Kape Tayo? Chapter 9 1.2 "Pareng Athan, buti na lang nasabihan kita agad kundi patay ka kay Penelope, kanina. Hahaha!" natatawang sabi ni Athan, pinag-uusapan nila ni Braylon, ang nangyari kanina sa Rald's Box Café. "Salamat talaga Pareng Athan. Buti na lang talaga nakita mo agad kami. Hindi ko alam na nandoon sila Penelope." napakamot na lang sa ulo si Braylon, nandito sila sa harap ng bahay nila at nag-iinuman sila ng kanyang kaibigan na si Athan. Ininom na nila ang apat na bote ng beer na binili nila kagabi. "Susunod kasi pare mag-iingat ka." ngising sabi ni Athan. _______________________ "Amber, siguro ay puwede mo na alisin ang paa mo sa harapan ko." pakiusap ni Braylon, nakangiti siyang nakatingin kay Amber. Nagkapirmahan na sila ng mga documents na kailangan ni Amber, na pi

