Huminto sa pag-atake pag-atake ang mga kawal dahil hindi nila kayang wasakin ang barier ng Ashgard Wall. "Hindi niyo kayawang wasakin ang Ashgard Wall. Maghintay kayo sa Nicquilter dahil doon ang lugar na paglalabanan ng dalawang panig." sabi ni Skud mula sa itaas kaya agad na nagsitungo ang mga alagad ni Loki sa tinukoy niyang lugar. Sumunod naman ako at pumunta sa unahan kung nasaan naka pwesto sina Lily. "Bakit ngayon ka lang? Ikaw ang mamumuno bilang heneral doon sa pangalawang pangkat." sabi sa akin ni Surtr na nasa pangatlong hanay kasama ang mga hegante ng apoy. "Sila ba ang unang aatake?" tanong ko sa kanya. "Oo, ang mga bungo ng Helhiem. Ikaw ay sa pangalawang pangkat ang mga kawal at Erinyes ng Muspelhiem." sagot ni Surtr sa akin. "Bakit nasa unahan si Rose?!" inis na tanong

