Matapos naming mamasyal sa kabisera ng kaharian ay bumalik na agad kami sa palasyo dahil may gaganaping pagdiriwang sa kaharian ng mga werewolves at imbitado kami.
"Saang parte ba ng kaharian ang kaharian nila?" tanong ko kay Cresent habang inaayusan ang aking buhok.
"Sa kabilang isla." sagot niya sa akin.
Matapos akong ayusan ay yumuko naman ang babaeng nag-aayos sa akin upang magbigay galang tapos lumabas.
"Tara na baka nandoon na sila Ama at Ina." sabi niya sa akin at inilahad niya ang kanyang palad para alalayan akong tumayo.
"Salamat." sabi ko at humawak sa kamay niya at naglakad. Medyo nahihirapan parin ako sa suot kong damit dahil napaka laki nito at pabilog. May mga inilagay din sa buhok ko upang mas magmukha itong kaaya-aya.
"Anong sasakyan natin upang makarating tayo sa isla?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng palasyo.
"Isang barko." sabi niya sabay turo ng isang malaking bagay na nakalutang sa dagat. Naglakad na kami papunta doon dahil naroon na daw sila ama at ina.
Namangha ako sa laki at lawak ng barko na sasakyan namin. Nakakatuwa sa laki nito ay nagagawa niyang lumutang sa tubig.
"Tara doon tayo." sabi ni Cresent sabay hila sa akin paakyat ng barko hanggang sa makarating kami sa itaas nito at natatanaw ko ang dagat at papalayo na kami sa Kaharian.
"Maganda ba?" tanong niya habang naka titig sa papalubog na araw. Lumingon naman ako habang manghang naka tingin doon.
"Oo ang ganda nga." sabi ko sa kanya at dinadama ang maghampas na malamig na hanggin sa balat ko.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isa pang isla. Hindi ito kasing ganda ng kaharian namin na gawa sa mga bato. Ito ay yari sa magandang klase ng mga kahoy. At napaka ganda ng paligid dahil puno ito ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak at halaman.
"Mas maganda ang lugar na ito kapag umaga. Makikita mo ang malalaking puno at iba't-ibang uri ng bulaklak." sabi niya sa akin.
"Dito ba tayo mamalagi hanggang umaga?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang tugon.
"Ibig sabihin masasaksihan ko kung paano mamukadkad ang mga bulaklak dito?" natutuwa kong sabi at naglakad na kami papunta sa bulwagan.
"Maligayang pagdating sa aming kaharian Haring James at Reyna Lezlie." sabi ng lalaking may suot ng pulang kapa at may kulay puti at mahabang buhok na itinali upang di magulo. Mukha pa naman siyang bata pero bakit ganyan ang kulay ng buhok niya.
"Haring Wolverious!" sabi naman ng aking Ama at binigyan niya ito ng mahigpit na yakap.
"Sino naman ang magandang dilag na kasama mo ngayon?" tanong ng hari at tumingin sa akin.
"Oo nga pala hindi ako naka punta sa pagdiriwang sa inyong kaharian. Siya na ba ang nawawala niyong anak?" tanong ulit ng hari.
"Oo siya ang anak namin na si Prinsesa Bella." sabi naman ni ama sa kanya habang naka ngiti.
"Kuya!" tawag pansin ng isang lalaking papalapit sa amin na may kasamang isang babaeng may tenga ng isang hayop ganon din ang maliit na batang karga niya na may ganon ding tenga at buntot.
"Siya na ba ang nawawala kong pamangkin?" tanong ng lalaki.
"Oo Jeo. Bella siya ang kapatid kong si Jeo at ang asawa niyang si Claudia at ang pinsan mong si Cloud." sabi naman ni Ama nang makalapit na sa amin ang mga taong tinutukoy niya.
"Kamukhang kamukha mo Lez." sabi niya kay Ina at pinisil ang pingi ko.
"Kamusta ikaw ba ang pinsan ko." natutuwa kong sabi sa batang karga niya kaya kinuha ang batang may buntot at tenga ng isang hayop.
"Anong klaseng nilalang sila? Bakit sila may ganto?" tanong ko kay Cresent dahil abala na silang lahat sa pakikipag kwentuhan.
"Isa siyang kalahating werewolf at kalahating bampira." sabi niya sa akin.
"Ate magkakaroon ka rin ba ng anak tulad nila ina?" tanong niya habang naka tingin sa tyan ko.
"Oo ganon na nga. Maaga kang magiging tito haha... Maaga din magiging lalo sina ina at ama." sabi naman ni Cresent. Ngunit nanatili lang akong naka tingin sa tyan ko. Halata na ngang lumalaki ang tyan ko.
"Ate hindi ka ba masaya?" tanong niya sa akin kaya umiling naman ako.
"Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko." sabi ko saka ibinigay siya kay Jeo.
"Ah ganon ba. Ganyan din si Ina paiba iba ang ang ugali. Minsan nga natutulog lang siya buong araw at ayaw niyang lumabas." sabi naman ni Cloud kaya napangiti naman ako.
"Siguro nga epekto lang ito ng pagbubuntis. Ayos lang ba na iwan ko muna kayo maglilibot lang ako sandali." sabi ko naman.
"Samahan ka nalang namin." prisenta ni Cresent pero umiling lang ako at naglakad na palabas ng mansion.
Paglabas ko ay agad na umihip ang malamig na hangin kaya ipinikit ko ang mata ko at dinama ko ito. Naramdaman kong may mga brasong yumakap sa akin kaya iminulat ko ang mata ko at tiningala ko sino ito.
"R-Red bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at tumingin tingin sa paligid baka may makakita sa kanya na nadito siya. Napag-alaman ko kasing kaaway siya ng mga werewolves at bampira dahil sa pagsakop niya noon sa lupain nila noong inagaw niya ang trono ni Ama.
"Alam mo bang mas malawak ang lupain ng mga werewolves kaysa sa lupain ng mga bampira ngunit hindi nila nasasakupan ang ibang lugar dito." sabi niya naman habang naka tingin sa akin.
"Ano naman ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Mas malawak ang lupain na tinatawag nilang mahiwagang gubat. Hindi sila nagpupunta doon dahil may nagbabantay na mga nilalang na naka tira doon." sabi niya naman sa akin.
"Paano mo naman nalaman yun?" tanong ko sa kanya pero imbis na sumagot ay nginitian niya lang ako.
"May ipapakita ako sayong lugar." sabi niya sa akin at hinila niya ako palabas sa tarangkahan ng mansion at pumasok sa masukal na gubat.
"Diba may mga nakatira ditong nilalang? Kakakwento mo lang sa akin kanina." nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Basta sumama ka nalang. Siguradong magugustuhan mo ang lugar na yun." sabi niya sa akin at gumawa ng bolang apoy upang mag silbing liwanag sa daraanan namin.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~