SAGLIT akong nagpaalam sa mga kaibigan ko para sagutin ang tawag ni Lucio. Nang makalabas ako ng bar ay agad kong pinindot ang accept call button.
"Lucio?"
"Hey..."
Napalunok ako. Sa halip na magsaya ako ngayon dahil aminin ko man o hindi, ayoko rin namang isipin sila ni Kelly.
"S-Si Kelly?" Tanong ko nalang.
Ayokong magkaroon ng kahit kaunting pagdududa si Kelly kay Lucio. Hindi magandang ideya na tinatawagan niya ako habang magkasama sila.
"Where are you?"
Kumunot ang noo ko. "Ah, sa bar kasama ang mga kaibigan ko." Sagot ko.
Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.
"With your friends."
"Oo." Sagot ko. "Hindi mo ba kasama si Kelly ngayon? Baka mapansin niyang may kausap ka sa phon─"
"Why did he touch your hand?"
Mas kumunot ang noo ko. Ano daw? Ano bang sinasabi niya? Hindi man lang niya sagutin ang mga tanong ko.
"What? Anong sinasabi mo, Lucio?"
"So you're denying it..."
Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?! "Teka lang, Lucio. Ano bang sinasabi mo? Hindi kasi kita maintindihan."
Hindi naman ako manghuhula para masagot lahat ng sinasabi niya na hindi ko alam kung saan niya hinugot.
"That guy."
"Sino?"
"Your guy friend who likes you."
Kaibigan ko na may gusto sa akin. Okay? Wait, si Sam ba ang tinutukoy niya? So ang sinasabi ba niya ay iyong kanina na hinawakan ni Sam ang kamay ko no'ng binigyan niya ako ng chocolates?
Wait.
"Paano mo nalaman?"
"Is it suppose to be a secret?"
Ang labo naman kausap nitong si Lucio. Masyado siyang seryoso!
"Tinatanong ko lang kung paano mo nalaman. Syempre magtataka ako kasi wala ka naman dito tapos alam mo 'yung nangyayari."
"Arisse sent me a picture."
Iyong pinsan niya? "You mean, you asked her to spy on me?"
Assumera na ako sa part na 'yan pero kasi naman parang ganoon na rin e!
"No. It just happened that she saw it and took a picture of it then sent to me. That's it."
Huminga ako ng malalim. "Okay, kung ganoon. May sasabihin ka pa ba?"
"Just..."
"Lucio, pwede bang mag-ingat tayo? Hindi mo naman responsibilidad na tawagan ako dahil unang una, hindi mo naman ako girlfriend. Pangalawa, dapat nga kino-kontak mo lang ako kapag feel mong makipag-s*x. And ang huli, may girlfriend ka. Ituon mo sa kanya ang pansin mo."
Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na naiinis na parang may sama ng loob. Ayoko lang rin kasing mahuli kami ni Kelly. Alam kong kasalanan ko rin dahil pumayag ako sa setup na 'to pero nariyan na e. Kaya nga hangga't maaari ay maging maingat kaming dalawa.
"Do you want me... to go back to Manila?"
Saan naman nanggaling 'yon?!
"Wala akong sinasabing ganyan, Lucio. Ang sinasabi ko lang, andyan ka sa Batangas kasama ang girlfriend mo kaya mag-focus ka sa kaniya. You don't have to call me or check on me."
Tinamaan na yata ako nang nainom kong alak kaya umiinit na ang ulo ko. Para naman kasing ang hirap makaintindi ni Lucio.
Bakit kasi kailangan pa niya akong tawagan? Hindi lang naman relasyon ni Kelly ang nakasalalay dito e, pati iyong puso ko.
Ayokong masanay sa mga bagay na alam kong hindi magtatagal. Alam kong may katapusan rin ito at kapag dumating ang araw na iyon, gusto ko buo pa rin ako.
"I'll go back there tomorrow."
"Lucio!" Naiinis na ako. Bakit kasi ang hirap niyang intindihin ngayon? "Please... please."
"Fuck." Mahinang mura niya.
Hinilot ko ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kaniya. Single ako pero pakiramdam ko ay may jowa ako.
"Sabihin mo nga sa akin, bakit ka ba tumawag?"
"Hindi ko nagustuhan ang picture."
Parang nagru-rumble ang isip ko. "Diretsahin mo nga kasi ako, Lucio."
"I hate it when someone touches you."
Napalunok ako. So iyon ba ang ipinuputok ng butsi nya? Ano naman sa kanya?! Hindi naman kami magjowa para maggaganyan siya.
"Single naman kasi ako, Lucio. Hindi iyon big deal sa akin. Normal na sa amin ni Sam 'yon or kahit sinong kaibigan kong lalaki."
Saglit siyang natahimik.
"Normal."
"Buti pa, Lucio, magpahinga ka na. Gabi na rin naman. I should hang up."
Magpapakasaya ako at ayokong naiisip siya. Ilang beses na akong masyadong naging marupok sa kaniya. Hindi na iyon naaari sa susunod dahil alam kong ako lang rin ang masasaktan sa huli.
"No."
"Lucio, ano ba talagang trip mo?"
"I'll be home tonight." Aniya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Lucio─"
"I'll send you my condo's passcode. Go there now and take a rest. I'll be there by maybe midnight or I'll use my private helicopter."
Napailing ako. Ano ba talagang trip ni Lucio?!
"Hindi, Lucio. Hindi ka aalis dyan. Hindi mo ise-send sa akin ang passcode mo. Hindi ako pupunta sa condo mo. Please lang, kung may problema ka or hindi ka nagustuhan, magso-sorry nalang ako para matapos na ang pag-uusap na 'to. Huwag mong sirain iyong vacation mo d'yan. May aasikasuhin ka pang trabaho d'yan. Hindi ko man maintindihan 'yang pinagsasasabi mo, sorry. Okay? Sorry."
Pinutol ko na ang tawag. Naiinis ako dahil iyong puso ko aasa sa mga ginagawa niya. Nagseselos ba siya na hinawakan ni Sam ang kamay ko? Imposible iyon. Kung iyon man ang ikinaka-inis niya, baka pakiramdam niya lang, naapakan ang pride niya bilang s*x buddy ko? Hindi ko alam.
Basta ako, ayokong umasa. Ayokong matuwa na ganyan ang ipinapakita niya. Kung normal kaming magkarelasyon, baka tumirik na ang mata ko sa kilig pero hindi e. Walang kami. Wala kaming label. Walang espesyal sa pagitan namin. Wala, at wala na iyong pag-asa.
Tanggap ko iyon sa sarili ko. Kinaya ko siyang mahalin ng patago ng twelve years. Kakayanin ko ring patibayin ang shield na binuo ko para sa puso ko ngayong masyado kaming malapit sa isa't isa.
Hindi ako masasaktan hangga't hindi ako umaasa sa mga bagay na pinapakita niya sa akin.
❁
LASING na lasing na ako pero kaya ko pa ring dalhin ang sarili ko. Ako 'yung tipo ng babae na nalalasing pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko. Kaya malakas ang loob kong magpakalasing e. Isa pa, kasama ko naman ang mga kaibigan ko.
Alas dos na ng madaling araw. Masyado kaming nag-enjoy.
"Tara na, negative na 'tong asawa ko." Sabi ni Jero habang naka-piggyback ride sa kaniya si Maleha.
Tumawa si Rocky. "Gago, advance mo naman mag-isip. Pakasalan mo kung gusto mong asawahin."
Natawa na lang din ako. Tumayo ako pero agad akong napahawak sa mesa nang muntik na akong matumba.
"Okay lang ako." Sabi ko.
"Let's go." Sabi sa akin ni Sam saka ako inalalayan.
Hinapit niya ako sa bewang ko habang naglalakad kami palabas ng bar.
"Brad, iuuwi ko na si Maleha." Paalam ni Jero saka tinungo ang sasakyan niya.
"Una na rin ako brad." Paalam ni Rocky.
Kumaway lang ako sa kanila.
"Ihahatid na kita pauwi." Sabi ni Sam sa akin. "Balikan mo nalang bukas ang kotse mo."
Umiling ako. "I can drive."
"Lasing ka na, Catherine. Hindi kita hahayaang mag-drive."
Hinarap ko siya saka isinabit ang magkabilang kamay ko sa leeg niya.
"Anong tingin mo sa akin? Mahina? Ha? Kaya ko pang mag-drive. Okay?" Nakangiting sabi ko.
"Catherine."
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang boses na iyon. Parang nawala bigla ang kalasingan ko at saka lumingon sa likod ko.
Lucio...
"I'll bring her home."
Napalunok ako. Hindi naman ako nananaginip 'di ba? Kinakausap talaga niya si Sam na siya na ang mag-uuwi sa akin! No...
"What are you doing here? You're Kelly's boyfriend, right?" Sabi ni Sam.
Lumakas ang kaba sa didib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Lintik na alak 'yan, hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos!
"Catherine, come here." Sabi sa akin ni Lucio.
Humarang si Sam sa harap ko saka hinarap si Lucio.
"Sagutin mo ang tanong ko, brad. Why are you here trying to pick her up?"
Wala akong maisip! Ano ba!
"I have no business with you. I came here to get her." Sagot ni Lucio.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natutuliro ako. Ito iyong sitwasyon na hindi ko ginustong mangyari.
"Hindi ko ipagkakatiwala sa 'yo si Catherine. Boyfriend ka man ni Kelly, hindi ka pa rin namin lubos na kilala." Sabi ni Sam.
Bago pa may masabi si Lucio at bago pa mas magtaka si Sam ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Pilit kong kinakalaban ang pagkahilo ko.
Hinarap ko si Sam. "Ano... ah, sasama na ako sa kaniya. Siya na ang maghahatid sa akin."
