Kape Tayo Chapter 18 "Pareng Braylon, sino pa ba ang hinihintay natin?" takang tanong ni Athan, buti na lang ay pinayagan siya ng kanyang boss na si Boss G, na umabsent na muna siya sa araw na ito. Dahil napakaimportanteng araw ito sa kanyang kaibigan na si Braylon. Dahil ngayon na ang araw ng pamanhikan nito kay Penelope. Nandito na silang lahat sa harapan ng bahay ni Braylon, kasama ang mga magulang nito na sila Tita Minerva, at Tito Franco. Kasama rin nila anh ilang kapitbahay nila Braylon, pati si Aling Nena, at ang apo nitonh si Chan, limang taong gulang. Hindi nakasama ang itay, at inay niya dahil umuwi ang mga ito sa probinsya. "Relax ka lang dyan. On the way na siya Pareng Athan." ngising sabi ni Braylon, tinapik pa niya ang balikat ng kanyang kaibigan na si Athan. Sa totoo lan

