INIISIP ko pa rin iyong picture na nakita ko kanina. Ewan ko ba kung bakit. Kung tutuusin, hindi ko naman dapat isipin iyon. Picture lang 'yon. Ang mahalaga, napasma na naman ang labi ko sa halik ni Lucio.
He's not really a playboy pero ako ang living proof na napakagaling niyang humalik. May pagdila, paghigop at kulang nalang lamunin niya ng buo ang labi ko.
"Do you really need to go there?"
Ngumiti ako kay Lucio. "Oo, kasi narito ang mga friends ko. Minsan lang kami mag-bonding pero once mag-set sila, hindi pwedeng hindi pupunta."
"Why?"
Kumunot ang noo ko. "Because they are my friends. Anyway, lalakarin ko na mula rito then you can go home. Mahirap na, baka magpunta si Kelly at makita ka pa rito. Baka kasi kilala niya ang kotse mo."
"I'm using my father's car."
Kaya pala napansin ko kanina na parang nag-iba ang kulay ng kotseng sinakyan namin.
"Hm, kahit na. You can go, Lucio. Para makatulog ka na rin. Gabi na."
"It's late, yes. But you will still hang out with your friends?"
Hay, Lucio. Huwag kang pa-fall. Ay, fall na fall na nga pala ako sa kaniya.
"Gano'n talaga kami. And besides, nasanay na kami na kahit magpuyat kami or uminom, maaga pa rin kaming nagigising kinabukasan lali na kapag may work kami." Sabi ko.
Inayos ko ang dala kong slingbag.
"I see."
"Bababa na ako. Hindi ba mayo magkikita ni Kelly?"
"We'll meet tomorrow."
Ouch naman. Akala ko ako lang. Charot, ako nga pala ang kabet.
"Sige. Thank you sa paghahatid, Lucio. Thank you ulit sa family mo. Na-enjoy ko iyong dinner kanina. Ingat pauwi." Kumaway pa ako sa kaniya.
He just nodded at me saka tuluyang umalis.
Naglakad na ako papunta sa building kung nasaan ang condo ni Maleha. Medyo malayo layo kasi ng kaunti ang binabaan ko. Nag-iingat lang ako. Mahirap na. Once na may makakita sa mga kaibigan ko na may binabaan akong kotse, magtataka sila at hindi nila ako titigilan hangga't hindi nila nalalaman.
Naalala ko tuloy noong isang beses na nag-grab ako kasi hindi ako nakapagpa-gas ng kotse ko. Naloka ako dahil halos magdamag nila akong paulit-ulit na pinaamin kung sinong lalaki ang naghatid sa akin. Kung hindi ko pa pinakita ang history ng pag-grab ko, hindi sila maniniwala.
Nang makarating ako sa building ay pumasok ako sa lobby. Kilala na naman ako rito kaya sanay na sa akin ang receptionist. Hindi na nila ako hinihingian ng ID.
Sumakay ako sa elevator.
Napangiti ako bigla. Grabe 'yung pag-welcome sa akin ng family ni Lucio. Ramdam na ramdam ko lalo na kaninang dinner. Lahat sila, hindi ipinaramdam sa akin na hindi ako belong. Kahit alam kong nagsinungaling si Lucio sa pagpapakilala na girlfriend niya ako, naging masaya ako.
Imagine, kinuha ng patagk ng nanay ni Lucio ang cellphone number ko. Gusto daw niya akong tawagan paminsan minsan pr anytime daw na kapag gusto niya akong i-invite sa bahay nila, gusto niyang ayain ako ng direkta sa akin. Nakaka-touch.
Bumaba na ako ng elevator. Tinungo ko ang condo unit ni Maleha. Nang marating ko ay pinindot ko ang door buzzer.
Agad naman iyong bumukas.
"Cath!" Tuwang tuwang sigaw ni Maleha saka ako niyakap. Akala mo ang tagal hindi nagkita.
"Wait," aniya nang maghiwalay kami ng yakap. "Amoy lalaki ka, girl. Saan ka galing ha?"
Pinandilatan ko siya ng mga mata. Grabe naman ang ilong ng babaeng 'to.
"Sshh.." sabi ko.
Actually, gusto kong i-kwento ang lahat kay Maleha. Wala naman sigurong masama na malaman niya ang set-up namin ni Lucio. Sa aming magbabarkada, si Maleha lang ang pinakamalapit sa akin na wala kaming tinatagong secrets sa isa't isa. Siya rin lang ang nakakaalam na mahal ko si Lucio noon pa at neber iyon nakalabas.
Iba pa rin kasi kapag may nakakaalam ng sitwasyon mo.
"Catherine, ano na gabi na!" Sabi ni Jero na may hawak na bote ng alak.
"Lasing na yata kayo." Sabi ko. "Uhaw na uhaw sa alak?"
Nagtawanan sila.
"Cath, ikaw kasi e. Ayaw mo kasing pagbigyan ang pag-ibig ni pareng Sam sa 'yo. Busilak ang puso niya, maniwala ka!" Sabi ni Rocky na mukhang may tama na rin.
Tumatawa lang din si Sam. He's a great guy. Wala naman akong masasabing hindi maganda sa kaniya. Pero hindi naman porke gusto niya ako, dapat ko na siyang gawing boyfriend. Kaibigan ko siya at alam ko sa sarili ko na iyon lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Isa pa, ayokong masira ang friendship namin.
"Dito ka nga bruha. Hayaan mo sila d'yan. May mga tama na sila." Hinila ako ni Maleha sa may terrace.
May coffee table dito at medyo malaki. Umupo ako sa isang upuan.
Iniwan ako ni Maleha. Pagbalik niya ay may dala na siyang pizza at chips. Muli siyang bumalik sa loob at pagbalik niya dito, dalawang san mig light naman ang dala niya.
Uminom agad ako ng beer dahil bukas na iyon.
"So anong chika?" Panimula ni Maleha.
"Si Kelly, wala?" Tanong ko.
"Asa ka pa do'n e alam mo namang minsan nalang iyon sumasama sa atin." Sabi niya.
Kung sabagay, totoo naman. Madalas ko lang makasama si Kelly kapag bigla nya akong tatawagan para magpasama sa mall para mag-shopping at kung anu ano pa.
"So saan ka galing?"
"Sa trabaho." Sabi ko saka kumuha ng isang slice ng pizza saka kinagatan iyon.
Bakit kaya ang daming ayaw ng pineapple sa pizza? Ang sarap kaya.
"Umamin ka sa akin. Saan ka galing?"
"Sa trabaho nga."
"Maaaga ang labas mo sa trabaho. Anong oras na oh!"
Ngumuso ako. "Overtime."
"Huwag ako, girl. Overtime? Hindi ka naman hayok sa sweldo dahil wala ka namang biyfriend na ginagastusan. Sina Tita at Tito, hindi na ganoon kalaki ang pinapadala mo sa kanila monthly kasi may kabuhayan na sila doon na ipinundar mo."
"Ang daming sinabi." Sabi ko saka uminom ng beer. "Bawal na ba ma-late? May tiningnan kasi ako sa mall."
"Girl, tama na. Hindi ako maniniwala sa excuses mo. Hindi mo ugaling mag-mall. Pupunta ka lang doon kapag may kailangan ka talaga at kapag nagpapasama si Kelly."
Huminga ako ng malalim. Kilalang kilala na niya talaga ako. Si Kelly ang bestfriend ko dahil siya ang una kong naging kaibigan pero kung titingnan ngayon, parang si Maleha pa ang bestfriend ko.
"May aaminin ako pero sana huwag mo akong i-judge." Panimula ako.
Wala nang atrasan 'to. Sasabihin ko na sa kaniya ang tungkol sa amin ni Lucio.
"Kailan kita ni-judge, aber? Never kong gagawin 'yon dahil kaibigan kita."
"Sweet naman pala." Sabi ko.
"Ano na, chika mo na 'yan."
Tumikhim ako. Iyong kaba sa dibdib ko nagsisimulang lumakas.
"Si Lucio.... at ako."
Nanlaki ang mga mata niya. "May secret affair kayo? OMG. OMG! Tama ba? Waaaa congrats girl!"
Hindi ko alam kung babatukan ko 'tong si Maleha e. Anong klaseny reaksyon 'yan. Ang saya pa niya.
"Wala kaming secret affair."
"Sayang naman!"
"Pero..."
"Pero ano? Waaaa, nakaka-excite! Finally, madidiligan ka na, girl!"
Sinamaan ko ng tingin si Maleha.
"May situation kasi. May problema si Lucio. Alam mo 'yun. Kasi hindi na pala siya ano... 'yung ano niya, hindi na tumitigas."
Nakakunot ang noo niya. "Iyong ano niya? Hindi na tumitigas? Tit─"
Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang ingay mo! At saka ano ba 'yang bibig mo, ang bastos. Ang tino tino mong babae, umayos ka, Maleha." Bulyaw ko.
Hindi kami pwedeng marinig ng mga lalaki sa loob. Hindi naman nila kami iintindihin e. Iyon ang gusto ko sa barkadang lalaki. Hindi sila tsismoso.
"So 'yun nga? Iyong precious alaga niya? Hindi tumitigas? Bakit naman?!" Tanong niya.
"Ewan ko ba, basta daw nasipa iyon noon ng ex niya. Three years ago."
"O tapos, anong kinalaman mo do'n?"
Muli akong huminga ng malalim. "Noong birthday ni Kelly. Sa condo niya 'di ba. Nauna kayong umalis at naiwan kami. Ang bili ng pangyayari na humantong nalang kami bigla sa kama."
"What the─you mean? Threesome?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Walang threesome, ano ka ba! I mean we did it. We had s*x. Noong gabing iyon, bigla siyang tinigasan sa akin." Pag-amin ko.
Napanganga siya. "Oh my gosh! Totoo ba? E naroon si Kelly ah!"
"Nakatulog si Kelly dahil sa kalasingan." Sabi ko.
"At nagjugjugan kayo habang lasing at tulog si Kelly? Oh my, girl! Iba ka! Ang bongga mo sa para na iyon!"
