Napailing siya sa sinabi ko. "Wala ni sino man ang kayang gumawa non." sagot niya. "Gusto mong malaman kung anong ikinamatay ni Baldir kaya ka nandito?" sabi niya sa akin saka tumayo. Ano bang trip ng babaeng to? Maganda sana pero parang may sayad lang. Naglakad siya papalapit sa akin at ilang inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad naka kilos. Sa isang gilap lang ay nakita ko nalang siyang naka higa sa damuhan dahil sa lakas ng pagtulak ni Lily sa kanya. "Ano sasabihin mo ba sa amin kung anong dahilan ng pagkamatay ni Baldir!?" tanong ni Lily habang nasa ibabaw siya ng babae habang kine-kwenelyuhan niya ito. "At sino ka nanaman." kalmadong sagot ng babae sa kanya. "Ako lang naman ang anak ng taong nilalandi mo!" inis niyang sagot ha

