ANTHONY'S POV "Anthony, isama mo ang lalaking iyan pabalik ng maynila. Kailangan nating kontrolin ang sitwasyon. Siguraduhin mong hindi siya makapagsasalita. Papalabasin nating kinidnap at ginahasa niya ang kapatid mo. Kailangang malayo tayo sa anumang kahihiyan. Para matuloy pa rin ang pagpapakasal ni Anthea kay Mr. Renato Villaruel." Ito ang itinawag sa akin kanina ni papa. Saglit na natahimik ako, ramdam ko ang bigat ng utos niya. Pero alam kong kailangan itong sundin. Napatingin ako sa labas ng bintana habang binabaybay ang kalsada pabalik ng Maynila kasama ang lalaking ito. Tahimik sa likuran ng SUV. Nawalan siguro ng malay ang g*g*. Napangiwi ako. Duguan ang upuan, bakas ng marahas na pagbugbog sa kanya. Naririnig ko ang mahinang paghinga niya – halos pahina ng pahina. "Boss, ma

