ANTHEA'S POV Umakyat ako pabalik sa taas, pilit pinipigilan ang luha, pero sa tindi ng sakit—bumigay rin ako. Hindi ko na napansin ang taong paparating sa hallway. BLAG. Nabangga ko siya. “So-sorry, hindi ko sinasadya...” Napatingin ako sa mukha ng lalaki. Matangkad. Disente ang bihis. May edad na—siguro nasa late fifties o early sixties. Hinawakan niya ako sa braso para alalayan. “No, it’s my fault. Hindi kita naiwasan.” Tahimik siyang tumitig sa akin, parang sinusuri ang mukha ko. May kabaitan sa mata niya, pero may halong pagtataka rin. “Ahm... you must be Mrs. X, right?” Tahimik akong tumango. Napalinga-linga siya sa paligid. “I’m looking for my wife, Vie,” mahinahong sabi niya. Napakagat-labi ako. Alam ko kung nasaan si Vie. At alam ko rin kung anong ginagawa nila ni

