CHAPTER 4

985 Words
Dedicated to amiraace Bella's POV Mga ilang araw bago ko muling nakita si Prinsepe Red sa palasyo. Siguro ay mayroong ipinag-utos na misyon sa kanya sa mundo ng mga tao. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa gagawing kasiyahan mamaya sa palasyo. Ito kasi ang ika-159 na taon ni Haring Surtr sa posisyon bilang hari ng Muspheleim. "Bella ipinatatawag ka ng mahal na Hari sa kanyang silid. Pumunta ka na daw doon ngayon din." sabi sa akin ni Savania isang kalahating tao at usa. Isa siya sa pinaka malapit sa akin dito sa palasyo. "Maraming salamat Savania." sabi ko naman at dumertso na sa silid ni Haring Surt. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintong yari sa ginto. "Magandang hapon po mahal na Hari." bati ko sa kanya habang naka tayo sa harap ng pinto. "Hali ka rito. May ibibigay ako sayo." sabi niya sa akin kaya naman ay lumapit ako sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya ay may inabot siya sa akin na isang kahon. "Ahmm... Para saan po ito?" tanong ko sa kanya matapos kong kunin ito. "Iniimbitahan kitang pumunta sa kaarawan ko mamaya. At gusto kong ang damit na yan ang isusuot mo. May uutusan akong alipin na pupunta sa cabin mo para ayusan ka." sabi niya naman sa akin habang printeng naka upo sa kanyang magarang sofa. "Ngunit mahal na hari---" hindi niya na ako pinatapos na magsalita dahil nagsalita na muli siya. "Kapag sinabi kong pupunta ka. Pupunta ka. Alam mo namang ayaw ko ng tinatangihan sa alok ko." sabi niya sa akin habang naka ngiti. "Ahm... Sige po mahal na hari. Aalis na po ako. Maraming salamat po sa ibinigay niyo." magalang ko namang sagot sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap at inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga. "Sisiguraduhin kong mabibighani si Red sa angkin mong ganda Bella." sabi niya sa akin habang naka ngiti. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Sige na, umalis ka na upang makapaghanda ka para mamaya. Bukas ka nalang ulit bumalik sa trabaho." sabi niya sa akin at itinulak na ako palabas ng pintuan. Ano kayang ibig sabihin niyang mabibighani si Prinsepe Red sa ganda ko? Hindi kaya, alam ni Haring Surt na may pagtingin ako kay Prinsepe Red? Bigla akong napahawak sa pisngi ko habang iniisip at yung mga sinabi ni Haring Surt. Napaka imposibleng mabighani ang Prinsepe sa hamak na katulad ako. Matapos kong maligo saglit sa bukal ay nagtungo na ako agad sa aking maliit na tahanan upang makapaghanda. Isinusukat ko na agad ang damit na ibinigay sa akin ng Hari. Napakaganda ng disenyo nito. Kahit na hangang talampakan ito ay nakikita parin ang isa kong binti dahil sa hati na dalawang dangkal lang layo sa aking bewang. May kumatok sa pinto kaya agad ko itong pinagbuksan. "Oh, Savania naparito ka?" tanong ko sa kanya at tinignan ang kanyang bitbit na basket. "Pasok ka." sabi ko sa kanya kaya pinapasok siya sa loob ng bahay ko. "Ako ang inutusan ng Hari na mag-ayos sayo." sabi niya sa akin at tinignan ang suot kong damit ng makapasok na siya sa aking silid. "Napaka-ganda naman ng iyong kasuotan." sabi niya sa akin. "Salamat. Ibinigay ito ng hari upang maka-dalo ako sa kasiyahan mamaya sa palasyo." sabi ko sa kanya. Bigla namang lumungkot ang kanyang mata sa sinabi ko. "Alam mo Bella, sa tingin ko ay may pagtingin ang Hari sayo." sabi niya sa akin at sinusubukan niyang itago ang nararamdaman niyang selos sa kanyang mga ngiti. "Ano ka ba Savania. Walang pagtingin sa akin ang hari. Sa katunayan itinutulak niya nga ako kay Prinsepe Red. Kasi alam niyang matagal na akong may pag-tingin sa Prinsepe. Tinuturing niya lang akong kaibigan yun lang yun kaya wala kang damat ikalungkot." paliwanag ko naman sa kanya. Kaya nagliwanag ang kanyang mga mata sa tuwa. "Talaga Bella! Napakaswete mo talaga. Ikwento mo sa akin kung anong mangyayari sa kasiyahan mamaya." sabi niya sa akin at sinimulan na niyang ayusan ang aking buhok. Sinamahan ako ni Savania pabalik sa palasyo matapos niya akong ayusan. Marami-rami na ding mga nilalang ang naruon. Kaya mas lalo akong natatakot pumasok. "S-Savania. Pwede bang hindi nalang ako tumuloy. Mukha kasing nakakahiya ako lang ang alipin na dumalo ng kasiyahan." sabi ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa tarangkahan. "Ano ka ba. Kalma lang di ka naman nila kakainin kahit na ang iba dyan ay halimaw. Sige pumasok ka na dahil may trabaho pa ako sa kusina. Hindi kasi ako kabilang sa mga inatasan na magsilbi sa kasiyahan." sabi niya sa akin. "Pero--" magsasalita pa sana ako ngunit tinakpan niya ng kanyang daliri ang aking bibig. "Shh... Napaka-ganda mo ngayon. Minsan lang to mangyayari kaya lubos lubusin mo na. Siguraduhin mong mabibighani sayo ang Prinsepe." sabi niya sa akin sabay kindat. Kumaway na din siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Samantalang ako ay naiwan na naka tayo sa tarangkahan. "May imbitasyon po ba kayo." sabi ng lalaking may ulo ng isang liyon na nagbabantay sa tarangkahan ng palasyo. "W-wala." sabi ko sa kanya. "Pasensiya na ngunit hindi ka maaring pumasok." sabi niya sa akin. "Ngunit sinabihan ako ng Hari na pumunta dito." reklamo ko sa kanya. Naka tingin naman ang iba pang mga bisita sa akin. "Kapag walang imbitasyon bawal pumasok yan ang utos sa amin." sagot niya sa akin. Walang pasabi niyang hinila ang aking pulsuhan dahilan para matisod ako. Hirap akong mag-lakad dahil sa suot kong sapin sa paa. Tumingin ako sa paligid dahil may mga narinig na akong mga hagikgikan. Nakita ko ang mga nilalang na naka tingin sa akin habang may mapaglalait na tingin. Iniyuko ko nalang ang aking ulo dahil sa hiyang nararamdaman ko. "Anong kaguluhan ito?!" maawtoridad na tanong ng familiar na boses. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD