Nakatayo si Arian sa magarang balkonahe ng kanyang bagong condo, na bigay sa kanya ng kanyang bagong sugar daddy. Nakasuot s’ya ng eleganteng robe. Habang hawak ang wine glass at dahan-dahang umiinom. Habang pinag mamasdan ang magandang ilaw ng shudad na kitang kita- mula sa kanyang kinaroroonan. “Imposibling si Marco ang tumawag sa akin kanina. Wala naman iyong ibang pangarap kundi magkaroon ng isang dosenang anak at tumira sa bukid. Kaya imposibleng iwan non ang kanyang bukid para pumunta dito sa Manila, eh wala naman ‘yong pangarap sa buhay!” wika ni Arian sa sarili saka muling sumimsim ng alak mula sa basong hawak. Naalala n’ya ang dating samahan nila ni Marco, totoong minahal n’ya si Marco at minsan ding nangarap na bumoo ng sariling pamilya kasama si Marco pero masyado kasing mab

