ANTHEA'S POV Umuwi muna ang ibang barkada at ka team ni Exiel. At magkikita na lang raw sa tagpuan nila. Ako, busy pa ako sa ginagawa ko. Handa na ang iba. Maya-maya ay may dumating. Ang dalagitang si Flora. Napinsan ni Exiel. Ito yong dalaga kahapon. Naka-suot ito ng maigsing shorts, crop top at may bitbit na tote bag. Naka-brim hat. Parang ready na rin para sa paliligo sa ilog. Lumapit sa akin si Lovely. Nakataas ang isang kilay parang hindi makapaniwala sa nakikita niya. "OMG!" Mahina niyang sabi. "Paano kaya nalaman ng haliparot ang lakad natin?" "Ha? Baka may nakapagsabi sa kaniya. O baka naman ay ininvite, ni Exiel?" Sabi ko. Habang abala sa ginagawa ko. Umiling si Lovely. "No. Alam kong hindi siya ininvite ni Cap. Itchuserang palaka lang kasi talaga ang haliparot na yan.