"Ganyan ang magiging reaksyon mo? Hindi ka man lang magagalit sa akin dahil mali ang ginagawa ko?" Tanong ko. "We agreed to be s*x buddies. Naisip niya kasi na baka makatulong na bunalik na sa nirmal iyong ano niya."
Umiling siya. "Sarili mong buhay 'yan. Sarili mo ring pempem 'yan so bakit ako magagalit? Buhay mo 'yan at nasa tamang edad ka na para magdesisyo para sa sarili mo. Masama ang s*x buddies na 'yan masi syempre puri mo 'yan pero paano mo nga naman kasi matatanggihan iyon kung ikaw lang ang makakatulong sa kaniya."
Hindi ko akalaing ganito ang magiging rekasyon niya dahil siya ang pinakamatino sa aming magkakaibigan.
"Hindi naman sa sinasabi kong tama ang ginagawa iyo pero may reason naman e. Hindi mo naman kasalanan na ikaw ang bet ng talong niya."
Natawa ako sa sinabi niya. "Gulat ka ba? Hindi mo akalain 'no?"
"Oo nga, omg, kumusta pala ang puso mo!? This is your chance na mapalapit sa kaniya, girl."
"Ano ka ba! May deal lang kami pero hindi ako naghahangad ng mas higit ro'n. Saka seryoso siya kay Kelly."
"Pero teka nga, so walang ibang nakakaalam nito. Paano kung malaman ni Kelly?" Tanong niya.
Uminom ako ng beer. "Actually, iyon ang biggest fear ko ngayon. Sa 'yo ko lang 'to sinabi kasi may tiwala ako sa 'yo."
"Oo naman, girl. Saka sa tinagal tagal kong hinawakan ang secret mong pagmamahal kay Lucio, never ko iyong ipinagsabi. Ayokong masira ang matagal na nating pagkakaibigan dahil lang sisirain ko ang tiwala mo sa akin."
"Aw, ang sweet mo talaga, Maleha." Sabi ko.
"So, ibig sabihin ba, galing ka sa jugjugan with Lucio."
Pinandilatan ko soya ng mga mata. "Hindi 'no! Inaya kasi niya ako sa bahay nila and nagdinner lang naman."
"Ang kabog naman! My meeting with family agad! Kinabog ko si Kelly."
"Nakokonsensya nga ako e. Imagine mi bestfriend ko si Kelly. Para akong kabet sa relasyon nila."
She took a deep breath. "Well, hindi mo din naman inaasahan iyong mga pangyayari e. Siguro ang masasabi ko lang, mas maigi kung hihiwalayan nalang niya si Kelly."
Tumahimik na ako. Iyon naman talaga dapat ang gawin niya pero kailangan oa niya si Kelly sa business niya.
Ngumiti ako sa kawalan saka uminom muli ng beer. Inubos ko na ang natitirang laman ng bote.
Ang sarap din sa pakiramdam na mailabas iyong nararamdaman mo.
"Pero girl, hindi ka ba natatakot para sa puso mo? Syempre mahal na mahal mo siya. Twelve years, girl. Tapos may mga pagkakataon na makakasama mo siya, paano kung lamunin ka ng pagmamahal mo sa kaniya at malubog ka? Paano ka aahon?"
Pasimole akong ngumiti. "Una palang, tinanggap ko ma sa sarili ko na hindi porke mahal ko siya ay dapat mahal niya rin ako. Alam ko ang limitasyon ko, Maleha. May deal lang kami at hanggang doon lang iyon. I admit, I will savour every moment with him pero naka-set na sa isip ko na bawal akong lumagpas. Hanggang doon lang."
"Basta ako, narito lang ako, girl. Kapag kailangan mo ng advice and all. Handa akong makinig sa lahat ng kwento mo. Basta mag ingat ka lang dahil hindi maganda ang kalababasan kapag nalaman ni Kelly."
"I know."
Si Maleha iyong akala mo tino-tolerate ka sa maling ginagawa mo pero nakaantabay lang siya at ginagalang niya lang ang naging desisyon ko. Alam kong nag-aalala din siya para sa akin at alam kong anytime, nariyan lang siya.
"Marami ka pang iku-kwento sa akin. Gusto ko full details mula sa kung paano siya tinigasan sa 'yo. I need to know every details." Aniya.
Natawa nalang ako. Mukhang mahaba habang gabi ang ilalaan namin sa pagku-kwentuhan.
Kahit papano, masaya ako na may isang tao na mapagsasabihan no ng ganito katinding sikreto.
"Kukuha lang ako ng beer pa." Paalam niya.
Napailing na lamg ako. Tumunog naman ang phone ko. Dinukot ko iyon sa sling bag ko saka tiningnan iyon.
Message sa f*******: messenger. Palagi lang kasing nakabukas ang mobile data ko.
Lucio Vin Palermo
Can you send me a message if you're done there? I'll stay awake until you gets home. You can also tell me if you want me to go there and drive you home.
Napalunok ako. Ang lakas ng bawat pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'tong nababasa ko.
Lucio, bakit ka ganyan...