TULALA ako habang umiinom ng mainit na kape. Lumipas na ang gabi pero pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. I just can't believe what happened. He loves me. Mahal ako ni Lucio. "Catherine, come here." Nilingon ko si Lucio. He's wearing his business suit. May meeting daw kasi siya today and idadaan na niya ako sa apartment ko bago siya pumuntang company. Dinala ko sa sink ang tasang ginamit ko sa kape saka lumapit kay Lucio. Imagine, we're okay now. Hindi ko kailanman inasahan na mangyayari ang ganito. Gigising kami sa umaga na magkasama. Payapa ang buhay namin na para bang magjowa kami pero hindi ko pa siya sinasagot. Hindi ko pa nga talaga alam kung ano na ba kami pero handa na akong sumugal. May karapatan na naman siguro ako? Mahal namin ang isa't isa at wala nang excuses pa par

