IPINATONG ni Maleha ang ilang can of beers sa center table. Hindi ko maiwasang kabahan dahil nga muli kaming maghaharap ni Kelly pagkatapos ng gabing iyon. I talked to Maleha if she can asked Kelly to come here para makapag-usap kami. I really wanted to talk with her. Guilty ako, oo pero mali pa rin ang mga iniisip niya at mga sinabi niya patungkol sa akin. Gusto ko rin namang linisin ang pangalan ko sa kaniya. Wala kasi akong lakas ng loob na tawagan siya para yayaing makipag-usap kaya idinaan ko kay Maleha. Mabuti na lamang at pumayag siya. We decided to talk here sa condo ni Maleha. Hindi ko rin yata kayang dalawa lang kami ni Kelly ang mag-uusap. Kailangan namin ng taga-awat. Though, wala naman akong balak awayin si Kelly, pero we really don't know what will happen. "On the way na d

