Chapter 4 2.2

1875 Words
Kape Tayo? Chapter 4 2.2 ____________________________ "Braylon, saan pala kayo nakatira?" tanong ni Rafael, kinuha niya ang kanyang wine glass na may laman na white wine at ininom niya ito habang seryoso siyang nakatingin sa boyfriend ng kanyang unica hija na si Penelope.  "Sa Saba Compound po kami nakatira Mr. Sanchez." sagot ni Braylon, naisip niya na wala na siyang pakialam kung maliitin siya o ano pa man. Basta maipakilala niyang mabuti ang kanyang sarili sa mga magulang ng kanyang girlfriend. Taas noo pa rin siyang nakatingin kina Patricia, at Rafael, na magulang ni Penelope.  "Oh! The poorest place in the town. My god! Penelope, saan mo ba napulot 'yang boyfriend mo?" maarteng sabi ni Patricia, hindi niya kinakaya ang mga nalalaman niya kay Braylon, sayang dahil guwapo pa naman ito.  "Mommy respeto naman. Kahit ngayong gabi lang nakakhiya mommy." ngiting sabi ni Penelope, sa totoo lang ay naiinis siya sa kanyang ina. Masyado itong mapangmata. Alam naman niya na kaya nag-aalala ang mga magulang ni Braylon, na sila Tita Minerva, at Tito Franco, ay dahil alam nila na ganito ang ugali ng kanyang mga magulang. Pero sinisigurado niya na hindi niya iiwan sa ere si Braylon, dahil mahal na mahal niya ito.  "Hindi po kasi naabutan ng mga ayuda galing sa gobierno dahil binubulsa ng mga politikong corrupt." ngiting sabi ni Braylon, napatingin siya kay Rafael, na seryosong nakatingin sa kanya.  "Matabil ang dila mo Braylon, hindi mo ba alam na may project ako dyan sa compound ninyo?" tanong ni Rafael, mukhang palaban itong si Braylon, tignan lang niya kung sino ang uuwing luhaan ngayong gabi.  "Project? Opo 'yung basketball court po Mr. Sanchez. Salamat po doon." sabi ni Braylon, wala naman kwenta ang pinagawa nitong basketball court sa lugar nila. Sa pagkakaalam niya ay million-million ang pondo na nakuha ni Congressman Rafael Sanchez, na naibulsa nito dahil sa pagpapagawa ng court na iyon.  "Sa guwapo at kisig mo yan ay sigurado ako may indecent proposal kang natatanggap?" biglang tanong ni Patricia, hindi na iba sa kanya ang mga indecent proposal na yan lalo na sa mundo ng beauty pageant at sa showbiz.  "Aaminin ko po na meron pong nag-alalok sa akin. Bibili sila ng kotse sa akin kapalit ng isang mainit na gabi. May mga indecent prosoal po akong natatanggap ngunit tinatanggi ko po lahat iyon. Hindi naman po maiiwasan iyon lalo na sa klase ng trabaho ko po. Sinabi ko naman po iyon kay Penelope. Maniwal man po kayo sa hindi ni isa ay wala po akong tinanggap." sobrang daming nang karanasan ni Braylon, sa mga nag-aalok sa kanyang indecent proposal. May mga babae at karamihan ay mga bakla. Lagi niya itong tinatanggihan sa pamamagitan ng isang magandang pakikipag-usap. Nagpapasalamat siya na may mga humahanga sa kanya dahil sa kanyang pisikal na anyo at ugali.  "Sa showbiz ay maraming indecent proposal. Lalo na sa gustong sumikat. Sabi ng aking unica hija marami kang nabebenta dahil ba ginagamit mo ang karisma mo. Puwede ka nga maging artsita Braylon." ngiting sabi ni Patricia, totoo naman na puwedeng maging artista ang boyfriend ni Penelope, willing naman siyang tulungan ito. Ilalapit lang niya ito sa mga kakilala niya producer.  "Hindi ko po pinangarap na maging artista. Ayoko po masyado ng magulong mundo. Masaya na po ako sa ganitong simpleng pamumuhay. Marunong lang po talaga ako mag-sale talk isa na po si Mr. Sebastian Castro, ang magpapatunay 'yun." sabi ni Braylon, naramdaman niya ang paghawak ni Penelope, sa kanyang kamay. Napatingin siya dito na nakangiting nakatingin sa kanya.  "Ano naman ang pinagkakabalahan ng mga magulang mo Braylon?" tanung ni Rafael, tapos na siyang kumain at ready na siyang kumain ng dessert.  "Ang papa ko po ay nakikipagtrabaho po bilang carpintero. Samantalang ang mama ko po ay nagtitinda ng mga iba't-ibang kakanin sa compound po namin." ngiting sabi ni Braylon.  "Mommy diba favorite mong kumain ng mga native dessert food. Try mo 'yung ginagawa ni Tita Minerva, ang mama ni Braylon. Sobrang sarap ng mga kakanin na ginagawa nila promise." pagmamalaking sabi ni Penelope, inutusan niya si Rose, na ilabas na ang dessert.  "No! Thank you na lang baka hindi malinis iyon. Mahirap na baka sumakit ang tiyan ko dyan. Kaya ikaw Penelope, ang tigas ng ulo mo ang hilig mong kumain ng kung anu-ano pagkain lalo na sa mga street food." maarteng sabi ni Patricia, dahan-dahan niyang pinunasan ang kanyang bibig.  "Malinis at masarap po ang mga ginagawa ni mama. Wag po kayong mag-alala sa susunod na pagpunta ko po dito ay magpagpapagawa po ako ng kakanin sa mama ko po. Para makita at matikman niyo po na malinis at masarap po talaga." ngiting sabi ni Braylon.  "Sa trabaho mo bilang ahente Braylon, sigurado ka bang aasenso ka dyan?" tanong ni Rafael, sisimulan na niya kilatisin si Braylon. Hindi niya ito ginagawa sa mga ex boyfriends ng kanyang anak dahil mga mayayaman at may kaya sa buhay ang mga naging boyfriend ni Penelope. Pero ngayon ay nakikita niya sa kanyang anak na si Penelope, na mahal na mahal nito si Braylon. Kailangan niyang malaman kung anong klaseng tao si Braylon.  "Sa sipag at tiyaga alam ko po aasenso ako sa buhay Mr. Sanchez. Sa isang katulad ko po na hindi nakakaanggat sa buhay ay gustong ko po umasenso sa buhay. Iba po kasi 'yung pakiramdam na 'yung nakukuha kong pera ay pinaghirapan at pinagtrabahuhan ko po talaga. Hindi 'yung basta-basta na lang nakaupo ay nagkakaroon ng pera." ngiting sabi ni Braylon.  "Sa nakikita ko kay Braylon, ay napakaswerte mo Penelope, nakatagpo ka ng isang lalaking hindi palamunin. Sa mga narinig kong sinabi ng boyfriend mo ay masasabi kong masipag at mapagmahal sa magulang. Sigurado akong nasa mabuti kang kamay." pagsingit ni Maurer, sa usapan. Natutuwa siya sa pinapakitang katapangan ni Braylon, sa harapan nila Patricia, at lalo na sa kanyang kaibigan na si Rafael.  "Salamat po Tito Maurer, kaya mahal na mahal ko ang boyfriend kong si Braylon. Bukod sa guwapo at makisig ay mapagmahal pa siya sa mga magulang nito." isang matamis na halik ang binigay ni Penelope, sa pisngi ni Braylon.  "'Yung sinasabi mo na sipag at tiyaga ay hindi ka nito dadalhin sa gusto mong marating sa buhay. Kailangan mong gamitin ang tinapos mo sa kolehiyo para umasenso ka. Ano ba ang natapos mo sa kolehiyo?" tanong ni Rafael.  "Business management po 'di ko pa po natapos dahil hindi na kaya ng magulang ko ang pagpapa-aral sa akin sa kolehiyo. Ganun pa man ay heto po ako ngayon taas noo po akong nakaharap sa inyo para sa pagmamahal ko po sa inyong anak na si Penelope." ngiting sabi ni Braylon, humigpit ang pagkakahawak ni Penelope, sa kanyang kamay.  "Paprangkahin na kita Braylon, hindi kita gusto sa anak ko. My god! Hindi ka pa pala tapos sa kolehiyo saan mo na lang ipapasyal o idadala ang anak ko sa luneta park?! Cheap! Baka kung makapunta man kayo sa isang magandang lugar ay baka isang buwan o higit pa ang kailangan mo para makaipon ka ng pera sa trabaho mo bilang ahente ng sasakyan." seryosong sabi ni Patricia, guwapo at makisig lang pala si Braylon. Wala pa itong nararating sa buhay nito. Ayaw naman niya na ang kanyang unica hija, ang gagasto sa lahat ng mga lakad nito.  "Ganun din naman ako Braylon, kaya ba nakipagrelasyon ka sa anak ko ay dahil mayaman siya at nag-iisang anak ko siya?" tanong ni Rafael, na seryosong nakatingin kay Braylon.  "Hindi ko na po kailangan na mag-ipon ng ilang buwan para makapunta po kami ni Penelope, sa magandang lugar. Hindi ganun ang anak ninyo si Penelope, sa isang simpleng coffee shop lang po ay masaya na ang anak ninyo. Nagustuhan ko po ang unica hija ninyo hindi dahil mayaman siya kundi dahil mapangkumbaba, mabait at marespeto po siyang tao. Mahirap o mayaman ay marunong po siyang makisama. Hindi po siya mapangmata at matapobre. Bihira lang ang isang katulad ni Penelope, na isang anak mayaman. Akala ko noon ay katulad siya ng mga anak mayayaman na matapobre. Pero nagkamali ako." napatingin si Braylon, kay Penelope. Isang matamis na ngiti ang pinakita niya dito.  "Mahal ko po ang anak ninyo. Hindi ko maipapangako na hindi ko siya masasaktan dahil parte iyon ng isang matatag at malakas na relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Isang simpleng tao lang po ako na may mabuti at malinis hangarin sa inyong anak." taas noo sabi ni Braylon. Lihim na lang siya natawa dahil hindi man pala siya nakakain ng maayos dahil na hot seat siya. Pinutakti siya ng mga tanong ng mga magulang ni Penelope. Nagpaalam at nagpasalamat na siya sa mga magulang ni Penelope, dahil aalis na siya. Totoo nga ang sinasabi ng mga tao at lalo na ang kanyang mga magulang na matapobre sila Patricia Sanchez, at Rafael Sanchez.  "Ngayon na nakilala niyo na ang boyfriend ko mommy at daddy. Legal na ang pagmamahalan namin. Kahit naman na hindi kayo pumayag sa pagmamahalan namin ay wala akong pakialam. Ang mahalaga ay nagmamahalan kami ni Braylon." ngiting sabi ni Penelope, tumayo na siya para umalis na sila ni Braylon. Inilingkis niya ang kanyang kamay sa matipunong braso ni Braylon. Naririnig pa niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng kanyang ina. Ngunit hindi na niya ito pinansin lumabas na sila ng bahay at sumakay agad sila sa kotse niya. Sinabihan siya ni Braylon, na wag na siyang mag-abala na ihatid siya pero nagpumilit siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya ng makasakay na siya sa kotse niya. Nasa passenger seat siya at si Braylon, ang nasa driver seat.  Nagsimula ng magdrive si Braylon, papalayo sa malaking bahay ng kanyang girlfriend na si Penelope. Hindi niya akalain na nakaya niyang humarap sa mga magulang ng kanyang girlfriend. Noon una ay kinakabahan, nag-aalala at natatakot siya pero nung nagsimula na siyang sunod-sunod na batuhin ng mga tanong ni Patricia at Rafael Sanchez, ay nawala ang lahat ng nararamdaman niyang pangamba. Dahil na rin sa kanyang trabaho ay nasanay siya sa pakikipag-usap sa mga iba't-ibang tao kaya nakaya niyang masagot ng buong tapang at taas noo ang mga lahat ng tanong sa kanya. Ang mga panlalait na ginawa sa kanya ni Patricia Sanchez, ay hindi niya masyadong pinansin. Hindi niya namalayan na nakangiti pala siya dahil masyado siyang proud sa kanyang sarili.  "I'm so proud of you babe! Ang galing mo kanina! Hindi ko na pala kailangan na ipagtanggo ka sa mga magulang ko. Kayang-kaya mo pala!" masayang sabi ni Penelope, natutuwa siya dahil nasagot ni Braylon, ang lahat ng mga tanong at mga batikos galing sa kanyang mga magulang.  "Hindi ko nga akalain na masasabi ko sa kanila lahat iyon. Pasensya ka na kung medyo naging bastos ako sa mga magulang mo babe." napakamot na lang si Braylon, sa kanyang ulo. "Bat ka naman humihingi ng pasensya sa akin? Tsaka hindi mo naman sila na bastos. Ikaw ang nabastos nila at ako dapat ang humingi ng paumanhin sa'yo." sabi ni Penelope, sinabihan niya si Braylon, na dumaan na muna sila sa Ralds Box Café dahil alam niyang hindi nakakain ng maasyos si Braylon.  "Sa totoo lang ay nabusog ako sa mga katanungan ng mga magulang mo. Hahaha!" pabirong sabi ni Braylon.  "Kaya nga pupunta tayo sa Ralds Box Cafe para makakain tayo ng maayos. Pati ako ay hindi ako nakakain ng maayos. Nawalan ako ng gana kanina." sabi ni Penelope, nakarating na sila sa Ralds Box Café, at doon ay kumain sila bago niya ihatid si Braylon, sa bahay nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD