ANG LAKAS lakas ng kabog ng dibdib ko habang binabasa ulit iyong message ni Lucio kanina.
Narito na ako sa apartment ko. Inihatid ako nina Sam at ngayon, iniisip ko kung kailangan ko ba talaganh ipaalam kay Lucio na nakauwi na ako. Hindi ba talaga siya matuulog hangga't hindi ako nakakauwi?
Binasa ko iyong reply ko sa kaniya kanina.
Okay lang ako, Lucio. Ihahatid naman ako ng mga kaibigan ko. You can sleep now. Maya maya pa ako uuwi.
Wala siyang reply so siguro, nakatulog na talaga siya? Pero paano kung hindi pa at hinihintay nya ang message ko?
Message ko nalang. Wala naman sigurong masama na i-inform ko lang siya na nakauwi na ako.
Nagtype ako ng message.
Catherine Reyes
Apartment na ako, Lucio. Goodnight.
Okay, sent. Ang tindi naman ng pagkabog ng dibdib ko. Aminado naman ako na bawat ginagawa o sinasabi ni Lucio, maliit man na bagay o malaki, ang laki ng epekto sa akin.
Sa reality, hindi naman talaga kami mag-jowa e. May deal kami at hindi naman ginusto ni Lucio na maipakilala akong girlfriend niya sa pamilya niya. Iniiwasan niya lang na may magduda dahil iyon nga ang first time na nagsama siya ng babae sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang phone ko. He's calling!
I cleared my throat and answered his call through messenger.
"Lucio..."
"Hey,"
Napalunok ako. "Ano, ah, gising ka pa pala."
"Waiting for you to get home."
Hinintay niya talaga akong makauwi? Ang puso ko, nagwawala!
"Kaka-message ko lang sa 'yo na, hmm, narito na ako sa apartment."
"Yeah. I know."
Okay, ano ang dapat ko pang isagot?
"Halos madaling araw na, Lucio. You can sleep now. Pasensya ka na kung kinailangan mo pa akong hintaying makauwi." Sabi ko.
"Can you go out for five minutes?"
Kumunot ang noo ko? Bakit ako lalabas?
Napabalikwas ako sa higaan ko saka sumilip sa bintana at halos malaglag ang eye balls ko nang makita ko si Lucio sa labas.
What the hell? Bakit siya narito?!
Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin saka huminga ng malalim.
"L-Lalabas na ako, Lucio." Sabi ko saka pinutol na ang tawag.
Lumabas ako ng apartment ko saka binuksan ang gate. Sinilip ko si Lucio na nakasandal sa kotse niya.
Mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Luc─"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumungo saka ako siniil ng halik.
Nananaginip ba ako? Alam kong nakainom ako kanina pero hindi naman sobra kaya nasa matinong isip pa ako.
Ramdam na ramdam ko ang mapusok na paggalaw ng labi niya. Sinabayan ko ang halik niya. He wrapped his arms around my waist saka mas diniinan ang paghalik sa akin.
Hindi ko man alam kung bakit ginagawa ito ni Lucio, gusto kong namnamin ang bawat saglit. This is beyond my imagination.
Kapwa kami hingal nang maghiwalay ang mga labi namin. He looked at my eyes.
"You tasted alcohol."
Bahagya akong napangiti. "Uminom kami pero kaunti lang naman."
Huminga ako ng malalim pilit kong pinatatatahimik ang puso ko sa pagkabog nito.
"Ano, bakit ka pala narito?" Tanong ko.
"Just to check on you."
"Check? Bakit?"
Napansin ko ang paghawak niya sa ulo niya na para bang wala siyang maidahilan sa akin.
"Mabuti pa, umuwi ka na. Madaling araw na─"
Muli niya akong hinalikan pero this time, saglit lang iyon.
"I'm going home. Go inside."
Iyon na iyon?
Tumango ako. "Ingat, Lucio."
Tinalukuran ko na siya. Nang makapasok ako sa gate ay tiningnan ko ulit siya na nanatiling nakatingin sa akin. Kumaway ako ng bahagya saka isinara na ang gate.
Pumasok na ako sa apartment ko saka tumakbo papunta sa kwarto. Sinilip ko siya sa bintana at nakita kong umalis na ang kotse niya.
Kinapa ko ang dibdib ko. Ang puso ko parang bibigay na. Ano bang ginagawa niya? Ni hindi ko alam kung kasama ba talaga sa deal namin na kapag gusto niyang manghalik ay pupuntahan niya ako.
