Kape Tayo?
Chapter 4 1.2
"Pareng Braylon, ano balita sa napag-usapan ninyo kanina ni Penelope?" tanong ni Athan, pauwi na sila at hinintay na siya ni Braylon, na mag-out dahil magkapitbahay lang sila.
"Ayun ok naman napagkasunduan namin na kina mama at papa na muna namin sasabihin na ikakasal kami. Para may supporta kami kapag sinabi na namin sa magulang ni Penelope." sabi ni Braylon.
"Tama! Tama kayo sa desisyun ninyo. Tsaka ikaw ang lalaki kaya ikaw dapat ang unang magsabi sa mga magulang mo. Pero Pareng Braylon, tangina! Hindi ka ba natatakot sa magulang ni Penelope? Alam mo na ang ibig kong sabihin sa'yo?" pati rin si Athan, ay hindi niya maiwasan na mag-alala sa kanyang kaibigan na si Braylon. Alam naman nila na sobrang tutol ang mga magulang ni Penelope, kay Braylon. Masyadong mapangmata ang magulang ni Penelope. Akala mo ay diyos ang mga putangina!
"Nag-aalala rin naman ako. Alam mo naman na ayaw sa akin ng mga magulang ni Penelope." ngiting sabi ni Braylon, kapag nagpupunta siya sa bahay ni Penelope, sobra siyang nanliliit dahil kung makapagsalita ang magulang ng kanyang fiancée ay sobra-sobra ang paghuhusga sa kanya. Porke wala daw siyang asenso sa pagbebenta ng sasakyan. Porke niligawan at naging girlfriend niya si Penelope, akala mo daw ay kung sino na daw siya. Kahit na nakakasakit ang mga salita ng magulang ni Penelope, ay taas noo pa rin siyang nakatingin sa magulang nito. Naalala niya tuloy kung paano siya ipinakilala ni Penelope sa mga magulang nito.
____________________________
"Babe, sigurado ka bang ipapakilala mo na ako sa mga magulang mo?" pag-aalalang sabi ni Braylon, nandito sila sa loob ng Ralds Box Cafe. Limang buwan na sila magkasintahan ni Penelope. Naipakilala na niya ang magandang dalig sa kanyang magulang bilang kasintahan niya. Sobrang natuwa ang mama at papa niya dahil daw hindi na lang puro trabaho ang iisipin niya.
"Oo naman parang kinakabahan ka? Wag mong sabihin na takot ka sa mga magulang ko?" birong sabi ni Penelope, nakita niya kasi na parang kinakabahan ang kanyang boyfriend. Kinuha niya ang kanyang dessert fork at kumuha ng konti sa kanyang classic dark chocolate cake na nakalagay sa nine inches plate na nasa harapan niya.
"Hindi naman sa kinakabahan hindi ba masyadong maaga na sabihin mo sa kanila na boyfriend mo ako?" nag-aalala lang si Braylon, dahil baka hindi siya matanggap ng magulang ni Penelope, dahil hindi naman siya mayaman. Napainom na lang siya sa kanyang capuccino with cinnamon na lagi niyang inoordee dito sa Ralds Box Café.
"Ano bang inaalala mo babe?" tanong ni Penelope.
"Inaalala ko lang na baka hindi ako matanggap ng magulang mo na boyfriend mo ako." pilit na ngiti ni Braylon, napabuntong hininga na lang siya. Nakatingin siya sa kanyang girlfriend, na ngumiti ito sa kanya. Hinawakan ni Penelope, ang kanyang mukha.
"Babe, wag kang mag-alala kahit na tumutol sila ay ako pa rin ang masusunod. Dahil mahal na mahal kita babe." paninigurado ni Penelope, hinaplos niya ang guwapong mukha ng boyfriend niyang si Braylon.
"Salamat babe. Mahal na mahal din kita." ngiting sabi ni Braylon, kinuha niya ang malambot na kamay ni Penelope, na humahaplos sa kanyang mukha at hinalikan niya ang kamay ng girlfriend niya.
"Bukas ay susunduin kita sa trabaho mo? Para diretso na tayo sa bahay." sabi ni Penelope.
