Nang marinig ko ang isang familiar na boses ay iniangat ko agad ang aking ulo upang tingalain ito.
Naka-suot ito ng kulay pula at may halong gintong damit na nababagay sa ginto niyang korona.
"Paumanhin po mahal na hari. Nagpupumilit kasi siyang makapasok." magalang namang sabi ng isang kawal habang naka luhod silang lahat upang mag-bigay galang sa hari.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng kawal at naglakad ito patungo sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay upang akayin akong tumayo.
"Napakaganda mo ngayong gabi Bella. Bagay na bagay sayo ang ibinigay kong damit." sabi niya sa akin nang makatayo ako at pinagmasdan ang kabuohan ko.
"Ma...maraming salamat mahal na Hari." nahihiya kong sabi at napayuko nalang dahil ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.
"Tara na sa loob." aya niya sa akin at inilahad ang kanyang braso.
Nahihiya man ay kumapit nalang ako doon at nagsimula nang maglakad kahit nahihirapan ako sa suot ko sa aking paa.
"Patawad kung nagkaroon ng kaguluhan kanina." paumanhin ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa pinagdarausan ng piging.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad Bella. Nakalimutan kitang bigyan ng imbitasyon." sabi niya sa akin at huminto na kami sa napakahabang mesa na puno ng mga masasarap na pagkain galing pa sa mundo ng mga tao maging sa iba't-ibang mundo.
"May mga kailangan pa akong asikasuhin. Kumain ka muna upang hindi ka mainip sa kakahintay. Babalik nalang ako mamaya." sabi niya sa akin at hinalikan ako sa aking ulo bago umalis.
Dahil mukhang katakam takam naman ang mga nakahanda ay hindi ako nagdalawang isip na kumuha ng aking plato at isa-isa itong tinikman at kumuha nito. Minsan lang itong mangyari kaya lulubos lubosin ko nalang.
Pinuno ko ang isang plato ng masasarap na pagkain at dinala ito sa kusina kung nasaan naroon si Savania.
"Pst!" tawag ko sa kanya ng makita siyang nagliligpit ng mga gamit sa kusina.
"Oh bakit ka nandito baka makita ka ni Morgana na ganyan ang suot. Maiingit yun." sabi niya sa akin na ikinatawa ko.
"Hinatidan kita ng pagkain. Tikman mo masasarap ang lahat ng ito. Dalhan mo na rin si Lolo Marsyas." sabi ko sa kanya at ibigay sa kanya ang dalawang punong plato.
"Sige. Ihahatid ko nalang to tapos babalik lang din ako agad." sabi niya sa akin.
"Bumalik ka nalang muna doon baka hanapin ka ng Hari. Tandaan mo hindi ka pa nakikita si Prinsepe Red." sabi niya sa akin ay at nagmadali nang tinahak ang daan palabas.
Napailing nalang ako bago bumalik doon sa piging.
Habang naglalakad ako ay inililibot ko ang aking paningin sa mga iba't-ibang nilalang na inimbitahan ng Hari sa kanyang karawan.
Boghs
"P-pasensiya na." sabi ko at yumuko sa lalaking nakabangga ko.
"Ayos lang yun binibini. Paumanhin din dahil hindi ako naka tingin sa aking dinadaanan." sagalang niyang sagot sa akin at pinupunasan ng panyo ang nabuhusan niyang damit.
"Nako pasensiya na ako nalang ang magpupunas niyan." sabi ko sa kanya at kinuha ang panyo niya at ako nalang ang nagpunas sa natapong alak sa damit niya.
Hinayaan niya naman ako sa ginagawa ko. At inaya niya akong maupo sa isang mesa upang hindi kami mangalay sa kinatatayuan namin.
"Ano nga palang pangalan mo binibini?" tanong niya sa akin ng matapos kong pumasan ang kanyang damit na purong itim.
"B-Bella..." nauutal kong pangalan.
"Napakagandang pangalan. Sa tingin koy nagmula ka sa mundo ng mga tao." sagot niya naman sa akin kaya agad akong napailing.
"Anak ako ng isang tao ngunit kinupkop ako ni Haring Surtr." sagot ko naman aa kanya. Kalahati non ay katotohanan at kalahati naman non ay kasinungalingan.
"Ah, ganon ba. Ako naman si Lust nagmula ako sa mundo ng Helhiem." sagot niya naman sa akin kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito kaya naman pinamulahan ako at agad na binawi ito.
"Pasensiya na hindi lang kasi ako sanay." sagot ko naman sa kanya at tinitigan ang kanyang mga pulang mga mata.
Para ako nitong hinihigop sa kawalan at napaka nakaka-akit. Kapareho sila ni Prinsepe Red ng kulay ng mga mata. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi ito titigan.
"May dala akong alak na galing pa sa mundo namin. Gusto mo bang matikman. Ito ang pinaka-espesyal sa lahat ng mga alak." alok niya sa akin kaya napatango nalang ako.
Hindi ako umiinom ng alak pero ang mga mata niya ay nagsasabing tikman ko ito dahil napaka-espesyal nito.
May inutusan siyang taga silbi na kumuha ng dalawang kupita. Agad na bumalik ito at ibinigay ang dalawang kupita at sinalinan niya ito ng alak.
"Ahm... Kaunti lang ang ilagay mo. Hindi kasi ako sanay na uminom." sabi ko naman sa kanya at agad niya naman akong sinunod.
Kalahati lang ng baso ang inilagay niya sa aking kupita. Sakto lang na matikman ko ito at hindi ako malasing.
Ipinagdikit muna namin ang aming mga baso bago ko ito ininom. Nakita ko naman ang saglit na pagsilay ng malademonyo niyang ngiti pero agad ko itong ipinagsawalang bahala. Siguro ay namamalik mata lang ako.
"Kamusta ang lasa?" tanong niya sa akin.
"A-ayos naman ang lasa. Hindi kasi ako umiinom ng ganyan kaya hindi ko masabi kong gaano ito kasarap." sagot ko naman sa kanya.
Nagsimulang uminit ang aking pakiramdam kaya naman ay napatayo ako sa aking kina-uupuan.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin na may pag-aalala.
"Oo, pasensiya na hindi lang talaga siguro ako sanay. Magpapahangin nalang muna ako sa labas." sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad.
Agad akong nakaramdam ng kuryente ng hawakan niya ang aking kamay.
"Sasamahan na kita." sabi niya sa akin kaya tumango lang ako at hinayaan siyang samahan ako maglakad.
Nang makarating kami sa koridor at wala na masyadong mga nilalang ay isinandig niya ako sa pader at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga.
"Magiging akin ka ngayong gabi magandang binibini." sabi niya sa akin at ngumiti ng malademonyo.
Sinungaban niya ako ng halik sa aking labi na nagpagdagdag ng init na nararamdaman ko. Sinimulan niyang halikan ang aking leeg at itinaas ang laylayan ng aking damit.
Sinubukan ko siyang itulak at pigilan siya pero hindi ko magawa dahil unti-unti ko nang nagugustuhan ang ginagawa niya.
At nakikita ko rin si Prinsepe Red sa kanya. Kaya hinayaan ko nalang siya.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