UMINOM ako ng mainit na kape. Dumaan kami ni Lucio sa drive thru kanina para bumili ng hot coffee nago umuwi dito sa condo niya. Nang dumaloy sa katawan ko ang init ng kape ay kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko.
Dahil sa ginawa ni Lucio, parang bulang bigla nalang naglaho ang kalasingan ko kanina.
"Lucio..."
Tumingin siya sa akin. Nakasandal siya sa kabilang sofa habang umiinom ng hot coffee niya.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari dahil alam kong hindi titigil si Sam hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. Siguradong kukulitin niya ako bukas. Worst, baka tawagan pa niya si Kelly para tanungin kung bakit sinundo ako ng boyfriend niya.
"Alam natin sa sarili natin na wala tayong relasyon. Ipinakilala mo akong girlfriend sa pamilya mo pero hanggang do'n lang naman iyon. Hindi ako ang girlfriend mo."
Nang sabihin niya kanina na girlfriend niya ako ay hindi na iyon mawala sa isip ko. Sa halip na kiligin ako ay parang masakit dito sa bandang puso ko.
"Hindi tama na basta ka na lamang sumulpot lalo na kung kasama ko ang mga kaibigan namin ni Kelly. Kinakausap kita ng maayos dahil ayokong maulit pa 'to. Tulad ng sabi ko kanina, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Sam."
He grins. "Who the f**k he is to you, Catherine? Kaibigan mo lang siya. Let them think what he wants. I don't care."
"Lucio, please lang, you're being selfish. Nakasalalay dito ang friendship namin ni Kelly. Hindi ko gugustuhing masira iyon dahil sa 'yo. Alam kong mali ako na pumayag ako sa deal natin. Gusto lang kitang matulungan pero sana tulungan mo rin akong gawin ang lahat huwag lang malaman nina Kelly ang tungkol sa atin."
Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.
"Sorry for being selfish but seeing you with other guy is not... I mean... never mind."
Ipinatong ko ang hot coffee sa center table.
"Hindi mo ba sinubukang hawin ang bagay na iyon kay Kelly? Baka bumalik ka na sa normal. Baka hindi nalang sa akin ano, ah.... basta 'yang ano mo." Tanong ko.
"Do you think I will do that to her? Nah." Tumayo siya dala ang hot coffee niya.
"Normal namang gawin niyo iyon dahil girlfriend mo siya. Saka... para malaman mo rin kung okay ka na."
Ibinaba niya ang hot coffee sa kung saan saka lumapit sa akin. Hinila niya ako patayo. Dinala niya ako sa kwarto.
Wala akong lakas na tumanggi sa kaniya pero kung gusto niyang gawin namin iyon ngayon, wala ako sa mood.
"Look at me." Utos niya. Isinandal niya ako sa nakasarang pinto ng kwarto.
"Lucio."
"Do you think I like to do that with her? Your scent, your touch, all of it. That's all I f*****g want."
Napalunok ako. Madalas na cold or seryoso lang naman si Lucio pero ngayon ay parang galit siya.
"Girlfriend mo siya. s*x buddy mo lang ako, Lucio. Sa kaniya mo dapat nararamdaman 'yan at hindi sa akin. Or maybe, you like my scent and touch kasi nga sa akin ka lang tinitigasan."
I know it sounded rude but I need to tell him this.
"Magiging pranka na ako sa'yo. Wala kang karapatang mag-demand sa akin. Wala kang karapatang magreklamo kung may kasama man akong ibang lalaki. Wala kang karapatang utusan ako sa dapat kong gawin. Wala kang karapatang umasta na parang pag-aari mo ako at wala kang karapatang magpakita sa akin ng sweetness dahil walang tayo. Naiintindihan mo ba, Lucio? Hangga't maaari, ayokong makipagtalo sa 'yo. We agreed with the deal. Ayos na 'yon. Hanggang dun lang tayo. s*x buddies lang tayo, wala nang iba pa. You can't cross the line."
Mali ito. Habang tumatagal, pakiramdam ko ay guguho ang shield na binuo ko sa puso ko. Hindi ko maaaring hayaan iyon. Alam kong sarili ko lang din ang makakatulong sa akin para hindi malulong sa pinapakita ni Lucio sa akin.
Ayokong mag-assume na gusto niya talaga akong maging girlfriend dahil lang ganyan siya umasta. No. I won't let that happen.
"Kaya nakikiusap na ako sa 'yo, Lucio. Know your limitation. I am not your girlfriend. Period."
Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Napaka-cold ng tingin niya.
"I will break up with her."
Nanlaki ang mga mata ko. "Wait, why? Wala naman kayong problema 'di ba? Saka sabi mo, nasa getting to know each other na kayo. Sinabi mo rin na gusto mong mas makilala pa siya because you like her. Kahit kailangan mo siya sa business, gusto mo pa ring maging mabuting boyfriend sa kaniya." Sabi ko.
He stared at my eyes. "So you can be my girlfriend."
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "Lucio, hindi. Hindi mo ako magiging girlfriend."
"You asked me to break up with her when we talked about our deal. I'll do it now."
Umiling ako. "Please... ibang usapan na 'yon. I suggested it before pero ngayon, iba na. Mali na hihiwalayan mo siya para maging girlfriend mo ako. Ano nalang ang iisipin niya? Na inagaw kita sa kaniya? Hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan namin."
Gusto niya akong maging girlfriend para hawakan niya ang buhay ko. He's being possessive and I hate it. Lalo na kung alam ko naman na wala siyang nararamdaman para sa akin. Sa aming dalawa, ako lang ang tangang nagmamahal sa kaniya.
"I can't understand you. I want to fucking... damn it."
"Nakalagay sa pinirmahan natin na hindi malalaman ng kahit sino ang deal natin. Nakalagay rin sa pinirmahan natin na tutulungan lang kita d'yan sa problema mo sa ano mo. Hanggang doon lang. Let's follow the contract, Lucio. Wala sa usapan natin na gagawin mo akong girlfriend mo so you can do whatever you please."
Saglit siyang tumahimik. He looked at my eyes again.
Hindi ako nagpatalo. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya.
"Sorry."
Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya. He looks sincere.
"I was furious. Hindi ako nag-isip. Hindi na mauulit."
Natapos rin ang usapan. Ayokong maging ma-drama kami sa isa't isa. Jusko naman, kabit lang ako. He don't need to invest any emotion to me maliban na lang kapag nasa kama kami. s*x buddies kami at hanggang doon lang iyon.
Wala akong in-aassume na kahit ano mula sa kaniya. Kahit pa ganoon ang mga in-akto niya, wala akong pakialam.
"Be good to her." Sabi ko. "She really likes you."
Hindi siya sunagot sa halip ay niyakap niya ako. Hindi ko iyon inaasahan.
"I'm tired."
Tinapik ko siya sa balikat. "Let's sleep?" Sabi ko.
Bumitaw siya sa akin saka niya hinalikan ang labi ko. "You need to take a rest. I need to leave by five."
Tinungo na niya ang kama saka nahiga.
Ala singko? Jusko naman kasi, may nalalaman pang pagpunta dito para lang sunduin ako sa bar. Ewan ko na dito kay Lucio. Dami niyang trip sa buhay.
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na magtatabi kaming matulog. Ang awkward pero sobra pa nga sa pagtatabi ang nagawa namin.
Humiga ako sa tabi niya. Iniyakap niya ako sa kaniya. Ako namang si gaga, go na go.
Kanina lang ang dami kong sinasabing kung anu ano pero isang yakap ni Lucio, sumasabog ang puso ko.
"Sleep well." Aniya saka ako hinalikan sa noo.
Pumikit na ako saka iwinaglit ang mga isipin ko. Bahala na bukas. Nang dahil sa nainom kong alak ay nagkalakas loob akong mag-rant kay Lucio kanina. Ayos na iyon. Ang mahalaga, nadabi ko ang saloobin ko.
❁
NAG-INAT ako ng mga braso ko nang magising ako. Mataas na ang sikat nang araw. Tumingin ako sa side table at nakita ko ang oras sa digital clock mag-aala una na ng hapon. Ang haba rin ng tulog ko.
Magmumuni muni pa sana ako nang manlaki ang mga mata ko.
Wait, nasaan ako?!
Bumangon ako sa tiningnan ang paligid. Hinilot ko ang sentido ko at inalala ang nangyari kagabi.
"Oh my... ang dami ko yatang sinabi kay Lucio kagabi..."
Na-realize kong dito nga pala ako natulog sa condo ni Lucio. At naalala ko rin na maaga siyang aalis. Nasa Batangas na siguro ulit siya. Naawa naman ako bigla sa kaniya. He must be tired.
Hindi ko pa rin ma-gets jung ano ang pumasok sa tuktok niya para gumamit ng private helicopter pabalik ng Manila para lang i-check ako. Huwag na sana niyang uulitin iyon.