"Wag muna ako sunduin babe. Uwi na muna ako sa bahay para makaligo at makapagbihis tapos kuha na lang ako ng grab papunta sa inyo. Para hindi ka na mapagod na pumunta sa store namin." ngiting sabi ni Braylon.
"Hmm… Ganito na lang sunduin kita sa trabaho mo tapos uwi muna tayo sa bahay mo at hintayin na kita na makaligo at makabihis." sabi ni Penelope, gusto niya kasi na sunduin niya ang boyfriend niyang si Braylon, sa trabaho.
"Sige, wala na ako magagawa. Love kasi kita." isang matamis na halik ang binigay ni Braylon, kay Penelope. Kinabukasan ay sinundo nga siya ng kanyang girlfriend sa trabaho.
"Kamusta work? Napagod ka ba babe?" tanong ni Penelope, nakangiting nakatingin siya sa kanyang boyfriend na hinuhubad ang suot nitong black longsleeves.
"Ok naman may bumili sa akin na isang kotse cash siya kaya malaki-laki ang magkukuha kong sweldo sa cut off." hinuhubad na ni Braylon, ang suot niyang longsleeve dahil nabasa ng pawis ito kanina lang dahil bago siya nag-out sa trabaho ay pinalinis ng manager nila na si Rosel Molina, ang stuck room ng store nila. Sobrang init pa naman sa loob ng stuck room at sobrang maalikabok.
"Congrats! Ang kisig naman ng boyfriend ko. Drive tru na muna tayo sa Mcdo para makabili ako ng pasalubong kina Tita Minerva, at Tito Franco." nagdrive na si Penelope, papunta sa bahay ni Braylon. Madadaanan nila ang mcdo kaya nagdrive tru na muna sila.
"Ang dami mo naman inorder babe. Hindi naman mauubos nila mama at papa ito." sabi ni Braylon, inilagay na muna niya sa back seat ang mga inorder ni Penelope, sa Mcdo.
"Hayaan mo na minsan lang ako makadalaw sa kanila. Excited na ako na ipakilala kita sa parents ko." masayang sabi ni Penelope, napatingin siya kay Braylon, na mukhang kinakabahan.
"Babe, anong nangyari sa'yo? Bat ka natahimik?" tanong ni Penelope, nakatingin siya sa dinaanan nila. Sanay na sanay naman siya magdrive simulang maghigh school ay nagdridrive na siya ng sarili niyang kotse papasok at pauwi sa school.
"Kinakabahan kasi ako babe. Baka kasi 'di ako magustuhan ng parents mo." alam ni Braylon, na congressman ang ama ni Penelope, at dating beauty queen naman ang ina nito. Kagabi pa siya hindi makatulog dahil hindi niya maiwasan na isipin na hindi siya matanggap ng magulang ni Penelope.
"Babe, relax ka lang dyan. Ako bahala sa'yo mamaya." paninigurado sabi ni Penelope. Nakarating na rin sila sa bahay ng kanyang boyfriend na si Braylon. Ipinark niya ang kotse sa harap ng bahay ng kanyang guwapong boyfriend.
"Tara na babe. Siguradong matutuwa sila mama at papa na kasama kita ngayon." hindi pinaalam ni Braylon, sa kanyang mga magulang na kasama niyang uuwi ngayon si Penelope. Pumasok na sila sa bahay nila na gawa sa semento pero hindi pa ito tapos wala pang kisame at hindi pa nakapladata ang pader. Hindi pa rin naka tiles ang sahig nila. May dalawang kuwarto ito isa ay sa magulang niya at ang isa naman ay sa kanya. Nag-iipon pa siya para matapos na ang bahay nila. Sa pagpasok nila sa bahay ay nakita niya nanonood ng telebisyon ang kanyang ama na si Franco, sa sala ng bahay.
"Good evening po Tito Franco?" masayang pagbati ni Penelope, sa ama ni Braylon. Lumapit siya dito. Nagmano siya at nakipagbesos-beso na rin siya.
"Oh!? Penelope, kamusta ka na? Hindi sinabi sa amin ni Braylon, na kasama ka niya uuwi ngayon? Hindi man lang kami nakapaghanda." nagulat si Franco, dahil hindi niya inaasahan na kasama ng kanyang anak ang girlfriend nito. Tumayo siya sa pagkakaupo at pinaupo niya muna si Penelope, sa upuan na kawayan. Imbes na sofa set ay kawayan set ang upuan nila sa sala. Wala pa kasi sila pambili ng sofa. Inuuna kasi nilang ipagawa ang gate ng bahay nila. Mahirap kasi wala man lang harang sa harap ng bahay nila. Para na rin ligtas sila sa mga masasamang loob.
"Ok naman po ako Tito Franco, sinundo ko po sa trabaho si Braylon, dahil mamaya po ay pupunta po kami sa bahay para ipakilala ko po siya sa mga magulang ko bilang boyfriend." ngiting sabi ni Penelope, nagpaalam na muna sa kanya si Braylon, para makaligo na daw ito. Nakita niyang pumasok ito sa loob ng kuwarto nito.
"Ipapakilala mo na sa mga magulang mo ang aking anak?" tanong ni Franco, hindi niya maiwasan na mag-alala dahil baka hindi matanggap ng mga magulang ni Penelope, ang kanyang anak na si Braylon. Dahil mahirap lang sila. Sa pisikal na anyo at ugali nito ay wala naman mapipintas ang mga ibang tao sa kanyang anak. Bukod sa guwapo at makisig si Braylon, ay napakabait at matulungin ito sa kanila.
"Opo Tito Franco, para legal na kaming dalawa. Gusto ko po ulit na magpasalamat na tinanggap niyo po ako bilang girlfriend ng anak ninyong si Braylon." ngiting sabi ni Penelope, nakita niyang umupo sa isang upuan na kawayan si Tito Franco.
"Napaka bait mong bata kahit na mataas ang estado pamumuhay ninyo. Marunong kang makisama sa kapwa mong tao." hindi akalain ni Franco, na magkakaroon ng girlfriend ang kanyang anak na si Braylon, na isang katulad ni Penelope. Sa unang tingin palang niya kay Penelope, alam niyang mabait na bata ito at may respeto hindi katulad ng magulang nito na akala mo ay kung sino sila? Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na masama ang ugali ng magulang ni Penelope. Nag-aalala siya ngayon na baka maliitin si Braylon, ng mga magulang ni Penelope.
"Tito Franco, masyado niyo naman po ako pinuri baka lumaki ang ulo ko. Hahaha!" nakita ni Penelope, na lumabas ng kuwarto si Braylon, na may dalang towel.
"Papa, nasaan si Mama?" tanong ni Braylon, pumunta siya sa likuran ng upuan ni Penelope.
"Pumunta sa talipapa bumili ng hapunan. Pauwi na siguro iyon?" sagot ni Franco.
"Ah ganun ba? Babe ligo lang ako ah. Sandali lang naman ako maligo." paalam ni Braylon, hinayaan na muna niya si Penelope, na makipagkuwentuhan sa kanyang ama. Pumasok na siya sa banyo nila para maligo.
"Tito Franco, may dala po pala akong pagkain. Heto po." iniabot ni Penelope, ang inorder niya sa mcdo kay Tito Franco.
"Ang dami naman nito Penelope, salamat. Oh! Ayan na pala ang mahal kong asawa." masayang sabi ni Franco, nakita niya si Minerva, na papasok sa loob ng bahay na may dalang-dala na isang plastic na may mga laman na pinamili nito sa talipapa.
"Kanino ang puting kotse na iyon na nakapark sa tapat natin?" takang tanong ni Minerva, kakagaling niya sa talipapa para bumili ng ulam para sa hapunan nila. Nagulat siya ng makita niyang nasa likuran ng kanyang asawa ang isang matangkad, maputi at magandang dilag.
"Good evening po Tita Minerva." masayang bati ni Penelope, lumapit siya sa ina ni Braylon, at nakipagbeso-beso siya dito.
