Nakakatawa namang lagi nalang tayong napagkakamalang mag asawa,” wika ni Marco na napapangiti. “Bakit ayaw mo ba?” nanunudyo namang tanong ni Sephy. Syempre masaya po ako ma’am, sino ba naman ang lalaking tatanggi at hindi magkaka gusto sa’yo, bukod sa maganda at sexy kayo ay napaka bait nyo din po, saka napaka down to earth ninyo kahit pa nga sa estado nyo sa buhay ay nagagawa nyo pading gawin ang mga ganitong Gawain na pwedeng-pwede nyo namang iutos na lang!” masaya at sensirong wika ni Marco. “Nako! “Oo” o “hindi” lang naman ang hinihintay kong isasagot mo pero ang dami mo nang sinabi! Halika na nga!” kunwaring wika ni Sephy pero ang totoo ay labis s’yang kinilig sa mga papuri sa kanya ni Marco. Masaya namang itinulak ni Marco ang cart saka sumunod sa dalaga. Matapos mabayaran an

