Kape Tayo Chapter 7 "Mommy saan tayo pupunta? Sa Chavez Mall ba?" tanong ni Penelope, pagkatapos nilang mag-almusal ay sinabihan siya ng kanyang mommy na aalis sila. Tinatanong niya ito kung saan sila pupunta ngunit hindi siya nito sinasagot. Gamit ang kotse ng kanyang mommy ay nakaupo sila sa back seat. Kasama nila si Manong Arthur, na matagal ng driver ng pamilya nila. At pamilya na ang turing nila dito. Anal ni Manong Arthur, si Rose. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ng kanyang mommy kung saan sila pupunta. "My god! Penelope, puwede bang maghintay ka na lang." inis na sabi ni Patricia, kanina pa siya kinukulit ng kanyang anak na si Penelope, kung saan nga ba sila pupunta ngayon. Nagpapasalamat siya na napapayag niya ito na sumama. "Bat 'di mo ba sabihin sa akin kung saan