"Kaya pala familiar ang kotseng na nakapark sa harap. Good evening din sa'yo Penelope. Kasama mo ba si Braylon?" tanong ni Minerva, hindi niya alam na darating ngayon si Penelope, sana ay nakabili siya ng isa pang tilapia. Dahil bumili lang siya ng tatlong isda at talong para sa ulam nila ngayong hapunan. Plano niyang ipirito na lang ito at talong ay ok na sa kanila siguradong mabubusog na sila samahan pa nila ng alamang galing sa pangasinan.
"Opo, Tita Minerva, sinundo ko po siya sa trabaho niya dahil aalis po kami ngayon." sabi ni Penelope.
"Hindi man lang sinabi sa amin ni Braylon, na kasama ka niya darating. Nakapagluto sana ako kahit na banana que lang. Saan pala kayo pupunta?" sabi ni Minerva.
"Naku ok lang po Tita Minerva. Pupunta po kami sa bahay, ipapakilala ko na po si Braylon, sa mga magulang ko po." ngiting sabi ni Penelope, nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Tita Minerva.
"Ipapakilala mo na ang anak ko sa mga magulang mo? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" nag-alala si Minerva, sa kanyang anak na si Braylon. Baka hindi tanggapin ng mga magulang ni Penelope, ang kanyang anak na si Braylon, dahil mahirap lang sila. Hindi naman sa ayaw niya kay Penelope, alam naman sa bayan ng Prado, kung gaano matapobre ang mag-asawang Sanchez. Noon ay kinausap niya si Braylon, na kung kaya ba nitong ipaglaban ang pag-ibig nito kay Penelope, sa mga magulang nito. Sinagot naman siya ng kanyang anak na kaya at paninindigan nito ang pagmamahal nito kay Penelope.
"Oo naman po Tita Minerva, para maging legal na kaming dalawa sa magulang ko." sabi ni Penelope, napatingin sila sa bigla sa paglabas sa banyo ni Braylon. Hindi niya maiwasan na mapatitig siya sa magandang katawan ng kanyang boyfriend.
"Kain na muna kayo dito ng hapunan. Bago kayo pumunta sa bahay ninyo Penelope." sabi ni Minerva, pumunta na siya sa kusina para mailuto na niya ang isda. Gagawin na lang niyang dalawang piraso ang isang tilapia para magkasya sa kanilang apat. Malalaki naman ang nabili niyang tilapia sa talipapa.
"Salamat po pero sa bahay na lang po Tita Minerva, nagpaluto po kasi ako ng dinner para nga po kay Braylon." sabi ni Penelope.
"Ma, kayo na lang muna ni papa ang kumain ngayon." pumasok na muna si Braylon, sa loob ng kanyang kuwarto. Inalis na niya ang balabal niya sa baywang at binuksan niya ang isang drawer kung saan nandoon ang mga brief niya. Kumuha siya ng isang puting brief at sinuot niya ito. Kumuha siya ng isang dark blue polo shirt at isang maong na kupas sa kanyang cabinet. Habang sinusuot niya ang kanyang polo ay naisip niyang hindi na pala siya nakakabili ng bagong gamit. Dahil wala masyado sobra sa kanyang sweldo. Maraming kasing bayarin sa bahay at nag-iipon siya oara na rin matapos ang bahay nila. Natapos na niyang isuot ang kanyang pantalon at kinuha niya sa ilalim ng kanyang kama ang kaisa-isang rubber shoes niya. Bago siyang lumabas ng kanyang kuwarto ay nagsuklay na muna siya ng buhok at inayos niya ito gamit ang isang sachet ng wax para sa buhok.
"Guwapo mo talaga Braylon!" ngising sabi ni Braylon, sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa salamin. Lumabas na siya sa kanyang kuwarto at nakita niyang nakikipagkuwentuhan si Penelope, sa kanyang ina sa kusina.
"Babe tara na." ngiting sabi ni Braylon, napatingin sa kanya si Penelope.
"Tita Minerva, alis na po kami." paalam na sabi ni Penelope, nasa kusina sila ni Tita Minerva, at nakikipagkuwentuhan siya dito.
"Sige ingat kayo ah." paalala ni Minerva, tinawag na muna niya ang kanyang anak na si Braylon, gusto niya itong kausapin.
