CHAPTER 14

999 Words
Bella's POV Pasikat na ang araw ng matapos ang kasiyahan sa mansiyon. Dahil sa pagod ay agad akong umakyat patungo sa aking silid upang magmapahinga ngunit napadako ang tingin ko sa nga kumpol ng puting rosas at mga tsokolate na galing pa sa mundo ng mga tao. Bigla bumilis ang t***k ng aking puso. Hindi kaya imposibleng si Prinsepe Red ang nagbigay nito? Nalaman niya kayang nandito ako sa mundo ng Romgar. Tuwing gigising ako ng gabi ay may panibago nanamang kompol ng mga puting rosas at mga pagkain na mula sa Midgard. Kaya nagpasya akong hindi matulog buong araw upang makita kung sino ang naglalagay nito rito. Narinig kong bumukas ang bintana at ang yapak ng mga paa na papalapit sa akin. Naramdaman ko namang hinaplos niya ang aking tyan. Kaya napamulat ako. Hindi nga ako nagkamali. Si Prinsepe Red nga! Mga ilang segundo kaming nagtitigan dahil sa sobrang gulat. "Ahm... Siguro kailangan ko ng umalis." sabi niya sa akin at tumalikod. Maglalakad na sana siya pero agad kong hinila ang kamay niya para pigilan siya sa pag-alis. "Teka... Sandali." pigil ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. Tinititigan ko lang siya sa mga mata niya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya at ang bilis ng t***k ng puso ko. "M-matulog ka na. Makakasama sa anak natin kung magpupuyat ka." sabi niya sa akin. "Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya. "Halata na kasi sa umbok ng tyan mo." sabi niya at ngumiti ng mapaiit. "Red." tawag ko sa pangalan niya at niyakap siya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya hindi ko kayang magtanim ng galit sa taong mahal ko. Hinila ko ang batok niya at agad na hinalikan ng mariin sa kanyang labi. Agad din naman siyang tumugon hanggang sa lumalim ng lumalim ang aming paghahalikan. Hinubad niya ang mga saplot naming dalawa na hindi napuputol ang aming paghahalikan. Hanggang sa nangyari muli ang aming pag-iisang katawan. Nagising ako na wala si Red sa tabi ko. Ang buong akala ko ay panaginip lang ang lahat ngunit nangtatayo na ako ay wala pala ako saplot at nagkalat pa sa sahig ang mga damit ko. Napangiti nalang ako na hindi pala isang panaginip ang lahat at totoo ang mga nangyari sa amin kagabi. Totoong pumunta si Red dito upang makita siyang muli. Naglakad ako at tinungo ang maliit na mesa kung saan naka lagay doon ang isang napakagandang babasaging banga at mga kumpol ng puting rosas. May maliit na papel na nakaipit doon at nakasulat ng 'Patawad' Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa iyo Red. Tok. Tok. Tok. Agad siyang nagtalukbo ng kumot ng may kumatok. "Pasok!" sigaw ko ay may pumasok na isang babaeng taga silbi. "Mahal na Prinsesa magandang gabi po." sabi niya saka nag bow. "Mga ilang sandali mo ay ihahanda na ang hapunan. Kailangan niyo na pong mag-ayos." sabi niya sa akin at tinulungan akong mag-ayos ng aking sarili bago lumabas at kumain kasama silang lahat. Matapos kong kumain ay naglakad lakad muna ako sa buong palasyo napadako ang tingin ko bughaw na karagatan. Napaka ganda ng tubig kaya hindi ko maiwasang hindi alisin ang suot kong sapatos at ilubog ang aking mga paa dito ngunit pinigilan ako ni Cresent at hinila ako palayo sa tubig "Ah may problema ba?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Kahit anong mangyari wag na wag kang maliligo sa dagat dahil maaaring manganib ang buhay mo. Ang mga nilalang na nakatira dyan ay kumakain ng tao kaya nilang magpalit anyo bilang isang isda o maliit na hayop ng dagat at kapag di mo namalayan na nasapaligid sila doon sila aatake at kakainin ka nila." sabi niya sa akin. "May alam ka pa bang ibang lugar dito na hindi natin napupuntahan?" tanong ko sa kanya. "Oo, sa kabisera." sabi niya naman kaya naglakad kami pabalik ng palasyo at sumakay sa karwahe. Puro puno lang ang nadadaanan namin hanggang sa may mga kabahayan din at may iba na akong taong nakikita na naglalakad sa kalsada. Mga ilang sandali ay huminto na ang karwahe at naglakad kami sa lugar na maraming mga tao at mga nagtitinda. "Tara." sabi ni Cresent sabay hila sa akin sa mga nagtitinda ng mga minatamis na pagkain. "Ito ang pinaka masarap sa lahat." sabi niya at binigay sa akin ang mansanas na nababalutan ng tinatawag nilang kendi. Ngayon lang ako naka tikim ng ganito. Naglakad lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa pamilihan ng mga laruan. Nakakatuwa ang mga batang naglalaro sa daan. Hindi ko tuloy maiwasan na kapahin ang maliit kong tyan. Magiging ganito din kasaya ang magiging anak ko paglaki nito. Bibilhin ko lahat ng laruan na gusto niya at syempre bubuo kami ng masayang pamilya ni Red. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti habang iniisip yun. Habang patingin-tingin ako sa paligid ay may nakita akong napakagandang bata na pilit na inaabot ang kanyang pulang lobo na sumabit sa puno. Inabot ko ito at lumuhod upang magkapantay kami at binigay sa kanya ang lobo. Tulala naman siyang naka tingin sa akin. Napansin ko naman ang natural na pulang mga mata niya na katulad kay Red. "M-maraming salamat mahal na Prinsesa." sabi niya sa akin at nagbigay galang. "Nako wala yun. Napakaganda mo namang bata anong pangalan mo?" naka-ngiti ko namang tanong sa kanya. Bakit napaka gaan ng pakiramdam ko sa batang ito. Nakakatuwa ngayon lang siguro ako naka-kita ng bata. "Lily." sagot niya sa akin. "Napakaganda namang pangalan. Bagay na bagay sayo." sabi ko sa kanya. "Salamat. Ang aking ama ang nagpangalan sa akin nun. Sinabi niyang namula ito sa bulaklak na gustong gusto ni Ina." deretso niyang sagot. "Sige po, mauuna na ako baka hinahap na ako sa amin." malambing niyang sabi. "Teka. Sayo nalang ito." sabi ko sabay abot sa kanya ng binili kong mansanas na nabalot ng kendi. "S-salamat." sabi niya saka tumakbo. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD