Kape Tayo Chapter 13 "Siguro naman alam mo na kung bakit kinausap kita ngayon?" seryosong tanong ni Rafael, nakatingin siya ngayon sa lalaking hampas lupang boyfriend ng kanyang anak. Napagdesisyunan niyang kausapin na niya ito para matigil na ang kahibangan nito. "Hindi po Congressman. Ano po ba ang pinunta ninyo dito?" tanong ni Braylon, nagulat na lang siya ng bigla na lang pumunta si Congressman Rafael Sanchez, sa store nila. May kausap siyang client kanina kaya hindi niya ito na nabati. Nagtaka na lang siya ng pinapatawag siya ni Ms. Rossel Molina, ang store manager nila. Sabi nito ay gusto raw siyang kausapin ni Congressman Sanchez. Nandito sila ngayon sa isang maliit na opisina kung saan silang dalawa lang ng ama ni Penelope, ang nandito. "Hindi na ako magpaliguy-ligoy. Layuan

