KABANATA 26

1273 Words

SUMAPIT ang tanghalian. Nauna sila nina Ryan na kumain sa hapag kasama ang dalawang kaibigan nito. Nakilala na ni Jean ang dalawang kaibigan ni Ryan na kasa-kasama kanina. Mababait naman ang dalawang ito kaya naman mabilis niyang nakagaanan ng loob. Kumain silang apat habang nagkukwentuhan para mas makilala pa nila ang isa't isa. Hindi nalalayo sa mga kaibigan ni Jean sa Rancho Villaruiz ang mga kasalo niya ngayon. Mga palatawa ang mga ito at mahilig mabiro. Pagkatapos nilang mananghalian, dapat ay magpapahinga pa muna sila ng ilang oras. Subalit sinabi ni Ryan kay Jean na nakatanggap ito ng text mula sa numerong tinawagan niya kagabi. Nagtatanong kung pauwi na ba siya. ""Ano, Jean?"" tanong ni Ryan. ""Alis na tayo, ngayon na?"" ""Sige, Yhan."" Pumayag na lang din si Jean dahil baka ga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD