EXIEL'S POV
Mabilis ko pinaharurot ang tricycle sa highway.
Sumakit ang kamao ko sa pagsuntok sa mukha ni Alfred.
Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko akalain na gagawin ni Raquel sa akin ito.
"Matagal na kami may relasyon ni Alfred, Exiel. Si Alfred ang mahal ko." Anito.
Parang gumuho ang buong mundo ko ng marinig ko mula sa bibig niya ang katotohanan. Si Alfred ang gusto niya.
At si Alfred ang mahal niya.
"Wala siyang mahihita sayo, Exiel. Anong ibubuhay mo sa kaniya? Ang pagbabyahe mo ng tricycle? Ano ang ipapakain mo? Ang malaki mong t*t*? Hindi siya karapat dapat sayo. Hindi kagaya ko. Kilala." Hawak nito ang panga niya. Dahil sa suntok ko.
Susugurin ko pa sana siya. Kaso nakaharang si Raquel.
"Umalis ka na, Exiel. Hindi ako magpapakasal sayo." Hawak niya si Alfred at tinignan ang mukha nito.
"Raquel, pag-usapan natin, to. Alam mo kong gaano kita kamahal." Halos magmakaawa ako kay Raquel.
"Umalis ka na, Exiel. Alam mo na ang totoo. Hindi ka niya mahal. Ako pinili niya." Nakangisi si Alfred.
Humakbang ako paatras. Alam ko na hindi na magbabago ang isip ni Raquel.
At pagkatapos ay tumakbo na ako palabas.
Bumalik ako kung saan ko ipinarada ang tricycle ko. Pinatakbo ko ito ng mabilis.
Napadaan ako sa talyer. Nakita ko sila Enrico, Javier, at Dong. Mga kasama kong tricycle driver sa TODA.
Nag-iinuman ang mga ito. Nagulat sila ng dumating ako.
"Oy, Exiel.....tagay....." Inaaya palang ako ni Dong ng bigla kong inagaw ang baso ng alak at tinungga ko ito. Nagulat sila.
"Anyare sayo, pre. Next week pa yong mahal na araw bakit byernes santo na yang mukha mo?" Sabi ni Enrico.
"Ang sakit!" Gusto kong humagulgol. Pero pinigilan ko. Napaupo ako sa tabi nila. Tinuro ko ang dibdib ko. "Ang sakit-sakit, P*t*ng*n*!" Bigla ko kinuha ang bote na wala ng laman at ibinato ko ito. Basag.
Nagulat sila sa ginawa ko.
"Easy, pare. Huminahon ka. Ano ba nangyari?" Tanong naman ni Javier.
"Porke ganito lang ang estado natin sa buhay.....wala na tayong kwenta?"
Hinayaan nila ako magsalita.
"Sige, pare ilabas mo yan. Huwag mong itago. Ano ba nangyari?"
"Hindi ako mahal ni Raquel. Pinagpalit niya ako kay Alfred "
Nagulat sila sa sinabi ko.
"Ikakasal na kayo di ba?" Sabi ni Dong.
"P*t*ng*n* nila! P*t*ng*n* sila!" Sunod sunod kong nilagok ang alak. Hanggang nakaramdam na ako ng pang-mamanhid.
"Simula ngayon, hindi na ako magtitiwala sa babae!"
"Huwag mo naman lahatin, pare. May babae naman dyan na magsasakripisyo para sayo. At hindi si Raquel iyon. Siya ay hindi para sayo. Dahil siguro ay mapaghanap siya. Mabuti nga yan na maaga palang alam mo na ang nangyari. Kasintahan mo pa lang siya. Mabuti hindi pa kayo kasal. Mas masakit kung asawa mo na siya at ginawa niya iyon." Sabi naman ni Enrico.
Lumalim ang gabi at naparami ang inom ko. Ako ang lango sa aming apat.
Hindi ko alam kong paano ako nakauwe.
Nagising nalang ako sa tawag ni Inang.
Tanghaling tapat na.
"Exiel, Exiel. Nandito ang Tiya Juana mo. Galit na galit. Ano ba ang nangyari?"
Pag-alala ni Inang.
Bumangon ako. At nakaramdam ako ng sakit ng ulo.
Lumabas ako ng kwarto ko.
Bumungad agad si Tiya Juana. Galit na
galit. Nagtatalak.
"Exiel! Anong ginawa mo kay Alfred? Sinuntok mo siya sa mukha! Dapat nga matuwa ka dahil sa mas prominanteng tao mapunta si Raquel. Sa pinsan mo. Hindi katulad mo. Walang disposisyon sa buhay. Mabuti nga at mabait pa ang pinsan mo sayo. Hindi ka pinatulan. Hindi katulad mo basagulero!" Bumaling ito kay Inang. "Januaria, kausapin mo yang anak mo!" Dinuro-duro niya ako. At umalis na ito.
Napakuyom lang ako ng kamao.
"Exiel. Totoo ba? Hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Raquel?"
Tumango ako. "Pinagtaksilan ako ni Raquel, Inang. Matagal na pala sila may relasyon ni Alfred."
Tahimik lang si Inang.
Tinanong ko si Inang kung paano ako nakauwe. Alam kong sobrang lasing ako kagabi.
Sabi niya ay hinatid ako nila Javier. Pati ang tricycle ko.
Ilang buwan ang lumipas at nabalitaan ko na lang naikinasal na si Raquel at Alfred.
Hindi na kami inimbita sa kasal saka sina Inang at Tatang baka masira pa daw ang pagsasaya nila.
Nagfocus na lang ako sa trabaho ko.
Byahe ng tricycle, Talyer. Byahe. Talyer.
Kahit gabi nagbibyahe ako. Para mawala lang ang sakit na nararamdam ko. Sa trauma ko sa pag-ibig. Kaya sinabi ko sa sarili ko hindi muna ako magtitiwala sa babae.
Isang gabi.
Kumakain ako sa karinderya ni Aling Lucia. Nakapila ang tricycle ko habang nag aabang ng pasahero. Dumaan ang bus na galing maynila. At nagsibabaan na ang mga pasahero. Nagsisakay na sa tricycle.
Tinapik ako ni Dong. Habang humihigop ako ng sabaw. "Exiel, may pasahero na dun sa tricycle mo."
Napalingon ako. Hindi ko makita ang mukha ng pasahero dahil nasa loob ito. Babae. At may dalang maleta.
"Hayaan mo siyang mag-antay. Tatapusin ko muna tong hapunan ko. Ang sarap ng luto ni Aling Lucia, e."
"Huwag mo na akong utuin, Exiel. O, ayan ang listahan mo. Bayaran mo na ito at mahaba-haba na naman ito" Talak ni Aling Lucia.
Tinignan ko ang listahan. "Magkano na po ba lahat iyan, Aling Lucia?"
Kinumpyut ni Aling Lucia ang utang ko. "Nasa Five hundred sixty na lahat kasama ng kinain mo ngayon."
"A, ok po. Sige po babayaran ko na po." Dinukot ko ang wallet ko. Tapos kinuha ko ang pera. "Ito po, Aling Lucia. Yong Sixty lang po muna."
Pagkaabot ko ay bigla niya ako binato ng tinapay na display niya. "Walanghiya ka, Exiel! Akala ko babayaran mo na lahat!"
Nagtawanan sila Enrico, Javier at Dong.
"Si Aling Lucia, talaga mabuti nga binabayaran ka ni Exiel." Ani Dong.
"Isa ka pa. Pare-pareho lang kayong magbabarkada. Binibweset niyo paninda ko. Umuwe na nga kayo!"
Bulyaw pa nito.
Lumapit na ako sa tricycle ko.
Nakita ko ang mukha ng babae. Maganda ito. Maputi. Matangos ang ilong. Akala mo anghel na bumaba sa langit. Nagtama ang amin paningin.
Mamula mula ang labi nito. Pero ang mata niya ay parang namumugto. Parang kagagaling lang sa pag-iyak.
Binawi agad ng babae ang tingin niya.
Sumakay na ako agad sa tricycle at pinaandar ito. Tinanong ko siya.
"Miss, saan ka ba magpapahatid?"
Tumingin siya sa cellphone niya. Tapos nagsalita.
"Manong, pwede bang ihatid mo ako sa Sulvec?"
Manong? Mukha na ba akong Manong? Sabagay. Medyo humaba na ang buhok ko at nagpatubo ako ng balbas.
Pinabayaan ko na ang sarili ko.
"Saan sa Sulvec? Medyo malayo na nga yan dito, Miss dapat hindi ka muna bumaba ng bus."
"Babayaran ko po kayo ng malaki, Manong."
Pumayag ako. Kahit na malayo. Medyo gabi na din kasi.
Mahaba ang tinahak namin madilim na din sa highway.
Pagdating namin sa Sulvec. Tinanong ko siya kung saan. Hindi na siya sumagot.
Inihinto ko muna sa tabi ang tricycle ko.
"Miss, Naririnig mo ba ako? Nandito na tayo sa Sulvec. Saan ka ba rito?" May inis na sa tono ng boses ko.
"Kahit saan, Manong. Kahit saan mo ako dalhin. Kahit gahasain mo na ako. Patayin. Okay lang sa akin."
Napanganga ako sa sinabi niya. "Aba, Miss, mukha lang akong hoodlum pero hindi ako kriminal. Kung may problema ka, huwag mo ako idamay sa problema mo." Napahawak ako sa batok ko. Magkakaproblema pa yata ako rito sa pasaherong ito.
Bumaba siya ng tricycle. Pati maleta niya. Kumuha siya ng pera sa bag niya at binigay ang bayad. Limang libo.
"Teka, Miss sobra itong bayad mo."
Binalik ko ang apat na libo.
"Hindi na, Manong. Tama lang po iyan. Thanks. Nabigyan pa kita ng problema."
Umupo siya sa may waiting shed.
Umalis na ako. Ilang minuto na ako nagdadrive. Ewan ko kung bakit napaisip ako. Hindi ako mapakali. Paano kung may mangyari sa kaniya roon. Wala pa naman na may nagdadaan na sasakyan at madilim sa lugar na iyon.
T*ng*n* ka talaga, Exiel, o. Lumambot na naman ang puso mo. Akala ko ba ayaw mo na magtiwala sa babae?
Bumalik ako. Binalikan ko ang babae.
Pagkadating ko. Wala na siya roon. Sh*t! saan kaya iyon? Kinabahan ako.
Dumeretso pa ako. Sa di kalayuan nakikita ko siya naglalakad hila hila ang maleta niya.
Tinawag ko siya. "Miss! Sumakay ka na sa tricycle ko."
Napalingon siya. "Huwag na po. Baka maabala ko pa kayo. Hayaan niyo na po ako." Deretso pa rin siya sa paglalakad.
"Hindi, Miss sumakay ka na. Baka may mangyari pa sa iyo diyan. Masisi pa ako. Ako pa naman ang huling nakitang kasama mo."
Napahinto siya.
Inihinto ko na rin ang tricycle.
"Akala ko wala kang konsensya." Anito.
Bumaba ako ng tricycle at tinulungan ko siyang buhatin ang maleta niya.
Nagdikit ang kamay ko sa kamay niya.
Nakaramdam ako ng daloy ng kuryente na hindi ko alam.
Bigla ay binitawan niya ang maleta.
"Akala ko ayaw mong madamay sa problema ko." Anito.
"Kung ano man yan, ipagpabukas mo na."
Dinala ko siya sa bahay. Halos maghatingabi na ng makauwe ako kasama ng pasahero ko.
Nagulat sina Inang at Tatang sa kasama ko.
" Pumasok ka muna." Bitbit ko ang maleta niya.
"Exiel, anak. Bakit gabing gabi na at ngayon ka pa lamang nakauwe? At sino ang binibining ito?"
Nakangiti sina Inang at Tatang. Mukhang aliw na aliw sa babaeng kasama ko.
"Inang, Tatang. Pasahero ko po. Hindi niya alam kong saan siya magpapahatid kaya inuwe ko muna rito." Paliwanag ko.
"Makikitulog muna siya rito. Bukas ko na siya ihahatid sa kung saan niya gusto." Inis kong sabi.
Nagtagpo ang paningin namin.
"A, e. Pasensiya na po sa inyo. Naabala ko pa po kayo. Kahit ngayong gabi lang po." Anito.
"E, di. Exiel, Doon mo na siya patulugin sa kubo mo sa likod." Sabi ni Tatang.
Nagulat ako sa suggestions ni Tatang. "Ha? Bakit po doon. Exclusive po iyon."
"Alangan diyan sa silid mo. Ang kalat kalat ng kwarto mo." Sabi naman ni Inang.
"Ok lang po kahit saan ako. Kahit dito na lang po ako sa sala."
Nagtama ulit ang paningin namin. Hindi ko alam bigla akong nakaramdam ng kiliti sa dibdib ko.
Binawi niya naman ito kaagad.
"Ano nga pala pangalan mo, iha?" Tanong ni Inang.
"A-Anthea po."