ANTHEA'S POV Unang Laban. Team Exiel vs. Team Dino. Mainit ang araw pero mas mainit ang energy ng buong barangay. Punung-puno ang bleachers, pati ang mga rooftop ng tindahan may mga nakasampa nang manonood. Nakatayo kami sa gilid ni Lovely habang ang unang laban ng team nila Exiel ay nagsisimula. Si Exiel, bilang team captain, ay kitang-kita sa gitna — focused, matikas. Nang sumipol ang referee, agad nagsimula ang tensyon. First Quarter. Mabilis ang galawan ng Team Dino. Mayabang ang point guard nila — si Dino — at tuwing nakakashoot siya, diretso ang tingin kay Exiel. "Bweset,” bulalas ni Lovely. “Mukhang mapapalaban na naman si Cap ah.” “Bakit?” tanong ko. “Alam mo kasi nagkakairingan yan sa court si Dino at Exiel. Mayabang ’yan si Dino. Gusto niyang patunayan na mas magaling s

