Kape Tayo? Chapter 17 "K-kanina ka pa ba nandito?" nag-aalalang tanong ni Avery, nakatingin siya ngayon kay Juan. "Hmm… Tamang-tama lang na narinig ko ang sinabi mo na mahal mo na ako." ngiting sabi ni Athan, kararating lang niya sa main store ng Rald's Box Café May inutos lang kasi ang kanyang boss na si Boss G, pinapapunta siya sa Chavez Mall, sa nag-iisang branch ng Rald's Box Café. Pagkabalik niya ay agad niyang nakita sila Penelope, at Avery, na nandito sa loob ng café. Hindi nakaligtas sa kanya ang sinabi ni Avery. "Hindi pa ako nababaliw para ma fall ako sa'yo." mataray na sabi ni Avery, kinakalma lang niya ang kanyang sarili para hindi siya mahalata na sobra siyang natataranta ngayon sa loob-loob niya. "Talaga lang ah? Nairecord ko pa naman ang sinabi mo?" pagbibirong sabi

