Kape Tayo 3

3495 Words
Kape Tayo?  Chapter 3 "Ang sarap talaga ng Classic dark chocolate cake nila dito." masayang kinakain ni Avery, ang kanyang inorder na cake nang mapansin niyang nasa tabi pa pala niys si Juan.  "Masarap po talaga yan Mam Avery. Pero mas masarap pa po ako dyan." ngising sabi ni Juan. Hindi na muna siya umalis dahil hinihintay niyang makakain si Avery, ng cake. Gusto lang niya itong asarin. Napatingin naman sa kanyang si Avery, na kunot noo nakatingin sa kanya.  "Juan Parcia, masyado ka yatang mahangin. Baka gusto mong isaksak ko sa'yo ang hawak kong dessert fork." nagkukunwaring naiinis si Avery, dahil sa katotohanan yan ay ayaw lamg niyang ipahalata na kilig na kilig siya habang katabi niya si Juan.  "Athan "Juan" Parcia, ang buo kong pangalan." pagtatamang sabi ni Athan.  "Pareng Athan, iwan mo na yang si Avery, baka mapatay ka pa niya." pagbibirong sabi ni Braylon.  "Oo, nga pareng Braylon, sayang naman ang lahi ko kung mamamatay lang ako." pagbibirong sabi ni Athan, nagpaalam na muna siya sa tatlo para magtrabaho baka makita siya ng kanyang boss, na nakikipagkwentuhan.  "Yabang talaga ng kaibigan mo Braylon. Tsaka, bakit ba Juan, ang palayaw niya?" tanong ni Avery.  "Naku, gurl nasabi sa ni Braylon, kung bakit Juan, ang palayaw ni Athan. Hahaha!" natatawang sabi ni Penelope.  "Huh? bakit nga ba?" kunot noo tanong ni Avery. Alam naman niya ang dahilan kung bakit Juan, ang palayaw ni Athan. Tinatanong lang niya ito para hindi makahalata ang kaibigan niyang si Penelope, at si Braylon.  "Gusto mo ba talaga malaman. Tanungin mo na lang si Pareng Athan." sabi ni Braylon.  "Ewan ko sa inyo! Anyway sobrang sarap talaga nitong cake!" malapit na maubos ni Avery, ang kanyang inorder na cake.   "Sinabi mo pa gurl. Kaya nga ito talagang Rald's Box Café, ang pinakapaborito kong café sa lahat." ngiting sabi ni Penelope, napahawak siya ng kamay sa kanyang fiancé. Dito kasi sila nagkakilala ni Braylon. Kaya mahalaga para sa kanya ang lugar na ito.  "Alam ninyo parang third wheel lang talaga ako dito." reklamong sabi ni Avery. Kaharap niya ang dalawang bagong engaged. Samantalang, ay wala siyang katabi sa kinauupuan niya.  "Hindi, ka pa ba sanay? Bat hindi mo pa kasi sagutin ang kaibigan kong si Pareng Athan?." pagbibirong sabi ni Barylon.  "Excuse me!? Seryoso ka ba sa tanong mo. 'Di ko bet yang kaibigan mo na guwapong-guwapo sa sarili " inis na sabi ni Avery. Matagal ng nanliligaw sa kanya ang kaibigan ni Braylon, na si Juan. Sa una ay 'di niya ito pinapansin. Sa pisikal na anyo ay gusto naman niya ito. Guwapo, medyo chubby si Athan. Kaso nga lang mahirap ito. Iniisip nga niya noon kung sasagutin niya ito sigurado siyang, siya pa ang gagasto dito imbes na si Athan, kung lalabas silang dalawa. Tulad ng panonood ng sine o kaya kumain sa isang restuarant. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin ng minsang nagkainuman silang apat nila Penelope, Braylon, at Athan, sa isang sikat na bar. Medyo naparami ang nainom niya kaya nalasing siya. Alam niyang hinatid siya ni Athan, sa kanilang bahay ngunit nagulat na lang siya sa kanyang sarili na siya ang unang nagfirst move kay Athan. Nangyari ang 'di dapat mangyari. Simula noon ay palagi na silang lihim na nagkikita.  Samantala ay pinag-uusapan nila Penelope, at Braylon, kung paano sasabihin sa magulang nila na engaged na silang dalawa. Pagdating sa mga magulang ni Braylon, ay sigurado silang 'di sila mahihirapan na magsabi. Ngunit sa pagdating naman sa mga magulang ni Penelope, ay sigurado silang magkakaproblema sila dalawa. At sigurado silang dalawa na tututol ang mga ito sa malalaman na engaged na silang dalawa.  "Mamayang gabi, maghahanda ako ng isang dinner at doon ay sasabihin nating dalawa na engaged na tayo." sabi ni Penelope, hindi siya sigurado sa sinabi niyang plano. Wala naman kasi siyang maisip na paraan kung paano niya sasabihin sa mga magulang niya na engaged na siya kay Braylon.  "Hindi, ba puwede na i-una muna natin ang mga magulang ko na ipaalam sa kanila na engaged na tayo." pakiusap ni Braylon. Kailangan kasi niyang unang ipaalam sa mga magulang niya na engaged na siya dahil lalaki siya. At para na rin makakuha siya ng supporta sa mga ito.  "Kung yan ang gusto mo ay ok lang naman sa akin. Gusto kong tayong dalawa ang magsasabi kina Tita Minerva, at Tito Franco." ngiting sabi ni Penelope. Maagan ang loob niya sa magulang ng kanyang fiancé. "Oo, naman tayong dalawa. Siguradong matutuwa sila mama at papa na malalaman na ikaw ang pakakasalan ko." ngiting sabi ni Braylon, isang halik sa pisngi ang binigay niya sa kanyang fianceé. "Ehem! Ehem! Nandito pa ako. Baka gusto ninyong kunin ang suggestion ko." sabi ni Avery. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng dalawang bagong engaged. Napatingin naman sila Penelope, at Braylon, kay Avery. Nakalimutan nilang dalawa na may kasama pala sila. Kaya naman humingi sila ng suggestion kay Avery, kung ano ang mas magandang gawin.  "Sige gurl, ano ang mas magandang gawin namin? Paano namin ipapaalam sa magulang ko na engaged na ako? tanong ni Penelope.  "'Di mo naman nagustuhan ang suggestion ko sa'yo kanina diba. Kaya naman nag-iisip pa ako ng ibang way para kahit papaano ay hindi masyadong magwala ang mga magulang mo Penelope. Kapag nalaman nila na engaged ka na kay Braylon." sabi ni Avery.  "Gurl, wag naman 'yun. Habang nag-iisip ka ay punta lang ako sa powder room." paalam na sabi ni Penelope.  Hinintay na muna ni Braylon, na makalayo si Penelope, bago niya itanong kay Avery, kung anong naging mungkahi nito kanina na 'di nagustuhan ng kanyang fianceé.  "Sinabi ko kanina kay Penelope, na sabihin kina Tita Patricia, at Tito Rafael, na buntis siya." ngiting sabi ni Avery.  Muntikan na maibuga ni Braylon, ang kanyang iniinom na cappuccino, napaso pa ang kanyang dila dahil sa pagkabigla ng sinabi sa kanya ni Avery. Hindi, niya naisip iyon dahil hindi naman niya nabuntis si Penelope. Lagi siyang nag-iingat at gumagamit ng proteksyon kapag nagtatalik silang dalawa ng kanyang fianceé. Alam naman nilang dalawa ni Penelope, na hindi pa sila handang magkaanak. Alam din nilang dalawa na malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng isang anak.  "Masyadong nakakagulat yang suggestion mo Avery. Siguradong papatayin ako ng mga magulang ni Penelope, kapag yan ang sinabi naming dahilan." sabi ni Braylon. Nagulat siya sa sinabi ni Avery.  "Suggestion ko lang naman iyon. Takot ka ba sa mga magulang ni Penelope?" tanong ni Avery.  "H-hindi, naman. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila." agad na sagot ni Braylon.  "Anong wala, kukunin mo nga anak nila. Diba, ikakasal na kayo ni Penelope." sabi ni Avery.  "Ikakasal nga kami. Pero 'di ko naman aalisin ang magmamahal ni Penelope, sa mga magulang nito. Ipapangako ko sa kanila na aalagaan at mamahalin ko ang anak nila." seryosong sabi ni Braylon. Mahal na mahal niya si Penelope. Sobrang nagpapasalamat siya na dumating sa buhay niya si Penelope. Nakita niyang napatango-tango pa si Avery, sa sinabi niya. Mukhang hot seat ang ginagawa sa kanya ng bestfriend, ng kanyang fianceé.  "Habang wala pa ang bestfriend ko. Gusto kong magtanong ng personal na katanungan sa'yo Braylon. Sana ay ok lang sa'yo" ngiting sabi ni Avery. Hindi, siya tututol sa relasyon ni Penelope, kay Braylon. Ilang beses na yang nakitang nasaktan at umiyak ang kanyang kaibigan dahil sa pag-ibig. Sa isang taon niyang kilala si Braylon, ay masasabi niyang tapat at wagas ang pagmamahal nito sa bestfriend niya. Ngayon ay gusto lang niyang magtanong ng personal na katanungan kay Braylon.  "Game!" ngiting sabi ni Braylon. Alam niyang masyadong matagal magbanyo si Penelope, kay mahaba-habang tanungan ang magaganap ngayon.  "Pera lang ba ang dahilan kung bakit agad kang nagyayang magpakasal kay Penelope" seryosong tanong ni Avery.  "Ganun ba ang tingin mo sa akin pera?" medyo nasaktan si Braylon, sa tanong sa kanya ni Avery. Oo, matagal na rin niya ito kilala noong nagkakilala sila ni Penelope, ay naging magkaibigan na rin sila nito. Hindi nga lang niya inaasahan na itatanong sa kanya iyon ni Avery.  "Sira! Nagtatanong lang naman ako. Tsaka walang personalan nagtatanong lang talaga ako!" ngiting sabi ni Avery, hindi naman niya intensyon na masaktan ang damdamin ni Braylon. Bigla na lang sumagi sa isip niya ang tanong na iyon.  "Nagproposed ako kay Penelope, hindi dahil sa pera kundi dahil mahal ko siya." seryosong sabi ni Braylon, hindi niya maiwasan na mainis sa tanong sa kanya ni Avery.  "Ano ka ba?! Wag mong seryosohin ang tanong ko sa'yo. Tsaka alam mo naman na parang kapatid ko na si Penelope. Ilang beses na 'yang nasaktan alam mo iyon. Kaya gusto ko lang talaga na magkaroon na siya ng happy ending." sabi ni Avery, nakita niya na paparating na si Penelope, kaya tumahimik silang dalawa ni Braylon. Lihim naman siyang natatawa dahil nainis sa kanya si Braylon, hindi talaga niya sinasadyang masaktan ang damdamin nito.  "Mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan ninyong dalawa ah?" pagkalabas niya sa banyo ay nakita niyang seryoso ang usapan ng kanyang best friend at ang fiancé niya na si Braylon. Natahimik na lang ang dalawa ng makapalapit na siya table nila.  "Hindi naman masyado gurl. Question and answer lang kaming dalawa ni Braylon. And guest what!? Napikon siya sa tanong ko. Hahaha!" natatawang sabi ni Avery, napatingin sa kanya ang kanyang kaibigan na si Penelope.  "Avery, ano ba ang tinanong mo sa kanya?!" napalingkis si Penelope, sa matipunong braso ng kanyang financé.  "Hindi naman ako napikon. Medyo off lang ang tanong sa akin ni Avery." ngiting sabi ni Braylon, minsan talaga naiinis talaga siya sa best friend ng kanyang fiancée na si Avery. Napaka-taklesa nito.  "Tinanong ko lang naman sa kanya na kaya ba siya nag-aya na magpakasal kayo ay dahil sa pera? Hindi ko naman intensyon na ma-offend siya. Peace tayo Braylon!" nakangiting sabi ni Avery. Nagpeace sign pa siya kay Braylon. Minsan ay naiinis siya sa kanyang bibig dahil hindi niya makontrol kung ano ang lumalabas sa bibig niya.  "My god! Avery! Ano naisip mo bat natanong mo kay Braylon, iyon?" nagulat si Penelope, sa tanong ni Avery, kay Braylon. Hindi niya inaasahan na itatanong ng kanyang best friend 'yun. Alam niyang taklesa si Avery, pero nagulat siya na ganung klase tanong ang itatanong niya kay Braylon. Napatingin siya sa kanyang fiancé, na nakangiting nakatingin sa kanya. Alam niyang nasaktan ito sa tanong ni Avery.  "Babe, ok na iyon. Ang pag-usapan natin ay kung kailan natin sasabihin kina mama at papa na ikakasal na tayo?" iniba na lang ni Braylon, ang usapan dahil baka mag-away pa ang magbest friend. Kakalimutan na lang niya ang tinanong sa kanya ni Avery.  "Mabuti pa kung ganun. Move on na tayo sa tanong ko kanina. Sorry talaga Braylon." ngiting sabi ni Avery.  