Kinagabihan ay niyaya ni Sephy si Marco na pumunta ng bar, nag aalinlangan man dahil sa kahit papaano ay may idea na si Marco sa kung ano ang mayroon at ang mga nangyayari sa bar ay wala namang nagawa ang binata kundi sumunod sa amo. Alam nya kasing wala naman s’yang karapatan na tumanggi sa utos ni Sephy. Ipinangako nalang n’ya sa sarili na po protektahan n’ya ang dalaga at hinding hindi nya ito hahayaang masaktan. “Dahil yan ang trabaho mo, Marco! Ang trabaho mo ay ipag drive at protektahan si Ma’am Sephy mo, kaya yon ang dapat mong gawin, at hindi para tanggihan at pag bawalan ang amo mo na pumunta sa kung saang lugar nya gustong pumunta para mag enjoy!” Naiinis na paalala ni Marco sa kanyang sarili saka mariing n’yang sinabunotan ang kanyang sarili. Marahas s’yang napabuntong hining