"Ma bakit?" tanong ni Braylon, pinauna na muna niya sa labas si Penelope.
"Maingat ka doon ah. Wag mong hayaan na maliitin ka ng mga magulang ni Penelope." paalala ni Minerva, sa kanyang anak.
"Ma wag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko." alam naman ni Braylon, na nag-aalala lang ang kanyang ina sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya dito para iparamdam niya na magiging ok lang siya.
"Alam ko naman na masaya ka kay Penelope. Sana ay ipaglaban ka niya sa mga magulang nito kapag tumutol ang mag-asawang Sanchez, sa'yo bilang boyfriend ng anak nila." hindi alam ni Minerva, kung makakatulog ba siya mamayang gabi. Hihintayin na lang niya si Braylon, na makauwi para makibalita sa nangyaring dinner sa bahay ng mga Sanchez.
"Salamat mama. Sige na alis na kami." sabi ni Braylon, nagpaalam na rin siya sa kanyang ama na busy sa panonood sa telebisyon. Lumabas na siya ng bahay pumunta siya sa driver seat at binuksan niya ito.
"Puwedeng ako na lang magdrive? Nakakahiya kasi na ikaw ang nagdridrive." napakamot na lang sa ulo si Braylon, dahil nahihiya talaga siya kay Penelope. Imbes siya ang nagdridive ay ang girlfriend niya ang nagdridrive. Naibenta na kasi niya ang kotse niya at ang dalawang pang kotse nila. Kaya lagi siyang sumasakay ng jeep papasok at pauwi sa trabaho.
"Ok sige." ngiting sabi ni Penelope. Lumipat siya sa passenger seat at si Braylon, naman ngayon ang nasa driver seat.
"Sa totoo lang ay nahihiya ako sa'yo kapag sinusundo mo ako sa trabaho. Ako tong lalaki dapat ako ang magdrive kaso ikaw pa ang nagdridrive eh." sabi ni Braylon, nagsimula na siyang magdrive papunta sa bahay ni Penelope, hanggang ngayon ay kinakabahan siyang humarap sa mga magulang ng kanyang girlfriend.
"Babe para ka naman tanga dyan. Independent woman ako. Kahit na may kaya kami sa buhay ay hindi ako umaasa sa parents ko. Simula high school ay ako na nagdridrive sa sarili kong kotse. Diba nakuwento ko na sa'yo iyon. Ayokong magkaroon ng driver." masasabi talaga ni Penelope, na independent woman siya ayaw niyang umaasa sa parents niya. Noong niregaluhan siya ng kotse ng kanyang daddy ay kinausap niya ang kanyang ama na siya ang magdridrive ng kotseng binigay niya kahit na nasa high school palang siya. Iba kasi ang saya niya kapag nagdridrive siya tapos may sound trip pa siya sa loob ng kotse niya. Ngayong tapos na siya sa college ay plano niyang magkaroon ng negosyo. Hindi siya manghihingi ng pera kundi gagamitin niya ang naipon na pera niya sa banko para magpatayo ng negosyo. Hindi nga lang niya alam kung anong negosyo ang itatayo niya.
"Alam ko naman iyon babe. Alam mo naman na gentleman ako." ngiting sabi ni Braylon. Nakarating na sila sa isang exclusive subdivision sa bayan ng Prado ang Plamera subdivision dito ay nakatira ang mga mayayaman na tao sa bayan ng Prado. Hindi basta-basta nakakapasok dito kung wala kang ipapakitang isang platinum card o member ship card ng Plamera.
"Ready ka na ba babe? Wag kang kabahan ako bahala sa'yo. I love you." ngiting sabi ni Penelope, nakasapasok na ang kotse sa loob ng bahay nila. Kahit na malaki ang bahay nila ay hindi niya minsan matawag na bahay dahil simulang bata siya ay laging wala ang kanyang mga magulang. Laging abala ang kanyang daddy sa political career nito. Samanatalang ang kanyang mommy naman ay lagi out of the country na kala mo ay isang dalagang babae na walang anak at asawa. Lagi nitong kasama ang mga kaibigan nitong mga former beauty queen at mga friends nitong mga taga showbiz. Kitang-kita niya sa guwapong mukha ng kanyang boyfriend ang pangamba at pag-aalala. Isang masuyong halik ang binigay niya dito para ipadama niya na hindi niya ito pababayaan. Nakita niyang isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.
