HINDI ko alam kung dapat ko bang puntahan kung nasaan sina Lucio at Arion o mananatili akong nakatayo at balewalain ang narinig naming ingay. "Oh my, what happened kaya?" Tanong ni Kelly. Narito kami sa b****a ng garden at nanlaki ang mga mata ko nang lumapit iyong mga magulang nina Lucio at Arion. "What happened? May nabasag ba?" Tanong ng nanay ni Lucio. "Sinong naroon?" Tanong nung tatay ni Arion. "I should check it." Sabi naman nung tatay ni Lucio. Bago pa man sila makapunta sa pinanggalingan ng ingay ay lumabas na sina Arion at Lucio. Halos mapanganga ako nang makitang may sugat ang mga mukha nila. They are standing in front of us. Magkaakbay pa sila at natatawa. "What the f**k happened to your face, Arion?" Tanong ng tatay niya. "Lucio, what was that?" Nag-aalalang tanong ng

