AKALAIN ko bang maaalala pa 'yon ni Lucio? Ang tagal na no'n! Saka para saan pa para ipaalala niya sa akin na hindi ko ibinalik ang ballpen niya? Saka teka nga, paano niya nalaman na ako 'yung nanghiram sa kanya noon? He never knew me. "Catherine." Pilit akong ngumiti kay Lucio. He's still staring at me. "Ano kasi, Lucio..." Ibabalik ko pa ba? E wala na ngang ink 'yon. Sa tinagal tagal na ba naman ng panahon. "What can you say?" Tanong niya. "Ganito kasi 'yon, Lucio. Hindi ko in-expect 'to..." Never ko naisip na maaalala niya ang ballpen niya. Parang ipinangako ko kasi noon na ibabalik ko rin after kong gamitin pero ewan ko ba kung bakit nakalimutan ko na hanggang sa kinanya ko nalang kasi feeling ko swerte sa akin ang ballpen na 'yon. Palagi akong inspired noon every exam, quiz at

