NASA TAPAT na sila ng gate nang magsabi si Jean kay Jeboy na ibaba siya nito. Deretso agad si Jean sa garahe kung saan ang gripo. Doon ay hinugasan niya ang kaniyang braso at binti dahil ang kati-kati na niyon. Napadaing pa si Jean dahil nang matubigan ang kaniyang mga sugat ay humapdi. Ngumingiwi na siya pero tiniis para malinisan. ""Patingin ng mga sugat mo, Jean,"" wika ni Dylan sa kaniya habang papalapit ito. Nagpasalin-salin ang kwento ng mga tao sa bakuran ng bahay ni Dylan. Lima silang magkakaibigan na hinabol ng toro pero mukhang siya lamang ang main character sa kwento ng mga ito. Sinabi pa ng mga ito na marami siyang sugat. Iyan tuloy, hinanapan siya ni Kuya Dylan niya ng mga iyon. ""Wala, kuya,"" tugon niya. ""Ano'ng wala!? Patingin!"" Hindi naniniwala si Dylan. ""May suga