Napailing na lang si Penelope, sa kanyang matalik na kaibigan dahil sa sobrang kataklesahan nito. Kung siya lang ay sanay na siya dahil simulang pagkabata nila ni Avery, ay lagi na sila magkasama hanggang makapag-aral na sila ng elementary, high school, at makapagtapos sila ng college ay sila pa rin ang magkasama at magkaibigan. Walang iwanan sabi nga nila. Sanay na sanay na siya sa matabil na dila ni Avery. Minsan ay nagugulat na lang siya sa sinasabi sa kanya ng best friend niya. Lagi niya itong iniitindi. Kakausapin na lang niya ito mamaya.  "Mabuti pa nga ay mag move on na tayo sa tinanong mo kay Braylon. Ok lang ba kung sa susunod na araw na lang natin sabihin kina Tita Minerva, at Tito Franco. Kasi naisip kong magluto ng pagkain para sa kanilang dalawa." ngiting sabi ni Penelope, gusto lang niyang magpa-impress sa magiging in-laws niya.  "Wait lang Penelope, naka-amnesia ka yata na hindi ka marunong magluto. Ibig kong sabihin ay hindi ka masarap na magluto. Baka imbes na magustuhan ka ng mga future in-laws mo ay magdadalawang isip sila kung papayagan ba nila si Braylon, na pakasalan ka." biglang singit ni Avery, na nakatanggap siya ng masamang tingin sa kanyang bestfriend.  "Kailangan mo pa talaga sabihin iyon Avery? Best friend ba kita?" inis na sabi ni Penelope, parang nagsisisi yata siya na sinama niya si Avery, dito?  "Masarap kaya magluto si Penelope! Last week yata iyon ay bumisita siya sa trabaho ko may dalang itong pagkain. Kala ko nga bibili na naman ito ng kotse? Kaya pumunta siya sa trabaho ko. 'Yun pala ay pinagdala niya ako ng masarap na lunch." pagmamalaking sabi ni Braylon, naalala nga niya na nasarapan siya sa pagkain na dala ni Penelope, sa kanya last week. Isang mabilisang halik ang binigay niya kay Penelope. Napakunot noo na lang siya ng makita niyang nakasimangot ang magandang mukha ni Penelope.  "Wow himala! Masarap ka na pala magluto Penelope? Naaalala mo ba na three days ago ay pinatikim mo sa akin ang niluto mong sinigang na baboy mo. Infairness maasim kulang na lang ay bagoong. Hahaha!" natatawang sabi ni Avery, na nakatanggap siya ng mahinang hampas sa kamay mula sa kanyang best friend.  "Aray! Mapanakit lang?!" birong sabi ni Avery, hindi naman siya nasaktan nag-iinarte lang siya.  "Nabuhos kasi 'yung sinigang mix. Anway tungkol pala sa dinala kong pagkain sa'yo babe ay hindi ko luto iyon si Rose, 'yung isa sa kasambahay namin ang nagluto ng kaldaretang baboy na dinala ko sa'yo last week." nahihiyang si Penelope. Tandang-tanda niya ang nangyari last week kung bakit niya pinagdala ng pagkain sa trabaho si Braylon.  __________________________ Kakatapos lang niya manuod ng isang movie sa online sa kanyang sariling 35 inches flat screen tv sa kanyang kuwarto. Napangiti siya dahil may naisip siya gawin. Sa napanuod niyang pelikula ay may isang eksena doon na ang bidang babae ay nagluto ng lunch para sa kanyang kasintahan na nagustuhan naman nito. Naisip niyang gayahin niya ito. Bago siya lumabas ng kanyanh kuwarto ay kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang tabi. Hinanap niya ang number ni Braylon, at tinawagan niya ito. Ilang sandali lang ay sinagot agad ng kanyang fiancé ang tawag niya.  "Hello? Babe?"_ngiting sabi ni Penelope, nakatingin siya sa ibabaw ng kisame dahil ngayon ay nakahiga siya sa kanyang malambot na kama habang tinatawagan niya ang kanyang boyfriend na si Braylon Hernandez. Alam niyang nasa trabaho ito hindi nga lang niya alam kung break time ba nito?  "Oh?! Babe, kamusta ka na? Buti napatawag ka?" _Braylon.  "Ok naman ako. Namimiss lang kita kaya tinawagan kita ngayon." hindi talaga maiwasan ni Penelope, na hindi siya kiligin tuwing kausap niya si Braylon, sa cellphone. Masyado kasi siya naaliw sa bed room voive nito. Bukod sa s*x appeal nito ay sobrang sexy magsalita ni Matteo.  "Parang kanina lang ay tinawagan mo ako at kinamusta. Kamusta na pala 'yung pelikulang pinapanuod mo?" _Braylon.  "Kakatapos ko lang panuorin. Ang ganda niya sayang nga lang dahil wala ka sa tabi ko edi sana ay sabay natin pinanuod iyon." iniimagine ni Penelope, na sabay nilang pinapanuod ni Braylon, ang pelikulang pinanuod niya kanina. Iniimagine niya na nakahiga silang dalawa sa kanyang kama at nakaakap siya sa matipunong katawan ni Matteo. Nagawa na rin naman nila iyon sa bahay ng magulang ni Braylon. Napatawa na lang siya dahil naalala niya ang nangyari iyon.  "Babe? Ayos ka lang ba? Bat ka natawa bigla?"_Braylon.  "Naalala ko lang kasi noong nanuod tayo sa inyo ng movie. Tanda mo pa ba iyon? Hahaha!" natatawang sabi ni Penelope.  "Aahhh… 'Yung nauwi tayo sa isang mainit na pagtatalik? Hahaha!" _Braylon  "Tama! Sandali nga lang hindi ka ba busy sa trabaho mo?" tanong ni Penelope.  "Hindi naman. Wala naman 'yung boss ko dito kaya puwede kami magpahingaa tsaka wala naman tao dito sa store." _Braylon. "Nasa store ka pala ngayon? Kala ko kasi ay nasa labas ka?" alam ni Penelope, na kapag nasa store ang kanyang boyfriend ay wala itong masyadong ginagawa. Pero kapag nasa labas ito ay sigurado siyang pagod ito. Wala itong tigil sa kakausap at pagkukumbinsi ng mga tao na kumuha ng kotse. Minsan ay pumunta siya sa Chavez Mall, para bumili ng bagong damit ay nakita niya ang kanyang boyfriend na walang sawang namimigay ng mga flyers sa mga dumadaang tao sa pwesto nito. Minsan ay hahabulin pa nito ang isang tao para lang ibigay ang isang kapirasong papel. Proud siya sa kanyang boyfriend dahil masipag itong magtrabaho.  "Nasa store ako ngayon. Sana nga ay may bumili ngayong isang sasakyan dito. Kahit hulugan lang." _Rv  "Sana nga babe. Sige na magtrabaho ka nandyan. See you later sa Ralds Box Café." ngiting sabi ni Penelope, pinatay na niya ang tawag. May usapan kasi silang dalawa na magkikita sila sa Ralds Box Café, pagkatapos nito sa trabaho. Tumayo na siya sa pagkakahiga at masaya siyang lumabas sa kanyang kuwarto na hawa-hawak niya ang kanyang cellphone. Bumaba na siya sa hagdanan nila at pumunta siya sa kusina kung saan nakita niya si Rose, isa sa mga kasambahay nila.  "Hello! Mam Penelope!" masayang sabi ni Rose, kakatapos lang niyang maglinis ng kusina.  "Hi Rose! Gagamitin ko ngayon ang kusina. Magluluto kasi ako ngayon." ngiting sabi ni Penelope, binuksan niya ang isang cabinet kung saan nandoon ang mga afron. Kumuha siya ng isang puting afron at sinuot niya ito. "Mam Penelope, tulungan ko na po kayo." alok ni Rose, sigurado siyang magkakalat na naman si Penelope, sa kusina. Dahil ilang beses na itong nagluto sa kusina ay laging makalat at muntikan ng masunog ang kusina. Nag-aalala siya na baka maulit ito muli ngayon.  "Naku, Rose, ok lang. Kaya ko na ito. Sige na gawin mo na ang iba mo pangtrabaho para matapos ka agad at makapagpahinga ka. Kaya Kaya ko na ito." paninigurado ni Penelope, naghanap siya ng masarap at madaling Fililino recipe ng ulam gamit ang cellphone nito. Nag-online siya para madali siyang makapaghanap ng recipe ng ulam na alam niyang magugustuhan ni Braylon. Plano niya kasi na pumunta sa pinagtratrabahuhan ng kanyang boyfriend at magdadala siya ng lunch. Lunch na siya mismo ang magluluto. Nakahanap siya ng recipe ng Kaldaretang baboy. Bago siya magprepared sa pagluluto ay kailangan