"Ready na ako babe. Ready na akong humarap sa mga magulang mo." ngiting sabi ni Braylon, bumaba na sila sa kotse at hinawakan ni Penelope, ang kanyang kamay.
"Babe, relax ka lang. Ang lamig ng kamay mo. Gusto mo ba muna na magpa-init tayo?" Hahaha!" birong sabi ni Penelope, nasa harap na sila ng pintuan ng bahay nila at pagbukas niya ng pintuan ay agad silang sinalubong ni Rose.
"Magandang Gabi sa inyo Mam Penelope." ngiting sabi ni Rose.
"Handa na ba ang lahat? Nasaan sila Daddy at Mommy?" tanong ni Penelope.
"Handa na po ang lahat Mam Penelope, nasa kuwarto mo si Madam Patricia, samantalang ang daddy ninyo ay may bisita po siya ngayon nasa study room po sila." magalang na sagot ni Rose.
"Ganun ba. Pasuyo naman Rose, tawagin mo na sila mommy at daddy. Sabihin mo nandito na ako kasama si Braylon, ang aking boyfriend." pakiusap ni Penelope, pumunta na muna sila sa sala ni Braylon. Habang hinihintay nila ang mommy at daddy niya ay magkatabi silang umupo sa may sofa. Napansin niya ang pananahimik ni Braylon.
"Babe, ang tahimik mo naman? Ako bahala sa'yo wag kang mag-alala." paniniguradong sabi ni Penelope.
"Babe paano kung hindi ako magustuhan ng mga magulang mo?" alalang tanong ni Braylon, nakatingin siya ngayon sa isang magandang dilag.
"Bakit mo naman naisip iyon? Diba sinabi ko naman sa'yo na kahit hindi ka magustuhan ng mga magulang ko ay wala akong pakialam. Dahil mahal kita Braylon Hernandez." ngiting sabi ni Penelope, napatingin sila sa taas kung saan pababa na ang kanyang mommy na nakangiting nakatingin sa kanila. Tumayo siya para salubungin ang mommy niya.
"Mommy gusto kong ipakilala sa'yo si Braylon Hernandez, ang aking boyfriend." pagmamalaking pagpapakilala ni Penelope.
"Good evening mam." ngiting pagbati ni Braylon, nakipagkamay siya kay Patricia Hernandez, ngunit tinignan lang nito ang kamay niya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis siya nito.
"Braylon Hernandez, siya pala ang boyfriend mo Penelope. Not bad guwapo at makisig na binata. Manang-mana ka talaga sa akin anak marunong kang pumili. Tara na sa dining area." ngiting sabi ni Patricia, tumalikod na siya sa dalawa at naglakad na siya papunta sa dining area. Pagkadating niya sa bahay kanina ay nagtaka siya kung bakit abala ang mga kasambahay nila sa pagluluto. Wala naman siyang inutos sa mga ito na maghanda ng especial na dinner ngayon. Nalaman niya na si Penelope, pala ang nagpahanda ng especial na dinner ngayong gabi. Hindi niya alam na gusto pala ipakilala ng kanyang anak ang bagong boyfriend nito. Unang tingin palang niya ay nagustuhan na niya ito. Napakaguwapo at makisig na binata ang boyfriend ng kanyang unija hija.
Nabasawan ang pangamba ni Braylon, ng marinig niya ang papuri ng ina ni Penelope. Akala niya ay hindi siya magugustuhan ni Patricia Sanchez, na ina ni Penelope. Magkahawak kamay sila ng kanyang girlfriend sa pagpunta sa dinning area. Nakita niya agad na maraming pagkain sa long dining table.
"Babe, tignan mo nagustuhan ka agad ni mommy." ngiting sabi ni Penelope, sa pag-upo nila sa dining table ay doon naman ang pagdating ng kanyang daddy at kasama nito ang dalawang kaibigan nito na sila Tito Maurer at Tito Sebastian. Tumayo siya para batiin at makipagbeso-beso sa dalawang kaibigan ng kanyang daddy.
