The first thing that Julie felt when waking up was that she wanted to sleep again. Hindi niya alam kung nasaan siya pero sa tingin niya ay ospital iyon.
"Mmm..." Napaungol siya at tumingin sa paligid.
A mass of curly hair was what greeted her as she looked at the side of the bed.
Nung una ay nagtaka pa siya hanggang sa...
"Elmo?"
Sa boses niya ay kaagad na napa-angat ng tingin si Elmo habang hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay.
Realization hit him hard when he was able to open his eyes. "Manski!" Tila nabuhayan na sabi nito at hindi natiis na halos mapalundag na sa kama para lamang yakapin siya.
"A-aray..."
"S-sorry..." Sabi ni Elmo at lumayo ng bahagyan pero nakapatong pa rin ang mga kamay sa magkabilang bahagi niya sa kama. His forehead formed a few lines as he looked at her. Julie could see the worry evident on his handsome face.
Pero nalilito pa rin kasi talaga siya. "Elmo nasaan ako?" She asked as she looked at him. Her throat felt like sand paper. Ang sakit.
"You were in a car accident." Sagot naman sa kanya ni Elmo.
Julie looked at him. "I was?"
Kahit parang masakit para sa kanya sabihin ay tumango si Elmo at muling sumagot. "Oo." Sabi nito at muli siyang tiningnan. "May iniwasan ka daw na tumatawid kaya nawala kontrol mo sa kotse. You hit a pole and hit your head hard."
Julie did feel a tingling pain somewhere in her head but it wasn't that painful. "How long was I out?" She asked as she looked at him.
Elmo sighed and caressed her face as he answered. "It's been almost a day. Madaling araw na eh."
"Yung lalaking muntik na mabunggo? Is he okay?" Julie asked.
Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Elmo. "Yeah he's okay but don't worry about that. How are you feeling? Teka tatawagin ko yung doctor."
Hindi na nagsalita si Julie hanggang sa panuorin niyang lumabas muna ang lalaki. She had no memory of what happened. Parang hindi nga niya maalala na may muntik na siyang masagasaan. It was all a little foggy. Ang naalala lang niya ay ang eksena sa kanilang school. Ang kanyang pag lock kay Nessa sa loob ng banyo. Kung paano ipinamuhka sa kanya ng mga ka-team ni Elmo at ng kaibigan ni Nessa kung gaano siya kawalang hiya.
She sighed and didn't realize that tears were now falling from her eyes.
"Manski, ano yun? May masakit ba?"
Hindi niya rin pala napansin na nakabalik na si Elmo sa loob ng kwarto at kasama nito ang isang lalaking doctor na naka scrubs.
"Ma'am ako po si Doctor De Guzman, may masakit po ba?" Balik tanong ng doktor sa kanya.
Pinigilan niya ang luha at mabilis na umiling. "W-wala po."
"Manski it's okay." Alo pa sa kanya ni Elmo at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "Tell him, may masakit ba? Ano nararamdaman mo?"
"W-wala naman po." Sabi nito na ngayon ay nakatingin sa doktor. "M-muhkang okay naman na po ako."
"We still need to check on you. Wala ka naman natamong injury pero you're on concussion watch. Saka we need to monitor some lab tests bago ka ma-clear."
At dahil wala naman na magagawa pa si Julie ay tumango lang siya.
The doctor did a few prods and check on her before he turned to Elmo. "Boyfriend ka ba niya?"
Bago pa makasagot si Elmo ay inunahan na ito ni Julie.
"Elmo where's Lolo?"
"Babalik siya mamayang umaga." Sagot naman ni Elmo. "Ako muna magbabantay sayo." He then turned to the doctor.
"Doc ano pa ba ang susunod na gagawin?"
"Well as I said, hihintayin natin ang mga lab results niya and we will also monitor her vitals and such. Wala naman thankfully nakita sa mga scans and x-rays niya so that's a good sign."
"Thank you. Thank you po doc." Sabi naman ni Elmo.
Umalis na ang doktor kaya naiwan silang dalawa.
Julie breathed in as she tried to move.
"Wag mo ipwersa Manski." Sabi pa ni Elmo at muli siyang pinahiga sa kama.
Muli ay napahinga ng malalim si Julie. Mabuti na lang at hindi naman ganun a grabe ang natamo niyang sugat. Pero laking abala talaga.
She looked at Elmo sadly. "Elmo, sorry ah. Pwede ka na umuwi. Dadating din naman si lolo mamaya diba? Saka kaya ko naman sarili ko. Promise hindi ako gagalaw. Papatulong ako sa mga nurse kung may kailangan ako."
Kunot noo pa siyang tiningnan ni Elmo. "You don't expect me to leave you here right?"
"Gusto mo pa ba ako makita matapos ng ginawa ko?" She asked him. Yeah she still remembered. Hindi niya makalimutan dahil hindi rin niya maatim ang sarili sa ginawa. "Just...go Elmo. I'll be fine. Frankly, I'm still ashamed of what I did. Okay? Nahihiya ako sa sarili ko. Mas naalala ko lang kapag nakikita ko muhka mo." Basa. Hindi niya namalayan na basa na pala ang muhka niya. Yep. She was crying again. Lintik na mga luha nga naman ito.
