MATAPOS kumain ng hapunan ay balik agad si Jean sa kaniyang silid. Ngayon lang kasi ulit pumasok sa kaniyang isipan ang kaniyang nawawalang cellphone. Nataranta siya dahil baka pinagkainteresan na iyon at na-hack ang kaniyang personal details. May mga mahahalagang transactions pa naman na papasok doon sa kaniyang cellphone. Malaki-laking pera pa ang involve roon. Susubukan muna ni Jean na mag-check ng emails. Uunahin niyang i-trace ang mga recent transactions via online dahil baka mayro'n. Patay talaga siya kapag may nakialam at gumamit ng mobile wallet account niya. Habang tinu-turn on ni Jean ang kaniyang laptop ay abot-abot ang kaniyang dasal. Sana lang hindi nalimas ang laman ng mobile wallet niya. At kung sino mang nakapulot niyon, sana ay nakilala siya nito. Sakali mang wala tala