"Daddy, si Braylon Hernandez, boyfriend ko." ngiting sabi ni Penelope.
"Good evening Congressman Sanchez." ngiting pagbati ni Braylon, iniabot niya ang kamay niya dito para makipagkamay siya. Buti na lang ay tinanggap ni Congressman Rafael Sanchez, ang kamay niya at nakipaghand shake ito sa kanya.
"Good evening. Magsi-upo na tayo. Masarap kumain habang nagkukuwentuhan." ngiting sabi ni Rafael, kakauwi lang din niya galing sa opisina. Nauna yata siyang nakauwi sa kanyang asawa na si Patricia. Hindi niya alam na may kasama pala ang kanyang unica hija. Sa unang tingin palang niya sa boyfriend ng kanyang anak na si Penelope. Sa itsura at tindig ng guwapong binata na nobyo ng kanyang anak ay masasabi niyang galing ito sa may kayang pamilya.
Nagsi-upo na silang lahat at nagsimula na silang kumain. Bumibilis ang t***k ng puso ni Braylon, dahil sa kaba pero hindi niya ito pinapahalata sa mga magulang ng kanyang girlfriend. Napatingin siya sa isa sa mga kaibigan ni Rafael, na ama ni Penelope. Nakilala niya agad ito na si Mr. Sebastian Castro, bumili ito ng isang kotse sa store nila. Ningitian niya ito at ngumiti din ito sa kanya.
"Braylon, kamusta ka na? Hindi ko alam na girlfriend mo pala ang unija hija ni Rafael." masayang sabi ni Sebastian, nakilala niya si Braylon, dahil siya ang nag-assist sa kanya sa pagbili ng kotse noong nakaraang buwan.
"Magkakilala kayo?" seryosong tanong ni Rafael, nakatingin siya ngayon sa kanyang kaibigan na si Sebastian.
"Siya ba ang kinukuwento mo na marunong mag-sale talk kaya ka napabili ng kotse sa wala sa oras? Hahaha!" natatawang sabi ni Maurer, nakita niyang napatango ang kanyang kaibigan na si Sebastian.
"Siya ang nag-assist sa akin sa pagbili ng bagong kotse ko." sagot ni Sebastian.
"Braylon, puwede ko bang malaman kung ano ang trabaho mo?" tanong ni Rafael, gusto niya makilala ng lubusan ang boyfriend ng kanyang anak.
"Sale agent po Mr. Sanchez. Nagtratrabaho po ako sa isang car company bilang ahente." ngiting sabi ni Braylon, napatingin na nakangiti si Penelope, sa kanya.
"Alam mo ba daddy, maraming nabebentang kotse si Braylon, tsaka masipag siyang magtrabaho." pagmamalaking sabi ni Penelope.
"Oh god! Kala ko ay may sarili kang negosyo o kumpanya o kaya ay modelo? Nakikipagtrabaho ka lang pala hijo?" gulat na sabi ni Patricia, mukhang mali siya ng akala. Akala niya ay anak mayaman ang boyfriend ng kanyang anak base sa itsura nito.
"Mommy, anong masama doon? Atleast hindi siya tamad na tao. Sobrang sipag ni Braylon, tinutulungan niya ang kanyang magulang." ngiting sabi ni Penelope.
"Rafael, alam mo bang wala akong balak na bumili ng kotse noong pumunta ako sa store nila sa may makati. Gusto ko lang magtingin ng mga kotse noon. Nilapitan ako ni Braylon, nakumbinsi niya akong bumili ngisang kotse. Sobrang galing nitong magsale talk." pagmamalaking sabi ni Sebastian, nakangiti siyang nakatingin kay Braylon.
"Salamat po Mr. Castro." ngiting sabi ni Braylon, hindi niya pinansin ang sinabi ni Patricia, ang ina ni Penelope.
"Braylon, sino ang mga magulang mo?" tanong ni Rafael, kikilatiis niya si Braylon, ngayon gabi.