NATAPOS ang isang linggo nilang bakasyon sa Rancho Villaruiz. Ang bilis lamang ng pagpalit ng araw at ngayon ay nakabalik na sila sa Maynila. Nag-enjoy kasi nang husto si Jean doon sa Rancho Villaruiz kasama ang kaniyang mga barkada. Kaya naman nang bumalik sila rito sa Maynila ay parang nanibago na naman siya. Naninibago si Jean na halos walang ingay na maririnig sa buong bahay dahil abala na sa trabaho ang kaniyang mga kasama. Si Xander wala roon. Ang mag-asawang Kathy at Dylan ay maaga ring umalis para asikasuhin ang negosyo. Malamang ang tao lamang sa baba ay mga katulong nila at ang tatay ni Kathy. Nami-miss tuloy ni Jean ang kaniyang gising sa Rancho Villaruiz. Doon kasi ay malawak at berdeng lupain ang bumubungad sa kaniyang paggising. Pagkababa niya naman ay maiingay na boses ng