"Manski..." Tila nahihirapan din na sabi ni Elmo habang lumalapit sa kanyang kama.
"I'm sorry okay? I'm sorry." She cried again. "Kasalanan ko lahat okay? Kasi gaga ako. Sobrang gaga ko."
"Manski don't say---"
"Ahhhhh!!!" Nagulat si Julie nang makaramdam ng sakit sa kanyang ulo. Napahawak siya ng mahigpit dito.
"J-Julie!" Kinakabahan na sabi ni Elmo. He panicked and quickly rang for the nurse as he jumped on the bed and hugged her tight.
"Ang sakit! Aahhh!" Julie yelled still holding her head as Elmo kept her close and kept kissing her hair.
Huling naalala ni Julie ay may mga nurse na pumasok sa loob at ininjectan ang kanyang IV line.
The next time Julie woke up it was her lolo who was there.
"Apo wag mo ako pinapakaba ng ganyan." Sabi sa kanya ni Lolo Jim at hinalikan pa ang kanyang noo.
Julie sadly looked at her grandpa. "Lolo sorry po."
"Do not be sorry Lieanne, accidents happen. What's important is that you're safe." Sabi pa ni Lolo Jim habang hinihigpitan ang hawak sa kamay niya. "Bawal ka daw mastress sa ngayon dahil nattrigger ang pain receptors mo lalo na sa ulo."
Julie knew what happened. Na-stress siya nang maalala ang ginawa niya kay Nessa. Gusto lang niyang makauwi na at doon magpahinga.
"Lolo di pa po ba ako pwede lumabas?"
"Sabi sa akin ni Elmo imomonitor ka daw muna." Sagot naman ng lolo niya na pinagbabalat siya ng mansanas. "Pinauwi ko muna para makapahinga."
Napalinga si Julie sa paligid. Wala nga si Elmo. That was better. Ayaw niya makaabala pa sa lalaki. At...parte din ito kung bakit siya nas-stress.
"Kahit isang araw na lang muna okay apo?" Sabi pa ng lolo niya. "Para lang mapanatag na ang loob ko na pwede ka na umuwi."
At di na siya umangal pa. Hindi rin naman siya kasi gumagalaw masyado. Nakahiga lang siya sa kama at nakikinig ng music.
Tulog ang kanyang lolo sa maliit na sofa sa tabi ng kama niya nang may kumatok sa kanyang kwarto.
Akala ni Julie ay ang mga nurse pero nagulat siya nang makita ang mga kaibigan niya.
"Bes!" Si Maqui habang mabilis na yumakap sa kanya. Kasunod nito si Tippy, Nadine at Maris na sabay sabay naman tumabi sa isang bahagi ng kwarto.
Nagising si lolo sa tunog ng pinto at kaagad na napabangon.
"Ay sorry po lo." Maqui smiled.
Ngumiti lang si Lolo Jim. "No. It's all good. Mabuti na lang at nandito kayo para bisitahin si Lieanne." Nakangiting linapitan nito si Julie at hinalikan sa noo. "Magkakape muna ako sa baba apo. Usap lang kayo."
And he left them to themselves.
"Anyare sayo gurl." Sabi pa ni Nadine at umupo sa sofa kung saan kanina nakahiga si Lolo Jim.
Julie really didn't want to think of it pero ganun din naman. Kailangan niya ikwento. She just hoped it wouldn't trigger anything.
Pero bago pa siya makasalita ay inunahan siya ni Maris. "Ako bahala sayo gurl. Sorry di kita naback upan."
"Bakit what happened ba?" Naiintrga na din na tanong ni Tippy. "You got into a car accident right?"
"Mas mahaba pa kasi ang kwento." Singit pa ni Maris pero natigilan at napatingin naman kay Julie Anne. "Oh. Sorry gurl, nangunguna ako."
"No it's okay." Sabi pa ni Julie. May alam naman na ang mga kaibigan niya tungkol kay Nessa eh. Hindi na siya nahiya pa ikwento kung ano man ang nangyari.
"Ang gaga ko alam ko. It was a stupid thing to do." She said, sighing as fell back on the bed.
Maqui breathed in as she sat next to Julie. "Bes, siyempre kakampi ako sayo! Aba mga walang hiya pala naman iyon! Malamang mapapa react ka na ng ganun! HUPYAK na Nessa yan!"
Julie shook her head. "Mali pa rin ginawa ko." She sighed, thinking back on all the things that happened. "Ayoko ko na guys, muhkang ito na ang hinihingi ko na eye opener."
"Jules, ibig sabihin ba..." Simula pa ni Nadine.
Julie didn't know what her friends were thinking but she was dead set on this decision of hers.
"Lalayo na ako kay Elmo...ayoko na."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
After getting discharged from the hospital, Julie immediately went back to school. She was feeling fine anyways.
Ang puso lang niya ang may damage hindi ang katawan niya.
And the stares her school mates gave her didn't go unnoticed either.
Minsan kapag maglalakad siya sa mga hallway ay naririnig din niyang pinaguusapan siya ng mga ito.
