Halos mag madurog na ang bote ng beer na hawak ni Marco sa gigil na nararamdaan n’ya at sa pag pipigil na h’wag sugurin ang mga lalaking kasayaw ni Sephy. “Kumalma ka lang Marco, wag kang gagawa ng eskandalo na maaaring ikapahamak mo at ni Ma’am Sephy mo, baka ganito talaga diri. Ganyang siguro mag sayaw ang mga nasa bar na mga kalalakihan at kababaehan,” pilit pang pangungumbinsi ni Marco sa sarili habang pilit na pinapakalma ang sarili na h’wag sugurin ang mga kasayaw ni Sephy at umiiwas na gumawa ng gulo na alam n’yang ikagagalit pang lalo sa kanya ni Sephy o worst ay maikapahamak pa nila. Madalas pa naman n’yang makita sa mga pilikula na katulad nito na may mga dalang barel ang mga kalaban at maraming napapahamak kapag nagkakagulo na. kaya naman kahit sobra-sobra na ang pangagalit