Oo, pumunta lang siya para halikan ako! Mababaliw na ako sa kaniya. Hindi ko dapat 'to pino-problema dahil una palang, itinatak ko na sa sarili ko na kailangan niya lang ako at hindi dapat ako mag-assume ng mga bagay bagay dahil sa huli, ako lang ang masasaktan.
Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya gano'n?! Ginugulo niya ang takbo ng isip ko. Naka-set na sa utak ko na hanggang doon lang kami, na hindi ko paiiralin ang puso ko dahil una palang alam kong talo na ako at lalong pinaintindi ko sa sarili ko na s*x buddy lang ako. Hanggang doon lang 'yun.
Humiga na ako sa kama ko. I checked my phone nang tumunog ito. May message si Lucio.
Lucio Vin Palermo
Goodnight. See you tomorrow.
Nanlaki ang mga mata ko. Anong see you tomorrow? Ibig sabihin ba, magkikita na naman kami bukas? Parang araw araw na kaming nagkikita.
At bakit pala kami magkikita bukas? Gagawin na ba ulit namin ang bagay na 'yon?
Napailing ako sa naisip ko. Mula noong rinanggap ko ang deal, hindi pa naman ulit kami nag-s*x. Akala ko pa naman, talagang kailangan naming gawin iyon ng madalas para makita kung magbabago ba iyong kalagayan ng alaga niya.
Sa totoo lang, hindi ko nga ramdam na s*x buddies lang kami dahil nagkakasama kami ang hindi ginagawa ang bagay na iyon. Ang lakas pa niya magpakilig! Nakakainis lang dahil baka habang tumatagal, malulong ako sa ginagawa niya to the point na mag-assume na ako na gusto niya ako. Hindi maaari. Ayoko.
Okay na ako sa natikman ko siya, nahahalikan ko siya, nakakasama ko siya at nakakausap. Ayos na ako ro'n. Hindi na ako naghahangap pa ng mas higit pa roon.
Pumikit ako saka inalis sa isip ko si Lucio. Sasakit lang ang ulo ko. Hindi ko dapat ginagawang big deal ang mga bagay na ginagawa niya kahit naguguluhan ako kung bakit ganoon siya.
Madaling araw na at sa tingin ko, male-late ako sa trabaho bukas.
❁
NAKAHINGA ako ng maluwag nang matapos ko ang monthly audit report na kailangan kong ipasa kay Uncle. Hindi siya madalas na tumitigil dito sa company niya dahil marmai siyang business na inaasikaso. Pero tuwing katapusan ng buwan ay narito siya para tingnan lahat ng reports.
Mamaya ay dadalhin ko nalang ito sa kaniya. Akala ko ay hindi ako makakahabol dahil na-late ako. Ang sarap kasi ng tulog ko dahil puyat ako kagabi.
"Miss Cath, kasama ka daw sa treat na dinner ni Sir Gian mamaya after work."
Ngumiti lang ako kay Jazz, secretary ni Gian. Dumaan siya rito para sabihin iyon sa akin.
Si Gian ang operation manager. Malaking projects ang mga hinahawak niya at halos siya ang kanang kamay ni Uncle pagdating sa pagpapatakbo ng company.
Pag-iisipan ko kung sasama ako sa kanila. Depende kung tatamarin ako o hindi dahil pakiramdam ko ay kulang pa ako sa tulog. Ganito ako palagis a tuwing gumagala ako nang may trabaho kinabukasan. Sanay na naman ang katawan ko pero hindi ko maiwasang antukin.
Tumunog ang phone ko. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang pangalan ng bestfriend kom
Huli kaming nagkita at nagkausap ay noong celebration pa niya. Pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil lang tumatawag siya.
Dahil ba iyon sa ginagawa ko sa likod niya?
"Hello?"
"Catherine! Kita tayo mamaya after work mo. Okay? Sa mall. Gusto kong mag-shopping at gusto kong bilhan ng something si Lucio. You know what? He asked me on a vacation. I am so excited! Bukas kami aalis so I need to shop for new clothes na rin."
Parang may kumirot sa badang puso ko. Mali ito. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito.
Si Kelly ang girlfriend. Iyon ang dapat kong itatak sa isip ko.
"S-Sige."
"Let's meet at the mall, okay? Bye!"
Ibinaba na niya ang tawag. Para akong natulala. Magbabakasyon sila. Saan naman kaya? Saka ilang araw? Sabi ni Lucio kagabi, see you tomorrow daw, e hanggang ngayon wala naman siyang message. Siguro ay busy rin siya dahil nga aalis sila ni Kelly bukas.
Huminga ako ng malalim. Hindi ki dapat masyadong dinadamdam ang bagay na 'yan. Karapatan iyon ni Kelly dahil siya ang girlfriend. Ano ba ang karapatan kong malungkot dahil doon? Wala akong karapatan.
Inayos ko na ang monthly report sa isang folder saka inayos. Tumayo na ako para dalhin kay Uncle.
Thirty minutes nalang din ang natitira at matatapos na ang oras ng trabaho. Kahulihan talaga akong nagpapasa ng reports palagi dahil ayokong makisabay sa ibang managers and empleyado na may mga ipinapasa rin kay Uncle. Buzzer beater ako saka tumitigil naman dito ang Uncle ko hanggang gabi.
Lumabas ako ng office namin saka sumakay ng elevator paounta sa 8th floor kung saan naroon ang office ni Uncle.
Nang makababa ako ay binati agad ako ng secretary niya.
"Goodaftenoon, Miss Cath."
Ngumiti ako sa kaniya. "Nasa loob si Uncle?"
"Yes, Miss Cath."
Pumasok na ako sa loob. Naabutan ko si Uncle na nagchecheck ng mga reports sa table niya.
"Uncle, here's the monthly audit report." Ipinatong ko ang folder sa mesa niya saka ako umupo sa upuan sa harap ng table niya.
"Thank you, iha." Aniya saka ngumiti sa akin. "May mga padala pala ang Mama mo. Daanan mo sa bahay mamaya."
Madalas magpadala si Mama ng kung anu ano tulad ng mga prutas galing sa farm namin sa probinsya.
"Sige po, Uncle dadaanan ko mamaya."
"Kumusta kayo ni Gian?"
Kumunot ang noo ko. "Si Gian? Okay naman, Uncle. Why?"
"Ibig kong sabihin ay nagkakamabutihan na ba kayo?"
Pilit akong ngumiti. "We're good friends, Uncle." Sabi ko.
Noon pa man ay nirereto na niya ako kay Gian pero friends lang naman kami at halos hindi nga kami nag-uusap dito sa trabaho.
"He's a great guy, iha." Sabi ni Uncle.
Tumango lang ako saka ngumiti. Ewan ko ba kay Uncle kung bakit gusto niya si Gian para sa akin. Ni hindi nga kami nagkasama ng dalawa lang kami.
Nagkakasama lang kami kapag may meetings tapos kapag may mga events ang company.
Tumayo na ako dahil baka mapahaba pa ang usapan namin ni Uncle. Halos oras na rin ng labasan.
"Baba na ako, Uncle. Daanan ko nalang po sa bahay niyo mamaya ang mga padala ni Mama." Sabi ko.
"Sige iha. Alam naman iyon ng Auntie mo."
Tumango ako saka nagpaalam na. Lumabas ako ng office niya saka sumakay ng elevator pababa.
Nang makarating ako sa office namin ay inayos ko na ang mga gamit ko. Dadaan muna ako sa bahay nina Uncle saka ko pupuntahan sa mall si Kelly. Hindi naman ako sasama sa pa-dinner ni Gian. Hindi naman big deal kung hindi ako makasama ro'n.
Baka magtampo pa si Kelly kapag hindi ko siya sinamahan. Sanay na sanay kasi siya na ako ang palagi niyang kasama sa pagsha-shopping niya.
Binitbit ko ang bag ko saka bumaba na. Nag-out ako sa biometric saka lumabas ng building.
Kumunot ang noo ko nang bumusina iyong kotse sa gilid ng kalsada. Napalunok ako nang makilala ko ang sasakyang iyon.
Lumapit ako ro'n saka bumaba ang bintana. Tama ako ng hinala. Si Lucio.
Bakit siya narito?
Sumakay ako sa kotse niya. "Lucio─"
Hinalikan niya ako. Ang ganda ng pagsalubong niya sa akin.
Tumunog naman ang phone ko kaya agad akong lumayo kay Lucio.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Kelly.
"Lucio, si Kelly tumatawag. Please, huwag ka munang magsasalita." Sabi ko.
Tumango siya. Nanatiling nakatigil ang kotse.
"K-Kelly."
"Where are you? I'm on my way at your work. Dadaanan na kita dahil may dinaan ako malapit sa trabaho niyo. Madadaanan ko rin naman 'yan so sabay nalang tayo. I'll be there in a minute, okay? Wait for me."