niya muna magluto ng kanin sa rice cooker. Buti na lang ay tinuruan siya ni Rose, na magsaing ng bigas. Kasi noong unang beses siya nagsaing ay naging lugaw ang kanin dahil sobrang napadami ang tubig na nailagay niya. Ayun nasira ang rice cooker nila. Sa ikalawang beses na nagsaing siya ay hindi ito naluto dahil kulang sa tubig. Buti na lang ay nagawan naman ng paraan sa tulong ni Rose, ay inayos nito ang sinaing niya. At tunuruan siya ni Rose, sa tamang pagsasaing sa rice cooker. Ngayon ay nakapagsaing na siya hinihintay na lang niya na maluto ito sa rice cooker. Ngayon ay kumuha na siya ng sangkap na gagamitin niya sa kaldaretang baboy. Kumuha siya sa ref ng patatas, carrots at bell pepper. Kinuha na rin niya ang iba pang sangkap ng kaldaretang baboy. Hanggang matapos na siya magluto. Tinikmapn niya ito at nalasahan niyang medyo matabang ito yata kumuha siya ng asin at patis para magkalasa na ito. Muli niya itong tinikman gamit ang kutsara na hawak niya. Napangiwi na lang siya dahil napaalat naman ito. Iniisip niya kung ano ang ilalagay niya para maalis ang alat at maging masarap na ang lasa. Naisipan niyang lagyan ng konting asukal at tomato sauce ulit. Pinakuluan niya ulit ang kaldareta para maluto ang tomato sauce. Sa ikatlong pagkakataon ay tinikman niya ang kaldaretang niluto niya.  "Ay! Bat ganito ang lasa?!" napainom na lang si Penelope, ng tubig dahil kakaiba ang lasa ng kaldareta niya. Naghalo ang alat, tamis at maasim na para bang lasang hindi niya maintindihan. At nakita niyang sobrang malambot na ang patatas. Nakita niya si Rose, at tinawag niya ito.  "May maitutulong po ba ako Mam Penelope?" pasimple tumingin si Rose, sa paligid ng kusina. Sobrang kalat ng kusina.  "Rose, kaya mo pa bang ayusin ang lasa ng kadaretang baboy ko?" umaasa si Penelope, na maayos ni Rose, ang lasa ng niluto niyang kaldaretang baboy.  Kumuha ng isang malinis na kutsara si Rose, sa isang drawer kung saan nandoon ang mga untensil. Pagkalapit niya sa kalan kung saan nandoon ang isang kawali ay napakunot noo siya dahil parang hindi kadaretang baboy ang niluto ni Penelope, bukod sa over cook na ang patatas ay masyadong masauce ang nilutong kaldaretang baboy ng kanyang amo. Hindi lang masauce kundi lumalangoy na ang baboy sa tomato sauce. Nakita niya sa lamesa ang isang malaking pack ng tomato sauce, na wala na ang laman.  "Mam Penelope, inilagay niyo po ba ang isang malaking pack ng tomato sauce?" tanong ni Rose, nakita niyang napangiti si Penelope, at tumango ito. Kahit na hindi na niya tikman ang kaldareta ay alam na niya ang lasa ito. Ngunit tinikman niya pa rin ito at agad siyang pumunta sa lababo para idura niya ang tinikman niyang sauce ng kaldaretang baboy.  "M-mam P-penelope, sorry po. Hindi ko na po kayang ayusin yan. Kung gusto ninyo po ay ipagluluto ko na lang po kayo ulit ng kaldareta." mungkahi ni Rose, ang sama talaga ng lasa ng kaldaretang ni Penelope. Masyadong maasim dahil sa tomato sauce, at maalat din na matamis. Nagtaka siya kung bakit pamintang buo ang inilagay ni Penelope? Hindi na lang niya ito tinanong.  "Its ok. Sige salamat. papanoorin kita kung paano ka magluto para next time ay alam ko na. Thank you Rose!" masayang sabi ni Penelope.  ______________________ "Ganun naman pala ang nangyari." ngiting sabi ni Avery.  "Ok lang yan babe. Sa susunod ay alam mo na ang gagawin mo." sabi ni Braylon, na appreciate naman niya ang effort ng kanyang girlfriend.  "Salamat babe?" napangiti na lang si Penelope, sa sinabi ng kanyang boyfriend. Sumandal ang kanyang ulo sa balikat nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD