Pinagmasdan ni Julie si Nessa habang nakaupo siya sa tabi ngayon ni Elmo. Maganda naman ang babae. She had fair skin and a gentle looking face. Pero naiirita kasi siya dahil kanina pa ito lingon ng lingon kay Elmo.
Parang gusto niya bunutin ang hawak na tinidor at itarak ito sa mata ng babae para hindi na makatingin ulit.
"Bes hinay lang baka tamaan na ng kidlat." Biglang bulong sa kanya ni Maqui.
She stilled and shook her head awake before turning to her left to see her best friend whispering in her ear.
Busy kasi sa pag dal-dal ang mga mieymbro ng team kaya di sila masyado napapansin.
Tiningnan niya ulit ang pinakamatalik na kaibigan na natatawa ngayon na nakatingin sa kanya.
"What?" She whispered.
"Wala." Tila natatawa pa rin na sabi ni Maqui.
"Ui sino maghahatid kay Nessa? Binilin siya sa atin ni coach!" Sabi ni Joaquin na isang ka-team ni Elmo.
Sabay sabay ang mga lalaki na napatingin kay Elmo. Si Nessa ay namula habang si Julie naman ay napasimangot.
"B-Bakit ako?" Elmo asked.
"Kasi crush ka ni Nessa!" Tawa pa ni Joaquin kaya naman natawa din ang iba pa nilang ka-team.
"U-ui hindi ah." Sabi ni Nessa at nag-iwas ng tingin. Namula nanaman kasi ang muhka nito.
"A-aray bes aray wag mo baliin kamay ko!" Biglang sabi ni Maqui.
Napatingin si Julie sa kaibigan at nakitang kanina pa pala siyang mahigpit na nakahawak sa kamay nito. She turned to Elmo and saw him wearily looking at her. Ewan niya pero pati dito ay naiinis siya. Kaya naman napairap siya sa lalaki at ibinaling na lang ang tingin kay Maqui.
"Bes, oks ka na ba? Napapagod na ako eh."
"Ano, uwi na tayo?" Biglang singit ni Elmo sa usapan nila.
"Hahahaha under sa girlfriend o." Asar naman ni Brent na isa pang ka-team ni Elmo.
But they ignored him and stood up.
"Kayo na bahala kay Nessa mga pare." Sabi ni Elmo habang sukbit sukbit ang gamit na gym bag.
Hindi naman nagsalita si Julie at nauna nang naglakad palabas ng restaurant. Sira araw niya!
"Tangina Elmo kausapin mo yon! Hayop di mo ba alam na nakakatakot yang best friend ko kapag naging dragonesa?!"
"I-Ito na nga."
Nariringi niyang naguusap sa likod niya ang dalawa pero wala siya pake.
"Manski sandali lang naman!" Elmo called out as he chased after her. Siyempre kahit bilisan ni Julie ang paglakad ay naabutan niya ito. Mas mahaba binti niya eh.
"Pwede ba sa apartment na tayo magusap?" Ani Julie. Walking distance lang naman sila eh. Nagagamit nga lang nila ang kanilang mga kotse kapag umuuwi sa village nila.
Hindi nakaimik si Elmo lalo na nang hilain ni Julie palayo ang braso.
Siya namang napatingin si Maqui at Elmo sa isa't isa. Parehong muhkang takot.
Tahimik lang si Julie na nakasakay sa loob ng elevator habang nakatayo sa tabi niya si Maqui at si Elmo.
Tinitingnan pa siya ng dalawa pero hindi pa rin siya umiimik. Makakaroon na ba siya o kung ano man? Kasi ang moody niya bigla? She shook herself awake and walked out of the elevator.
"Manski." Elmo called out.
Nakapasok na silang tatlo sa loob ng apartment. Si Maqui naman ay tiningnan muna silang dalawa bago napagdesisyunan na pumunta muna sa kusina.
Julie looked at him, gazing at his handsome face and how forlorn her looked. She sighed. "Sorry I missed your game kanina."
"It's nothing." Kaagad na sabi ni Elmo. "Pero bakit ka bad trip? Anong ginawa ko?"
"GUNGGONG NAGSESELOS YAN KAY NESSA!" Sabay sagot ni Maqui mula sa kabilang kwarto. Ah so nakikinig pala ito sa usapan.
Elmo turned to her. "Si Nessa? Wala yon!" Kaagad na sabi nito.
But Julie wasn't really in the mood. Biglang parang napagod siya. Mas inis siya kay Nessa siyempre. Naiinis lang siya na hindi man lang nagsasalita si Elmo habang nandoon din siya.
Then it hit her. Bakit? Ano nga ba sila ni Elmo? Binigyan nga pala niya ito ng choice na kung ayawan na, edi ayawan na. Pero ayaw pa niya. She loved him too much to let him go.
"I'm sorry." Sabi niya. "Hindi pala ako dapat nagselos." She muttered and tiredly shook her head. "I'm sorry Manski, medyo napagod ako. Sorry ulit, pahinga ka na din."
Biglang silip naman si Maqui na masama ang tingin kay Elmo.
"Kung ako sayo Magalona umuwi ka muna."
"Pero--"
"Uwi!"
Sumimangot si Elmo at si Julie naman ay nginitian lang siya. "Sige na Manski, pahinga ka na. Sorry ulit. Medyo nahihilo din ako."
"Bakit? Kumain ka naman ah. May masakit pa ba sayo?" Sabi pa ni Elmo.
Parang gusto umiyak ni Julie. Kaya mahal niya ito eh.
So she settled for smiling as she looked at him. "Okay lang ako promise. Itutulog ko na lang."
"Late ka na nga nagising eh." Sabi ni Maqui habang kumakain ng chips.
Nag-aalalang tiningnan ni Elmo si Julie.
Di sila matatapos nito eh.
"Sige na. Maq, kung gusto mo pa kumain luto ka lang dyan." Sabi ni Julie. Siya na ang unang tumalikod dahil baka hindi na talaga matapos ang usapan. She quickly walked to her room and changed down to just her undies and a large shirt.
T-shirt pala ni Elmo iyon. Medyo kaamoy pa rin ng lalaki. She settled herself under the sheets. Oo ngaseselos talaga siya kanina pero totoong parang nahihilo din siya.
The last thing she heard was the door of her room opening. Kaso nakatulog na din kasi siya.
When she woke up, it was already dark out. Muntik na siya mapabalikwas ng bangon nang maramdaman na may katabi siya.
She turned and saw that it was Maqui.
"Good morning." Bati ni Maqui sa kanya.
She chuckled. Naglalaro kasi ito sa phone at ibinaba nang makita na gising na siya.
"Hey." Bati niya. Umayos siya ng higa para nakatingin silang dalawa sa isa't isa.
"Si Elmo nandyan sa labas, nagluluto ng sopas." Maqui informed her.
Napapikit siya ng mariin. Kasalanan niya ito. Ang arte arte kasi niya.
"Tila dragonesa ka kasi kanina bes!" Natatawa pa na sabi ni Maqui sa kanya.
"E nakakainis kasi si Nessa!" She hissed as she rolled her eyes.
"O baka sumakit nanaman ulo mo." Tawa ni Maqui. "Ganun ka pala kapag nagseselos no?"
"Tsk." Julie clicked her tongue. "Inis din kasi ako don sa mga ka-team ni Elmo. Inudyukan pa."
"E paano, pabebe ni ate." Sabi ni Maqui at napaikot din ang mga mata. "Nakita ko kayang tingin ng tingin kay Elmo! Akala mo highschool girl, inis din ako eh."
Kaibigan nga niya ito.
She felt sort of comforted with that. Kasi kahit papaano di naman pala siya nagiinarteng tunay.
"Nakakainis lang din bes..." She said as she remembered. "Kasi wala nga pala ako karapatan sa kanya..."
"Edi lagyan mo ng karapatan!" Sabi pa ni Maqui. "Kausapin mo na kasi, sabihin mo, either kayo o hindi! Yun lang naman yun bes! Akala ko ba matalino ka?! Kung ayaw ni Elmo edi wag! This has gone too far na kasi. Di pwedeng ganun na lang yon!"
Julie looked at her friend. Maqui was right. She breathed in.
Hahanap siya ng panahon para bigyan si Elmo ng ultimatum. Kailangan lang niyang mag-ipon ng lakas ng loob.
Kasi kailangan handa siya sa kung ano man ang magiging sagot ni Elmo.
Knock knock!
"Manski?" Sabay silip naman nito sa loob.
"Luto na yung sopas?" Maqui asked.
Elmo quickly nodded his head as he looked at Julie.
Kaagad na tumayo mula sa kama si Maqui at lumabas ng kwarto para maiwan silang dalawa.
Julie stilled. Hindi pa kasi niya kaya ngayon. Hindi pa niya kaya tanungin kay Elmo yon.
"Hey." Sabi ni Elmo at umupo pa sa tabi niya.
She smiled at him. "Hi, nagluto ka daw?"
"Oo. peace offering?" He smiled. "Si Nessa? Wala lang yun.Kaibigan na din kasi siya ng team kasi anak siya ni coach."
"I know. I'm sorry." Sabi naman ni Julie. Elmo smiled at her before leaning in to kiss her softly on the lips.
"Tara na, kain ka na sinarapan ko para sayo." He pulled her up from the bed. She didn't care that her legs were bare for him. Ganun din naman yon. Pero totoong maghahanap siya ng panahon para kausapin ang lalaki. Hindi lang ngayon.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Naiwan nanaman si Julie sa school ng araw na iyon. Papalapit na kasi ang pinaka Business Fair and she was getting busier and busier.
Kakaunti na lamang ang tao sa school grounds. Nahihilo nanaman siya sa sobrang rami ng ginagawa niya kaya napagdesisyunan niyang maglakad lakad muna sa paligid.
Natagpuan niya ang sarili sa open grounds na malapit sa pinaka auditorium at basketball court.
She was heading her way to a gazebo when she saw that someone was already sitting there.
Natigilan siya nang makita na si Nessa pala iyon.
Maglalakad na sana siya palayo nang una siya nito nakita at talagang kumaway pa sa kanya.
"Hi!" Sabi nito.
She hesitated, before deciding to give her a small smile just to be civil.
Saka naman bigla itong gumalaw para magkaroon ng space. "Upo ka." Sabi nito.
Would she do it? She didn't know.
But she did.
So she sat down beside Nessa who was still all smiles for her.
"Ikaw si Julie diba?" Sabi nito. "Sikat na sikat ka kahit sophomore ka pa lang. Magaling ka daw kasi kumanta."
Bakit ba siya nito kinakausap? Ayaw ni Julie magpaka plastic eh. Lalabas na talaga ang b***h side niya.
"Can I be honest with you?" She said.
Nakita niyang natigilan din naman si Nessa at dahan dahan na tumango.
"Ayokong lumalapit ka kay Elmo." She said. She was a full blown b***h right now. "He's mine okay? I don't want you getting any ideas." Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lahat ng ito. Basta naiirita kasi siya sa muhka ni Nessa.
Muling napatango ang babae. "W-wala naman ako balak kay E-Elmo. Naging kaibigan ko lang din ang team. S-saka, pinagt-tripan lang talaga kami nila Joaquin."
"Hindi ka naman pagt-tripan ng mga iyon kung hindi ka magpapakita ng motibo diba?" Julie said. Halatang natatakot na sa kanya si Nessa. "Anyways, mabuti na maliwanag. It was nice talking to you Nessa."
She left the girl alone who stayed quiet. Yeah she was harsh. But she was very possessive of Elmo. So who could blame her right?
Dumaan siya sa court para tingnan ito at nakitang patuloy ang practice ng mga lalaki.
"Elmo! Nandyan si Julie!" Tawag ng isa sa ka team ni Elmo.
Elmo stopped with the drills he was doing and smiled when he saw her.
He ran to where she was, a smile still evident on his face. "Hey Manski! Nandito ka pa? Pinapagod mo nanaman sarili mo."
Kanina pa kasi ang tapos ng klase pero hayun nga at nagstay nanaman siya.
"Iuuwi ko na din yung trabaho." She said. "Nagpaalam lang din ako sayo na mauna na ako."
"Sure. Pahinga ka na okay?" Ani Elmo. He leaned in and kissed her forehead. Kahit na pawisan ito ay napakabango pa rin. Asan ang hustisya.
"Wag masyado magpapagod ah? Saka wag i-push ang sarili." Julie said before kissing him on the lips.
"Yiiiii!" Narinig niya pang hiyaw ng mga ka team nito. Medyo umismid si Julie. Makakantyaw ngayon samantalang nung isang araw panay ang inis kay Elmo at Nessa.
Nang makapag paalam ay inuwi na niya ang lahat ng gamit na kakailanganin at dumeretso sa apartment.
Kumuha na din siya ng to go cup ng kape para may karamay siya sa pagt-trabaho.
She placed all the papers on the kitchen table and sighed. Time to work. Mamaya ay ang mga homework naman ang pagkakaabalahan niya.
Hindi niya alam kung ilang oras na ang nakakalipas. Pero nakakaramdam nanaman siya ng hilo. Literal na nagdadalawa na ang paningin niya.
Napatayo siya nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng apartment niya at pumasok si Elmo na may matigas na ekspresyon sa muhka.
"Manski--"
"You told Nessa to stay away?" Biglang sabi nito.
Julie's expression turned stony as she looked back at him. "Nagsumbong pa talaga sayo?"
"Hindi siya nagsumbong. Pero Julie naman, tila multo ako! Kapag lalapit ako bigla na lang lalayo! Edi kinompronta ko..."
"At lumalapit ka naman?" Balik pa ni Julie. Okay, nahihilo na siya tapos ngayon inaaway pa siya ng lalaki. "Sabihin mo nga sa akin, gusto mo ba kay Nessa? Ano ayawan na? Sabihin mo lang sa akin sige." Hamon pa niya.
Elmo's expression turned frustrated. "It's not about that! Ayoko lang na magmuhkang bad guy doon sa tao! Julie, wala naman siyang ginagawang masama!"
"E ayaw ko nga na lumalapit siya sayo! Tapos inaasar asar pa ng ka team mate mo! Kinukunsinti! Halata naman kasi na may gusto sayo yung babae!"
"So you threatened her? Ganon? Julie ano ka ba!" Sigaw ni Elmo.
Gusto pa sana bumalik ng sigaw ni Julie pero umiikot na bigla ang mundo niya. She turned and started walking away.
"Julie, kausap pa kita..."
"Wag ngayon Elmo..."
"Ganyan ka naman eh. Lagi ka tumatakbo sa usapan!"
"I said not now!" Julie yelled and harshly turned around to face him. She shouldn't have done that! Nagsama sama na, umikot na ang mundo, dumoble pa. She saw Elmo's scared expression before everyting turned black and she felt two strong arms wrap around her.
"Manski? Manski!"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
AN: Hallo friends! Kamusta naman? Saya ba? ay hahahaha! humigad ano na nangyari kay Julie? Comment guys! Thanks for reading! Vote din kayo tenchu ulit!
Mwahugz!
-BundokPuno<3