24th Blood: Torment NAG-UUNAHAN sa pagtibok ang kanyang puso sa bawat hakbang na tahakin niya palapit sa Mistic mansion. Hindi niya ininda ang paulit-ulit na pagsumpa sa kanya ni Alex na nakagapos at hinihila nina Axe at Mitch papasok ng mansyon kasunod niya. All that he thinks about right now is Vina. “Hayop ka, Rain! Kalagan mo ‘ko! Pakawalan mo ako rito!” Napakuyom ang palad niya at saka binilisan pa ang paglalakad. Hindi siya tumigil na umugnay sa isipan ni Vina. Ngunit nananatiling sarado iyon. Tila ba may kung anong madilim na ulap ang nakaharang sa isipan ni Vina. Nag-aalala siya. Kahit pa litong-lito siya sa nangyayari, nag-aalala pa rin siya para kay Vina. “Alpha?” ilang sandali pa’y untag ni Axe sa kanya nang akma si