"O-Okay."
Ibinaba ko ang tawag. Dumaloy ang kaba sa sistema ko.
"Lucio, kailangan ko nang bumaba. Umalis ka na. Paounta si Kelly dito kasi pupunta kaming mall. Dadaanan daw niya ako. Sige na."
Para akong hindi mapakali dahil sa kaba. What if mahuli niya kami? What if makita niya ang kotse ni Lucio?!
Nagulat ako nang hawakan ni Lucio ang kamay ko. Hinila niya ako saka muling hinalikan sa labi ko.
"Calm down, okay." Aniya. "I'll call you later."
Tumango na lamang ako saka mabilis na bumaba ng kotse niya. Nakailang lunok na ako dahil ang daming tumatakbo sa isip ko.
Paano kung hindi tumawag si Kelly at basta nalang ako pinuntahan dito? Paano kung nakita niyang narito ang kotse ni Lucio? Ano nalang iisipin niya?
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba na parang nanginginig ang mga kamay ko.
Pinakalma ko ang sarili ko saka tumayo sa gilid ng daan para hintayin si Kelly.
Mas nakahinga na ako nang maluwag dahil wala nang Lucio sa paligid. I am safe. We are safe.
Muli akong napalunok saka huminga ng malalim.
Wala pang ilang saglit ay tumigil sa harap ko ang kotse ni Kelly. Muntik na kami. Muntik na akong mahuli ni Kelly na kasama si Lucio.
Hindi ko yata kakayanin kapag naulit 'to. Mamamatay yata ako sa kaba e.
Bumaba ang bintana ng kotse ni Kelly.
"Get in." Aniya.
Sumakay na ako sa unahan. Nang makasakay ako ay ikinabit ko ang seatbelt.
"Sakto lang ba ang call ko? Dumaan ako sa boutique ng friend ko. You know what? Sa kaniya ako bumili ng seimsuit dahil galing pa iyon sa thailand. Ang gaganda and I looked so sexy and hot sa mga 'yon." Kwento niya.
Nawala na ang kaba sa dibdib ko. Ang hirap pala kapag may itinatago ka. Ang hirap pala maging kabet.
"Kailangan mo rin ng swimsuit?" Tanong ko.
"Of course. Lucio told me na sa Batangas kami pupunta. May pag aaring resort ang pamilya niya doon so I am really excited. And guess what? Three days kami doon so I need a lot of sexy clothes."
Three days sila doon. Hindi nabanggit ni Lucio sa akin. Pero hindi naman siya obligadong sabihin sa akin. Girlfriend lang 'te?
"Buti naman makakapagbakasyon ka kahit sa Batangas lang."
"Of course! Saka minsan lang kami magkakasama ni Lucio ng ilang araw. I am really excited. Alam mo ba, nakakaloka dahil ang dami kong naiisip gawin. I'll seduce him! Ewan ko nalang kung matanggihan pa niya ako."
Para akong nasamid sa sinabi niya. Bakit kasi ganito ako? Hindi dapat ako nagpapaapekto sa sinasabi niya about her plans to Lucio. Karapatan niya iyon dahil girlfriend siya.
Tumunog ang phone ko at bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil si Lucio ang tumatawag.
"Who is it? Answer it. Ang ingay ng ringtone mo." Sabi ni Kelly.
Sinagot ko iyon habang nanginginig ang mga kamay ko.
"Hello?"
"Call me later when you're done. I'll fetch you. Let's... stay at my condo tonight."
Napalunok ako. "Ah, okay."
Ibinaba ako agad ang tawag saka inilagay sa bag ang phone ko. Napakahigpit ng pagkakahawak ko sa bag ko dahil annginginig ang kamay ko sa kaba.
"Who's that? Do you have plans?"
"Ah, ka-work ko. May dinner kasi kami and sabi niya sumunod nalang ako. I told her okay. Mamaya nalang ako pupunta after mo magshopping."
She smiled at me. "You're so swet talaga, Catherine! Ako talaga ang priority mo. Don't worry dahil hindi naman tayo aabutin ng super gabi. I appreciate you. You're the best bestfriend!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko para mapakalma ang sarili ko.
Nagsinungaling ako kay Kelly. She appreciated me when the truth is, boyfriend niya ang tumawag at siya ang makakasama ko mamaya.
Ramdam na ramdam ko ang pagiging kabet ko.