SUMILIP ako sa labas. Wala akong ideya kung saan ako dinala ni Lucio. Basta na lamang ako sumama sa kaniya. "Let's go." Aniya. Bumaba siya ng kotse. He opened the door for me. Bumaba ako saka tiningnan ang paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar dahil hindi ito ang parking lot ng condo niya. "Lucio, nasaan tayo?" Tanong ko. He held my hand and walked towards a private elevator. Hindi ko alam kung nasaan kami. Nang makapasok kami sa loob ng elevator ay pinindot ni Lucio ang button na may star. What does it mean? Iniwasan kong magsalita ulit dahil nanatiling tahimik si Lucio. Hinayaan ko lang siya. I trust him. Hindi naman siguro niya ako dadalhin sa lugar na hindi safe. Tumigil ang elevator. Nang bumukas iyon ay kumunot ang noo ko. Bumaba kami at naglakad ng kaunti. May double doors doo

