23rd Blood: Tea “PRINCESS?” Hindi pinansin ni Vina ang untag ni Rain. Yumakap lang siya sa binata ng mas mahigpit at ibinaon ang kanyang mukha sa kaliwang bahagi ng leeg nito. He smells so good. Kahit yata sa umaga at hindi pa ito naliligo ay ganito pa rin ang amoy nito. She wondered if he ever smelled awful in his entire life. Narinig niyang tumawa ni Rain. Naramdaman niya ang pagdadampi nito ng halik sa kanyang buhok. “Of course, I smell awful every once in a while, princess. I’m a werewolf, remember?” Minsan parang hassle pa nga yatang nababasa nito ang iniisip niya. Nawawala na kasi ang thrill kapag may kalokohan siyang naiisip pagkatapos ay natutunugan ni Rain. Kaya’t hayun, hindi niya na magawa. Kawawa tuloy siya. Ang boring ng buhay kasi hindi

