Kape Tayo? Chapter 8 "Hmm… Heto pala ang Chavez Mall, makukumpara ko ito sa mga international mall sa ibang bansa. Malaki pala ito at maraming mga international brands store na nandito." sabi ni Payton, nandito na sila sa Chavez Mall, kasama niya ngayon si Penelope. "Heto ang pinakasikat na mall sa Bayan ng Prado. Pagmamay-ari ito ng mga Chavez, isa sa mga maimpluwensyang angkan dito sa Prado." ngiting sabi ni Penelope, nasa ground floor sila at nakatanggap siya ng tawag kanina sa kanyang kaibigan na si Avery, na nandito na raw ito sa loob ng Chavez Mall, sa 3rd Floor. "Akyat na tayo sa 3rd floor baka kanina pa naghihintay sa'yo 'yung kaibigan mo." sabi ni Payton, naglakad na sila papunta sa elevator ng mall. Marami rin palang mga tao ang pumunpunta dito sa Chavez Mall. "May irerec