Tumayo na ako mula sa kama saka dumiretso sa banyo para maghilamos ng mukha.
Kumuha ako ng mini towel para punasan ang mukha ko saka lumabas ng kwarto.
Halos manlaki ang mga mata ko sa nadatnan ko.
"Oh, man."
"f**k, we didn't know you were there."
Napalunok ako. Bakit narito ang mga pinsan ni Lucio?!
"W-Wala si Lucio." Sabi ko.
"Alam namin." Sagot ni Aries. "Pero hindi namin alam na nariyan ka."
"Live in na ba kayo?" Tanong ni Arion. "Buntis ka 'no?"
"Ang bata kong tito." Sabi ni Ludwig na nakatutok ang tingin sa phone niya.
Hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan.
"Aalis na ako." Sabi ko. Kinuha ko ang sling bag ko na nasa may sofa.
Wala na silang sinabi dahil abala sila sa mobile games. Nang makalabas ako sa condo unti na iyin ay nakahinga ako ng maayos.
Ang intimidating nila sa totoo lang. Para namang madali silang kausap. Hindi naman sila masasamang tao pero the way they talk, kakaiba kasi. Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong matakot sa kanila.
Tumunog ang phone ko nang makasakay ako ng elevator.
"Lucio..."
"My cousins are there." Aniya. "Did they bother you?"
"Hindi. Actually, pababa na ako ng building. Uuwi na ako, Lucio. Thank you pala sa pagpapatulog kagabi."
I heard him groan.
"Honey, sino ba kasi 'yang kausap mo? I know you're workaholic but not this time please? We're in a bed and we can do a lot of naughty things. Kiss me."
Napalunok ako. Huminga ako ng malalim saka pinutol ang tawag. Magkatabi sila ni Kelly for sure.
Paano niya nagagawang tawagan ako habang katabi si Kelly? Mababaliw yata ako kakaisip na baka isang araw, mahuli na kami ni Kelly.
Nang makalabas ako ng building ay pumara ako ng taxi. Isinandal ko ang ulo ko. Medyo nananakit pa ang ulo ko dahil sa nainom ko kagabi pero mas sumasakit yata ang ulo ko kay Lucio.
Noong una, ayos naman kami. Pero habang tumatagal ay parang gusto niya, lagi kaming magkausap o magkasama na dapat alam niya lahat ng ginagawa ko.
Shoul I back out to our deal?
Nanganganib na ang puso ko. Nanganganib na rin ang friendship namin ni Kelly.
Muling tumunog ang phone ko. Kinabahan amo dahil akala ko, si Lucio na naman pero si Sam iyon.
"Sam."
"Let's talk."
Wala na akong kawala. Hindi rin naman ako mapapanatag hangga't hindi ako nagpapaliwanag kay Sam.
"Sige."
"I'll go to your apartment." Aniya.
"Okay." Sagot ko.
I ended the call. Mas maigi nang mag-usap kami sa apartment ko. Isa pa, hindi ko feel lumabas ngayon.
Nang makarating ako sa apartment ay bumaba na ako ng taxi pagkabayad ko. Pumasok ako sa gate saka finukot ang susi ng pinto sa bag ko.
Pumasok ako sa loob saka ko ini-lock ang pinto. Dumiretso ako sa kwarto ko. I want to change clothes. Pakiramdam ko, ang dumi dumi ko na. Kagabi pa itong suot ko.
Kumuha ako ng damit pamalit saka pumasok sa banyo. Binuksan ko ang shower.
Muling nag-flashback sa isip ko iyong mga sinabi ni Lucio kagabi. He's willing na makipag-break kay Kelly para ako na ang girlfriend niya. Mali naman iyon. Nag-suggest lang naman ako before na i-break niya si Kelly before we do the deal para less guilt. Hindi ko naman sinabi iyon para ako ang maging girlfriend niya.
Isa pa, mahal ko man siya, hindi ko pinangarap na maging girlfriend niya dahil lang ako ang makakatulong sa problema niya. Malinaw pa sa tubig na wala siyang nararamdaman sa akin.
He never look at me. He never knew me. He never talk to me.
Tanggap ko lahat iyon dahil alam ko sa sarili ko na malabong tugunin niya ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Loving him for twelve years is not a reason for me to be easy on him.
Hindi porke mahal ko, kukunsintihin ko ang mga trip niya. Hindi porke mahal ko, hahayaan kong mag-assume ang puso ko sa bawat pinapakita niya.
Hindi porke mahal ko siya, mahal din niya ako. Ibang usapan na 'iyon.