"Labo eh no. Ano akala niya madudulot ng paglock niya kay Nessa?"
"Baka nga may something yan sa utak."
"Oo nga eh. Tingnan mo nagpaaksidente pa para lang kaawaan ni Elmo."
Julie sighed and just didn't mind what they were saying. Wala naman na siya magagawa pa dahil sarado ang utak ng tao lalo na kapag ayaw nila buksan.
Ayaw na nga niya maglapit pa sila ni Elmo. Una dahil nahihiya siya, pangalawa, dahil alam niya na iyon din naman ang makakabuti.
Sa kabutihang palad ay hindi pa sila muli nito nagkakausap. Rinequest din niya kasi sa lolo niya iyon. Kaya hindi siya sa apartment niya umuuwi. Kapag sa klase naman ay hinihiling niyang tabihan siya lagi ni Maris at ginagawa niya lahat ng makakaya niya para hindi makausap o ano man ang lalaki.
Si Maris na nga ata ang naging dakilang bodyguard niya eh. Lagi niya kasama ito kung saan man siya pupunta sa university. And she was thankful for that.
But there was one instance that she was going to the restroom and Maris was getting something from her locker that she had a chance encounter with someone she wished she didn't see either.
Natigilan si Nessa nang lumabas siya sa stall habang nananalamin ito.
It was like the air got thicker.
Nakita ni Julie na nanlaki ang mata ng babae.
Alam niya. Alam niyang takot na sa kanya si Nessa. At hindi rin naman siya papatahimikin ng kaluluwa niya kung hindi niya gagawin itong gagawin niya ngayon.
"Nessa pwede ba mag usap?" She said. .
Nakatingin sa kanya sa salamin si Nessa habang nakatayo siya sa likod.
Tumango naman ito bago dahan dahan na humarap sa kanya.
Kahit papaano ay nginitian siya nito ng maikli kahit na kita ang takot sa mga mata.
"Gusto ko mag sorry Nessa." Julie said. "What I did was wrong. Whether you had claustrophobia or not. I'm sorry."
Tumingin sa kanya si Nessa at mahinang ngumiti. "Okay lang yun Julie. Ako nga abg dapat mag sorry kasi, ang insensitive ko na humingi pa ng atensyon ni Elmo kahit alam ko na may karelasyon na siya."
Julie smiled wanly. "Elmo and I were never in a relationship like that." She replied. Saka siya bumuntong hininga muli. "Ako itong feelingera na nag stake ng claim e wala naman ako karapatan sa kanya."
"Ha? Paanong---"
"He was never mine." Julie replied. "I'd like to think somehow he's the best thing that's ever been mine but it's all a lie. Dahil komplikado ang lahat."
"Kausapin mo siya." Sabi pa ni Nessa na parang naguguluhan pa din.
But Julie shook her head. "Hindi na. Okay na ang ganito. Saka malay mo ito na talaga ang chance niyo." She gave a short laugh. "Iiwas na ako promise. Tama na ang role ko na kontrabida sa love story niyo."
Magsasalita pa sana si Nessa pero inunahan niya ito. "But thank you. For letting yourself forgive me. It means a lot. Promise. Ako na ang lalayo."
Hindi na niya pinasalita pa si Nessa dahil naluluha nanaman siya.
She wiped a stray tear just as she stepped out of the comfort room.
Pero nagulat siya nang pag-angat ng kanyang tingin ay nandoon si Elmo sa kabilang dulo ng hallway.
He looked forlorn while gazing at her with a sad expression on his face.
She in turn look surprised and a little scared. Ayaw niya talaga kausapin ito sa ngayon.
"Manski--"
She ran. Ran even before Elmo could say anything.
"Manski!"
Narinig pa niyang tawag ni Elmo pero binalewala lang niya ito. Binilisan pa niya ang pagtakbo. Ngayon lang ata niya natalo si Elmo sa sobrang bilis hanggang sa umabot siya sa parking lot.
Her eyes widened when she saw a familiar figure sitting on top of his motorcycle while he texted.
"Kiko!" She yelled.
Napalingon si Kiko at gulat din na tiningnan siya. Dumeretso ito ng tayo hanggang sa makaabot sa kanya si Julie.
"Take me away please please."
"Manski!" Narinig na siya si Elmo sa likod habang hinihingal.
Tiningnan muna siya ni Kiko bago binalik ang tingin kay Elmo na makakaabot na sa kanila.
Walang sabi sabi na binunot nito ang isang helmet at pinasuot iyon kay Julie. Kaagad naman sumakay ang huli at mabilis na pinaandar ni Kiko ang motor.
Julie didn't want to but she looked back and saw Elmo panting in exhaust as he stood with his hands on his knees in the parking lot. Dahil hindi na rin naman nito mahahabol ang motor.
And she was glad. Di pa siya ready kausapin ito ulit. She needed time. Time to think, and time to come up with her words to say goodbye to him.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: Malapit na po matapos ang kwento na ito...charot lang siyempre hindi pa no HAHAHA!
Anyways! Ayan na si Kiko mga beshy! Pero akin talaga siya hehe!
Thanks for reading!
Mwahugz!