Umiling si Sam. "Hindi ko hahayaang ihatid ka ng taong hindi ko lubos na kilala, Catherine. Nababaliw ka na ba?"
"You don't f*****g know me." Asik ni Lucio.
Ramdam ko iyong tensyon sa pagitan nila. Nahihilo na nga ako, mas nahihilo pa ako dahil palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Hindi talaga. Kaya hindi ko hahayaang isama mo si Catherine." Sabi ni Sam.
"Who the f**k are you to meddle with her life, huh? You are just a friend. She can decide for herself and you have no f*****g rights to object."
Hala ka, galit na si Lucio. Hindi na talaga maganda ang nangyayari. Paano nalang kung masabi niya na f**k buddies kami? Utang na loob, gumana naman sana ang utak ko!
"No, the question is, why are you meddling with her when in fact you're Kelly's boyfriend?" Sabi ni Sam.
Wala na akong choice. Wala na akong maisip pang ibang dahilan.
"Ah, Sam, mauuna na kami. Sa kaniya na ako sasama kasi ano, ano..."
"Catherine." Nasa mukha ni Sam ang pag-aalala.
Humawak ako sa braso ni Lucio.
"Saka ko na ipapaliwanag ang lahat pero kasi pinsan ko siya. Hindi ko nabanggit, sorry. Ano, baka pinasundo ako ni Tito. Una na kami ha?"
Mabilis na itinulak ko si Lucio pasakay sa kotse niya saka ako sumakay sa unahan.
"Please drive." Utos ko kay Lucio.
Kumaway ako kay Sam na naiwang nakakunot ang noo.
Nang makalayo kami ay nakahinga ako ng maluwag. Kinapa ko ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog niyon.
"Drink this." Inabot niya sa akin ang green tea juice.
Ininom ko iyon. Para akong kakapusin ng hininga kanina.
Nang mainom ko iyon ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.
Hinarap ko siya. "Itigil mo ang kotse."
Itinigil naman niya iyon sa tabi.
"Nahihibang ka na ba, Lucio? Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot? Um-akto ka pa ng ganon sa harap ni Sam!"
"You don't like it? You want to be with him?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "That's not the point. Lucio, jusko naman, alam ng lahat ng kaibigan namin na boyfriend ka ni Kelly. Ano nalang iisipin niya na sinusundo mo ako? Hindi mo ba naiisip iyon? Basta basta ka nalang nagde-desisyon."
"I know what I'm doing."
Naiinis na talaga ako.
"Pwes mali ang ginawa mo, Lucio! Saka bakit ka ba narito? Paano ka nakauwi ng Manila?!"
"Private helicopter."
Nasapo ko ang noo ko. "Si Kelly, nasaan?"
"I told her that I'll come back later in the morning."
Utang na loob, ano bang trip nitong si Lucio? Gumamit siya ng private helicopter para makapunta dito sa Manila para sunduin ako sa bar at mamayang umaga ay babalik din siya sa Batangas. Seriously?
"So bakit ka pa nagpunta dito sa Manila?! Nag-aksaya ka lang ng oras e."
"I want to make sure you're safe."
"Ha? Mga kaibigan ko ang mga kasama ko, Lucio. Saka nag-usap naman tayo sa tawag kanina."
"He's still a guy."
Hindi ko na alam dito sa lalaking 'to. Hindi ko na talaga alam.
"Ano nalang iisipin ni Sam? Paano kung makarating 'to kay Kelly?"
Hindi siya sumagot.
Halos sabunutan ko ang sarili ko. "Please naman, Lucio. Huwag na sana maulit 'to. Susubukan kong ipaliwanag ang lahat kay Sam. Paninindigan ko na pinsan kita."
"f*****g cousin." Aniya. "Let him think what he wants."
"Lucio naman."
Muli niyang pinaandar ang kotse. "Let's go home. You need to take a rest. You're drunk."
"Nawala na nga ang pagkalasing ko dahil sa ginawa mo." Sabi ko. "Bakit kasi kung umasta ka, parang boyfriend talaga kita. Hindi naman."
Bigla nyang itinigil ang kotse. Hindi na ako nakapag-react nang ilapit niya sa akin ang mukha niya at halikan ako sa labi.
Galit ako sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya. Pero bakit sa isang halik, parang nawawala lahat iyon? Ano ba namang karupukan 'to?!
He stopped kissing me and stared at my eyes.
"You."
Makapigil hiningang nakikipagtitigan ako sa kaniya. Napakalapit pa rin ng mukha niya sa akin at kaunting galaw ko lamang ay maglalapat muli ang mga labi namin.
"Are."
Napalunok ako.
"My girlfriend."
Parang lumipad ang utak ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o sadyang lasing na nga ako para mag-imagine na sinabi niya iyon.
"I can't f*****g focus when you're not around."
Malala na 'tong kalasingan ko.
"And I can't f*****g let you to be with other guy."
Naramdaman ko na lamang ang labi niya na muling inangkin ang labi ko.