There are things that we don't want to happen but have to accept.

524 Words
"Ay anak nang kabayo na lumilipad" napasigaw si Yoona dahil sa gulat nang sumigaw si Drix sa harap niya. Nanlilisik ang mga mata nito na tumingin sa kanya. "Kailan pa ako naging kabayo Ms.Mendez at kailan pa lumilipad ang isang kabayo?" Naka smirk na wika nito at malamig siyang tiningnan na sa sobrang lamig ay parang siyang yelong natutunaw sa kilig este sa lamig pala. Umupo ito at nang hindi siya gumalaw ay sumigaw na naman ito uso ba talaga sa kanya ang sumigaw hindi ba marunong kumalma ang mamang to. "Tatanga ka na lang ba dyan Ms.Mendez, hindi ka ba uupo.?" " ay..sorry po sir hindi nyo naman kasi sinabi agad na pwde na akong umupo." Pangangatwiran niya. At sungit sungit naman nang lalaking ito para bang palaging el niño dahil sa init nang ulo nito, sayang gwapo sana ubod naman nang sungit. Biglang inihagis ni Drix sa harap ni Yoona ang isang kontrata na pipirmahan nang dalaga. Dahil pinapatay ni yoona sa isip niya si drix kaya nagulat na naman siya. At napasigaw naman siya nang wala sa oras. "Ay paniking lumalangoy' Binigyan siya nang malamig na tingin nang lalaki. "Saan ba lumalipad iyang isip mo Ms.Mendez kasi parang ikaw ang lumilipad dahil hindi naman lumalangoy ang paniki" "Kayo kasi naman sir pwede niyo namang iabot bakit kailangan nyo pang ihagis." Naiinis na paliwanag niya. "At ako pa talaga ang sinisi mo eh kanina ko pa inaabot iyan sa iyo, eh naka lutang lang naman iyang isip mo." "Ok pasensya po marami lang pong iniisip." Napailing na lang ito. "Basahin mo ang mga nakasulat dyan iyan ang mga kondisyon ko at pirmahan mo nagpapatunay na pumapayag ka." Contract between Ms.Yoona Erlyn Mendez ang Drix Felix Jimenez. 1.You will carry my child , and in favor ill give you the amount of 5 million. 2. Will go to London for the wedding 3.You will stay in my house until you give birth. 4. Ill provide all the things you need in related to your pregnancy. 5 we will sleep in one room for your safety and needs.p At ang dami pa niyang condition pero nakapag palaki sa mga mata ko. Ay kailangan magpakasal kami, and will act as husband and wife, At maghihiwalay pagkalipas nang isang taon. Hindi naman iyon sinabi ni Ate Macky ang sabi niya Dadalhin ko lang ang bata sa sinapupunan ko at saka pagka panganak ko goodbye agad. "sir pasensya na po pero sabi po kasi ni ate macky ipagbubuntis ko lang ang bata wala naman siyang sinabi na magpapakasal tayo." "Yeah ipagbubuntis mo nga bakit gusto mo bang iwan agad ang anak mo? Nang hindi man lang siya maalagaan" Oo nga no may point din naman siya hindi kakayanin nang konsensya niya na iwan na lang basta ang bata na dugot laman din niya. "Nandoon na nga po tayo sa point na iyon eh bakit kailangan pa nating magpakasal." "Kasi ayaw kung dumating ang araw na magtanong ang bata wala siyang mama atleast sa birth certificate naka lagay ang pangalan mo as mother at kapag lumaki na ang bata saka ko sasabihin sa kanya na namatay ka sa panganganak." Paliwanag ni Mr.Jimenez sa kanya. "Ang morbid naman nang palusot nyo sir baka magkatotoo iyan mumultuhin ko talaga kayo sir." Saad ni yoona na binigyan lamang siya nang mamang sungit nang matalim na tingin. Thank you; @YajNna20
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD