KINABUKASAN, nagising si Jean dahil sa amoy ng mabangong niluluto. Hinawi niya ang mabulaklak na kurtina na nasa bintana at napagtanto niyang umaga na. Kaagad niyang binuksan ang sliding window at natanaw niya ang magandang tanawin na hindi niya nakita kagabi. Ang ganda-ganda ng bumungad sa kaniya habang nakaupo sa kama at nakatingin sa bintana. Hindi nalalayo ang lugar na ito sa Rancho Villaruiz kapag nakalagpas na roon sa may kalsadang may malawak na katubuhan. Bumangon na si Jean. Sinuklay niya ang kaniyang buhok. At bago siya lumabas buhat sa loob ng silid ay nagsuot muna siya ng kaniyang bra. Sa paglabas ni Jean ay nadatnan niya ang ina ni Ryan sa may kusina. May suot itong apron at abala sa pagluluto sa kusina. ""Magandang umaga, Tita Jane!"" masiglang bati ni Jean dito. Para m

