Seven

1053 Words
    He sighed. "My dad, lahat ng gusto niya dapat nasusunod," panimula ni Sean "Simula nung sinabi ko sa kanila ni mom na I want to marry the girl I love, doon niya na sinimulan ang pagset-up sakin. I really don't know why." he sighed again "I don't think it's business related, siguro meron talaga siyang dahilan kung bakit niya gustong iset-up ako. But right now? Hindi ko alam kung ano yung dahilan niya."     Niomi felt bad about Sean pero she's amused sa sinabi ni nito dahil bihira nalang sa panahon ngayon na ang gusto ng lalaki ay pakasalan ang isang babae dahil mahal nito yung babae. Karamihan kasi sa panahon ngayon ay mukha lang ang tinitignan ng mga lalaki at kung may kaya ang mga babae.     From that moment, hindi niya na alam ang irereact niya.     Natameme siya. Ang dami niyang gustong tanungin kay Sean pero pagkatapos niya iyon narinig, nawala na siya sa wisyo. Ewan ba niya.     "What about you?" narinig niyang tanong ni Sean.     "A...ah? Me?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit siya nauutal. Ano na ba ang nangyayari sa kanya?     "Why did Joshua broke up with you?" pagpatuloy ni Sean sa tanong nito sa kanya.     Huminga siya ng malalim. Wala naman mawawala kung sasagutin niya ang tanong ng binata.     "Anniversary namin noong araw na 'yon. Ang saya saya ko dahil three years na kami pero nawala lahat ng saya na nararamdaman ko nang sinabi niyang makikipagbreak na siya sa akin." naalala niya ulit lahat ng mga sinabi sa kanya ni Joshua. Naiiyak nanaman siya.     "I want to break up with you, Niomi." direktang sabi sa kanya ni Joshua     Lahat ng tuwang nararamdaman niya mula nang makita niya si Joshua noong araw na 'yon ay nawala dahil sa sinabi nito sa kanya.     Bakit ngayon pa? She asked herself.     Bakit kung kailan third anniversary namin saka niya ito sasabihin sa akin?     Sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili pero wala na siyang magawa, tumulo na ang kanyang luha. Hindi na niya kaya ang lungkot na nararamdaman niya sa oras na 'yon.     "Jo...Joshua, ano ka ba? Third Anniversary natin ngayon... Wag kang magbiro ng ganyan." she tried to smile pero halatang pilit lang ito. She tried to hold back again her tears pero taksil ang kanyang mga luha dahil mas lalo lang siyang naiyak.     "I'm not kidding, Niomi. I really do want to break up with you." ulit pa ni Joshua     Titig na titig ito sa kanya. Dati rati kapag umiiyak siya ay agad pinupunasan ni Joshua ang kanyang mga luha pero iba ang nangyari sa araw na 'yon, hinayaan lang siya ni Joshua na umiiyak siya sa harap nito.     "Josh..."     "I'm serious, Niomi. Nagsasawa na ako. Sawang-sawa na ako. Ayoko sayo. Hindi kita mahal. Hindi naman kita minahal, eh. Pinaglaruan lang kita. You're not even my type. Masyado kang low para sa akin. I don't wa---"     Sobra siyang nasaktan sa mga masasakit na salita na binitawan sa kanya ni Joshua "Oo na! Naiintindihan ko na ayaw mo sa akin! Pero di mo naman kailangan pagdiinan yon! Fine! You want to break up with me? Sige. Kung diyan ka masaya." hindi niya alam kung paano niya iyon dirediretsyong nasabi kay Joshua.     Halo-halo na ang kanyang nararamdaman sa oras na 'yon at wala na siyang pakialam kung kumalat na ang eyeliner niya sa mukha niya dahil sa pag-iyak niya. Hindi na rin naman siya maappreciate ni Joshua eh.     "Sige. Fine. Yan ang gusto ko sayo, masunurin ka." sabi pa ni Joshua sa kanya habang nakaismid. "Alright, diyan ka na. May pupuntahan pa ako." dagdag pa ni Joshua     Pagkatapos niyon ay iniwanan na siya nito ng tuluyan.     It's really over.     Tapos na ang relasyon nila.     "He's a gentleman before. Kaya ang laking gulat ko noong nakipagbreak siya sa akin. Ang sakit eh. First boyfriend ko pa naman siya."     "Pero hindi naman totoo yung sinabi niya sayo. Don't let others define who you are. Ikaw lang ang mas nakakakilala sa sarili mo. A girl like you is a princess. And a guy like Joshua doesn't deserve a princess like you." nakangiting sabi ni Sean kay Niomi.     She sighed. Alam niyang mabait si Sean at marahil sincere ito sa mga sinasabi nito sa kanya pero mahirap na talaga paniwalaan ang mga lalaki ngayon e.     "Sus, sinasabi mo lang yan. Pero later on..."     "Iba ako, Aemie. Wag mo akong itulad kay Joshua. Magka-iba kami." pinagdiinan ni Seungcheol.     "Oo na, eto naman di mabiro." natatawang sabi niya "Nga pala, bakit nakahiwalay ka ng bahay sa mom at dad mo?" iyon ang isa pang pinagtataka niya. Bakit siya nakahiwalay sa magulang niya? Ang bata niya pa para bumukod sa magulang niya.      Niomi's already twenty years old at nasa poder pa rin siya ng kanyang mga magulang. Kahit na may condo unit na siya, lagi pa rin siyang nasa bahay ng magulang niya. Every weekends lang siya nasa condo unit niya at every weekdays nasa bahay siya ng magulang niya.      Hindi niya maiwasang mamangha kay Sean na mag-isa lang sa bahay nito. Independent na talaga.     "Nice question." sabi nito sa kanya kaya hinampas niya si Sean dahil tila nang-aasar pa ito sa kanya "I told you while ago na gusto ni dad na lagi siyang nasusunod. At ayokong panghabang-buhay ay sumusunod lang ako sa kagustuhan ng dad ko," he sighed "The moment I turned twenty-one years old, I bought myself a simple house, and a car. Pinag-ipunan ko 'yon. Nagtrabaho ako ng maigi sa kompanya nila dad para doon dahil habang nasa bahay ako nila dad, kokontrolin lang niya ako...."     "So you mean, lahat ng expenses mo ay ikaw ang nagbabayad non? Pero nagtatrabaho ka pa rin sa company ng dad mo? So it means kontrolado ka pa rin niya?"     "Yes, ako lahat nagbabayad sa expenses ko. Pero no, I don't work for my dad anymore. When I turned twenty-one years old, I also started my own business. I still visit my dad's business dahil kailangan eh pero I'm not under his control anymore."     Tumango naman siya bilang sagot.     "I have one last question for you. Curious lang talaga ako eh." sabi pa ni Niomi     Tinignan lang siya ni Sean na para bang sinasabi nito na 'go ahead'     "Bakit ayaw mong alamin ang pangalan ko?"     Sean smiled.     He was about to answer Niomi's question pero bigla namang bumukas ang elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD