Kape Tayo? Chapter 12 "Oh my god gurl, anong nangyari sa mukha mo?" gulat na tanong ni Avery, kararating lang niya sa bahay nila Penelope. Nabigla siya dahil may mga apat na securiy guard o SG. Sa pagkakaalam niya ay 'yung apat na nakabantay sa harap ng bahay ng kanyang kaibigan ay ang apat sa anim na security guard ni Tito Rafael, na ama ni Penelope. "Bat ngayon ka lang gurl? Ang tagal mo?!" reklamo ni Penelope, nakaligo na siya at nakapagbihis dahil ang plano niya ay dito na lang sa bahay gaganapin ang meeting with the authors. Dahil na rin ayaw siyang palabasin ng kanyang daddy. Medyo humupa na ang pamamaga ng kaliwang pisngi niya. At hindi na rin namumula ang kanyang mga mata. Pero napansin pa rin ng kanyang kaibigan ang kanyang mukha. "Sagutin mo muna ang tanong ko Penelope. Nak

