige na nga po payag na ako, pero hindi ko po matatanggap ang limang milyon na ibabayad nyo.
sapat na ang limang daang libong piso para sa operasyon nang aking ina at sa mga gamot niya,Salamat na lang po"
"Ikaw bahala give me your phone?"
"Po bakit?"
"I'll save your number"?
Nakakahiya man nag aatubili siyang binigay dito ang old model nokia phone niya na isang hulog na lang mag gogoodbye Yoona na ito dahil sa kalumaan.
Hindi naman kasi siya makabili nang bago dahil sa dami nang gastusin nila at hindi sapat ang pagiging service crew niya sa gamot lang nang nanay niya.
Nagtatakang tumingin ito sa kanya"
"Wala kang load?"nakataas Kilay na tanong nito.
Napakamot siya sa ulo niya nang wala sa oras.
"Eh sir pasensya na pangkain nga wala ako pang load pa kaya."
Umiling ito at hiningi na lang ang number niya, At agad niyang ibinigay.
Tatawagan daw siya nito kapag ok na ang lahat para sa kasal nila at pagkatapos nang operasyon nang nanay niya ay lilipad sila patungong london para doon gaganapin ang kasal.
Akala niya uuwi na siya hindi pa pala dahil pinaghintay siya nito sa loob nang opisina nito dahil may lunch meeting daw ito pagkatapos sasamahan siya nito para magdeposit para sa operasyon nang mama niya.
Nagpa order lang ito nang lunch kay ate macky at pinagsaluhan nila noong una nahiya pa siyang kumain pero dahil gutom siya nilantakan niya lahat nang nakahain sa harap niya na pawang paborito niya lahat.
Nagtext na din kanina sa kanya si che che na mauna na itong umuwi sa kanya dahil may lakad daw sila ni Mark.
Nag chika naman sila ni ate macky kanina saglit tinanong siya nito kung ok na ba ang lahat.
Na bi igyan niya lang nang isang tango at dahil kulang siya sa tulog at bored na bored na rin siya sa loob nang opisina ni drix ay humiga siya sa sofa nito.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya at nagising siya sa ingay.
Napagtanto niyang madilim na sa labas at ang narinig niyang ingay ay si drix pala at may kausap sa phone.
Tumingin ito sa kanya nang mapansin nitong gising na siya at sinenyasan siya nang sandali lang.
Inayos niya ang sarili at sinuklay ang may kahabaan niyang buhok gamit ang mga daliri.
Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa oras quater to six na pala at mahigit na apat na oras siyang tulog.
Dala siguro sa pagod at puyat niya noong mga nakaraang linggo sa pagbabantay sa nanay niya kaya iginupo siya nang pagod at antok niya.
Nakakahiya naman kay Mr.CEO kanina pa kaya natapos ang meeting nito?
Bat hindi man lang siya ginising nito,
Kumusta na kaya ang nanay, naku lagot si aling mela tiyak masesermunan siya nito dahil ang paalam niya dito eh babalik siya agad.
Thank you!;
@YajNna20